Chapter 13

126 8 0
                                    

DAHIL SA REQUEST ng Auntie Jannia ni Aki ay tumungo siya ng America para bisitahin ito. Dahil wala namang schedule ang grupo niyang f-gen ay nagbakasyon muna siya.

Gusto rin kasing makilala ng auntie niya si Franco since alam na nito na may boyriend siya. Tamang-tama naman dahil may concert ang Blue sa LA. Iyon na ang huling concert tour ng banda bago sila magpapahinga.

Nauna na si Franco sa LA kasama ang mga ka banda nito. Gaya ng dati ay dalawang oras ang pagitan ng pagpunta nila doon para hindi masyadong obvious.

Nang makalabas siya sa kotse ay agad namang itinuon ng mga media ang camera nila. And aa always, smile and wave ang sukli habang dirediretso siya sa entrance. Kasama naman niya ang manager niya kaya safe siyang nakapasok sa loob ng walang aberya.

"Tumawag ang mommy mo kanina. Tawagan mo daw siya kapag nasa LA ka na," wika ng manager niya bago ibiaabot ang passport ang boarding sa kanya.

"Okay," she replied and smile.

"Don't tell me manonood ka ng concert?"

"Manager Ki, as much as I want to, alam mong hindi pwede. Ang daming makakakita na nandoon ako and besides, ayaw rin ni Franco na magkagulo doon," she said and sigh.

"Sabagay."

Tumawa na lang siya ng magaan bago inabala ang sarili. 30 minutes pa ang hihintayin nila bago mag boarding.

"IS SHE COMING to watch your concert?"

"No. Baka magkagulo lang. And besides, nandoon siya para bisitahin ang auntie niya."

She sigh. "I feel guilty."

"Why?"

"Kasi hindi niya alam na magkakilala talaga tayo."

"I know. Masyado lang kasi akong busy kaya hindi ko rin nagawang masabi. I'm sure she'll understand if sasabihin ng maayos."

She sigh again.

"Don't stress your self. Baka lalo lang makasama sayo. Magpahinga ka na."

"I wanted to tell her right away, Franco. I really do."

"I know. We'll find a way, come on Win, just rest."

"Okay. Thanks, and good luck sa concert."

Franco smile. "Salamat. Now, matulog ka na."

Tumawa ito sa kabilang linya. "Daig mo pa ang doktor ko. Okay, bye."

"Bye."

NAKARATING SI AKI ng maayos sa LA. Nandoon na ang auntie niya at naghihintay sa loob ng sasakyan.

Agad na niyakap niya ito ng makapasok na siya.

"Oh my goodness, I've got to see you atlast!"

"Oo nga tita eh. Namiss ko kayo," Aki said and hug her again.

"Are you kidding? Ako rin kaya! You were so busy! Buti at nakaluwag ka."

Sumandal siya sa head rest ng sasakyan. "Yeah. Tapos na kasi ang promotion ng latest album namin. Kaya ang free time ko dito ko muna igugugol kasama kayo ni Tito James. How's he?"

"Naku, he's fine. Can't wait to see you. Kaso kailangan niyang pumasok sa office kaya mamayang gabi pa kayo magkikita. Inutusan nga ako na tawagan ko siya kapag nasa bahay na tayo."

Natawa si Aki sa tono na ginamit ng ginang. Madalas magtalo ito at ang asawa nitong amerikano na si Tito James. Pero lahat iyon ay sa pabirong paraan. Kahit na ang ginong ang talo ay ito lagi ang sumusuyo sa auntie niya. Para lang ding mga highschool ang mga ito kapag sobrang sweet na.

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon