Chapter 6

130 9 0
                                        

NASA PRACTICE ROOM si Franco at siya lang ang magisa gaya ng dati. Nasa harap siya ng keyboard at nagpapractice siya.

Tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ay galing kay Aki ang message na iyon.

Hi. R u busy later?

No. Y?

Got 2 tell u smtng.

Was it important?

Very.

Gud or bad?

Both... I guess.

Parang kakabahan ako dyan.

Pls don't get mad at me, honey.

He smile when he saw her last word. Honey. Bihira lang kasi nito iyon titinawag sa kanya. Kapag may pakiusap talaga ito ay iyon ang tinatawag nito sa kanya.

Sa ginamit mong endearment mukhang di ako magagalit, baby. 😊

😪

Hey, I'm just kidding.

I knw.

Wala akong sched tom. U?

Wla dn. Y?

Let's meet, at d secret house.

Hmm, ok.

Will I pick u up?

No, its ok, I'll go alone.

Ok. Will wait 4 u.

Ok. C u, mag-aayos muna ako ng mga gamit ko.

Alright. Miss u, baby.

Miss u 2, Franco. 😚

Tumawa siya ng magaan. Dahil free siya ngayon at bukas ay mauuna siya doon. Sa isang subdivision malayo sa Seoul ang papuntahan nilang bahay. Silang dalawa lang ang nakakaalam niyon at isa iyon sa dalawang bahay na nakapangalan sa kanila.

Isa sa labas ng Seoul at isa sa LA. Iyon ang tinatambayan nila kapag gusto nilang pumunta doon. At mabuti dahil wala pang nakakakita sa kanila.

Nag-ayos na siya at saka bumaba na ng lobby at sa parking lot.

AGAD NA PUMASOK si Aki sa gate ng bahay nang makitang naroroon na ang kotse ni Franco.

"Franco?" tawag niya.

Hinanap niya ito sa kusina pero wala ito doon. Sa study, pero wala rin ito. Umakyat siya sa mga kwarto doon at binuksan isa-isang binuksan ang pinto.

Sa unang tatlong kwarto ay wala ito. Huli niya pinasok ang kwarto kung saan sila nagtatambay. Halos mapasigaw siya sa gulat dahil kahit hindi pa siya nakapasok ay may humawak sa baywang niya mula sa likuran.

Tumawa si Franco nang hampasin niya ito sa balikat.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" aniya rito at hinampas ulit ito.

Ngumiti lang ito at saka agad hinalikan siya sa mga labi nang akmang magsasalita siya.

"Hi baby," anito nang pakawalan na ang mga labi niya. "I miss you."

Niyakap niya ito. "I miss you, too."

"Nagugutom ako, hinihintay kita kanina pa," anito at sabay silang bumaba sa hagdan.

"Sorry. Medyo traffic kasi, eh magluto na lang tayo, may stocks kaya tayo diyan."

"Okay, I'll cook."

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon