AFTER A MONTH of being busy, nakaluwag din si Aki at nakapagpahinga ng maayos. Nagpaalam siya sa Manager nila na kay Ate Ivine muna niya igugol ang oras niya dahil malapit na itong manganak and she knew Kuya Brace needs help.
May kanya-kanyang agenda rin ang mga kagrupo niya. Si Alex ay nagbakasyon sa New York kung saan nandoon ang ilang kaibigan nito. Si Ate Via ay nasa Beijing dahil may mga commitments din ito doon kapag wala silang schedules dito sa Korea. Si Ate Lian naman ay mas piniling umuwi sa kanyang hometown muna.
"Nakabalik na ba si Franco?" Ate Ivine ask while caressing her big as a watermelon tummy. Silang dalawa lang ang nandoon sa terrace dahil umalis si Kuya Brace para bumili ng mangga dahil gustong kainin iyon ni Ate Ivine.
"Siguro. Tatawag naman yun," aniya. "Are you okay?"
Napangiwi kasi ito at biglang napahawak sa braso niya.
"Yeah. Sumipa lang si Bryce," kagat-labing sagot nito.
"Ang cute ng name. Sinong nakaisip?"
"Si Brace. I agreed kasi pangbabae talaga. It will be Bryce Illonee."
"Hmm, nice name. Kakaiba."
She smile, pero napangiwi ulit. The baby keeps on kicking.
"Ang tagal ni Kuya Brace. Baka mamaya biglang sumakit ang tiyan mo at manganak ka ng wala sa oras," aniya.
"Next week pa ang due ko sabi ng OB ko. It hurts alot talaga daw kapag malapit na," she answer and caress her tummy.
"Love, I'm here. Heto na yung mangga, pinahiwa ko na kay Manang Julie."
"Thanks."
"Kanina pa sumisipa ang baby, kuya. Ang tagal mo daw," aniya at ngumisi rito.
Tumawa lang ito. Nakatingin lang si Aki sa dalawa habang sinusubuan ni Kuya Brace ng mangga si Ate Ivine. Napangiti siya dahil sinubuan rin nito si Kuya Brace na kinain naman ng huli. Nakalimutan na yata siya ng mga ito dahil sa paglalambingan but she didn't mind at all. She loves to watch them while doing sweet things to each other.
She suddenly think about Franco. Kamusta na kaya ito? Nakabalik na ba ito galing sa tour nito sa USA?
Sobrang namimiss na niya ito. Pero hindi siya ang unang tatawag dito. Hahayaan niya itong maunang tumawag. Aki smile on the thought of that.
"Ang lalim ng iniisip mo ah."
Napalingon siya sa dalawa. Nawala sa isip niya na nakatanaw na pala siya sa malayo.
"Oh, sorry. Wala, siguro pagod lang ako," dahilan niya sabay unat ng kamay.
"Dapat natulog ka pa. Ang aga mong nagising kanina," turan ni Ate Ivine.
"Its okay, ate. Pwede naman akong matulog mamayang hapon kung gugustuhin ko. And besides, bantay mo ko kapag aalis ang syota mo."
Napailing si Kuya Brace. "Syota pa more."
Tumawa sila ni Ate Ivine.
"Hindi pa ba tumatawag ang syota mo?" tanong ni Kuya Brace sa kaparehong tono na ginamit niya kanina.
"Hindi pa. Hayaan ko siyang maunang tumawag."
"Grabe ka. Miss na miss mo na kamo pero pakipot ka pa. Naku, basang-basa na kita, bubwit."
"Kuya naman eh! Sabi ng huwag mo akong tawagin ng ganyan eh! Tsk!" nakasimangot na wika niya.
"Matagal na kaya kitang hindi tinatawag ng ganun. Namiss ko lang... Bubwit," nakangising turan nito.
BINABASA MO ANG
Secret Love (COMPLETED)
FanfictionThis story is next installment of Yes, It's Love. Imaginary Characters: Krystal Jung as Aki/Sonara Jung Minhyuk Kang as Franco Kang All names that are mentioned on the first story are still here. Thank you for reading.