Chapter 26

107 7 0
                                    

After 2 years...

"Dude, tahimik ka na naman," puna ni Jude kay Franco.

Ngumiti siya. "Okay lang ako."

"Alam mo hindi ka magaling magsinungaling. Basang-basa kita eh. At saka alam ko na hindi ka okay for almost two years, and its my fau-"

"Jude, how many times do I have to tell you, may kasalan din ako. At besides, she asked me to give her space, so I did. I love her kaya hinayaan ko siya," wika niya.

"Still, its all my idea, hay nako, ano ba yan, naiinis ako sa sarili ko."

Tinapik niya ang balikat nito. "You don't have too, di ba sabi mo, nag-usap kayo ni Aki the next day, you settle things with her."

"Yun na nga eh. Okay na kami, pinatawad na niya ako, pero bakit ikaw hindi pa? Ang sabi niya-"

"Calm down, okay na yun. Nangyari na, and besides, she just asked space, hindi naman kamo totally break," sabi niya.

"Hoy, baka nakakalimutan mo, cool-off ang tawag doon. Baka nga maghiwalay kayo dahil matagal na kayong hindi nagkikita."

Natawa siya mg magaan. "Mas praning ka pa sa akin."

"Kasi kasalanan ko nga, kung lahat pwede kong gawin para mapatawad ka niya gagawin ko, kasi kasalan ko nga, I should be the one to blame. Sayang yung almost three years niyo na sana," anito at umiling.

Ngumiti siya. "Thanks, Jude. I appreciate it."

"Kasi kaibigan kita. Kaya kung ano man ang maaari kong gawin para magkabalikan na kayo ay gagawin ko."

He nodded. Hindi na lang siya nagsalita. Dahil sa mga pinag-usapan nila ay bumalik sa kanya ang mga pinag-usapan nila ni Aki noon.

"Let me explain baby, please."

Nanatili itong walang imik. Nakatanaw lang ito sa madilim na kalawakan. Dinala niya ito sa rooftop ng huminahon ito sa pag-iyak kanina.

"Why? Why d-does it have to end up this way? Bakit kailangang ngayon pa, Franco?"

He sigh and wipe her tears. Umiwas naman ito. Tumalikod ito sa kanya.

"Baby..."

"You tell me kung bakit naging pustahan lahat. At bakit sa akin? Pati ba pagligtas mo sa akin sa pustahan din ba nagsimula? Ano? Sabihin mo para alam ko!" sigaw nito sabay hampas sa dibdib niya.

Hinayaan lang niya ito. Wala naman sa kanya ang sakit dahil mas doble iyon sa sakit na pareho nilang nararamdaman.

"No, of course not. Mahal na nga kita noon pa. That bet just started kasi hindi pa alam ni Jude na tayo na, that's why hinamon niya ako. Aki, I know mali ang ginawa ko-"

"Mali talaga, Franco! Kasi hindi ko alam. Na dahil lang sa pustahan na yan!"

"Aki, please. The bet is after I courted you and you after you said yes, hindi ko nga rin alam kung pumayag ako, but that doesn't change the fact na mahal na mahal kita."

"Kung mahal mo ako at kung nasa tama kang pag-iisip hindi mo gagawin yun, kahit pa na binawi na ni Jude dapat hindi ka pa rin pumayag sa umpisa pa lang. I thought iba ka. I thought you wouldn't do anything na makakasira sa relasyon natin, na mapagkakatiwalaan kita! Pero hindi! Hindi ko alam... No, I-"

Hindi niya ito pinatapos sa pagsasalita. Hinalikan niya ito. Nanlaban ito pero hindi siya nagpatinag. He kiss Aki because of the urge of his sorry and love towards her.

Nang maramdaman niyang nagpaubaya ito ay tumigil siya. Tiningnan niya ito at saka pinunasan ang mga luha.

"B-bitawan mo ko."

"No."

Kahit na anong gawin niyang higpit sa yakap ay natalo siya nito. Wala siyang nagawa ng tangkain niyang hawakan ulit ito na tinapik nito ang kamay niya.

"I-I need space. I want a time for myself."

"Aki, no. P-please no," aniya, naiiyak na rin. Hindi niya alam kung kaya niyang mahihiwalay sila.

Parang hindi siya nito narinig. Tumalikod ito sa kanya. Sinundan niya ito at saka niyakap sa likuran.

"Franco-"

"Hindi ko kaya, Aki. Please, we can still fix this, p-please."

"Let m-me g-go..."

"Mahal na mahal kita, ayokong pakawalan ka, n-no," aniya.

"Kung mahal mo ko, hahayaan mo kong gawin to. Dahil kapag hindi ay hindi ko na alam kung papaano pa kita mapapatawad. Kung gusto m-mong maayos natin to, y-you have to l-let me g-go."

Ilang minuto pa ay pareho na silang naiiyak. Lalong humigpit ang yakap niya dito. Pero mayamaya ay unti-unting lumuwag iyon. Hanggang sa nakawala na ito sa yakap niya at mawala na rin sa paningin niya.

Mula noon ay hindi na niya ito macontact. The next thing he knew, naghiatus ito sa grupo at maging sa pagiging writer.

He was so devastated, and all he did was to cry and drink and sleep. Paulit-ulit hanggang sa dumating sa punto na halos madpa na siya. Pero kahit ganoon ay hindi siya iniwan ng mga magulang niya at kabanda niya. Maging ang mga fans niya ay sinusuportahan siya kahit na iba ang rason na alam ng mga ito.

Kaya ngayon ay nagawa niyang bumalik sa dati kahit pa may kulang sa pagkatao niya. Sinikap niyang bumangon at magpatuloy sa ginagawa niya kahit na halos mamatay siya dahil sa sobrang pagkamiss kay Aki.

"Bakit hindi mo siya sundan sa LA? Diba sinabi sayo nina Alex na doon siya pumunta?" tanong ni Jude na nagpabalik sa isip niya sa kasalukuyan.

"I won't disturb her muna sa ngayon, dude. She asked for space, kaya I'm letting her."

"You sounded like you want to give up."

"No, I'm just saying na iyon ang gusto niya. Just let her do what she wants to do. I'll do the rest in the end. I just couldn't let her go next time, Jude. Mahal ko talaga si Aki."

Ngumiti ito at saka tinapik ang balikat niya.

Nagulat sila dahil biglang pumasok sa kwarto niya si Kuya Jan.

"You have to see this, Franco, come on!"

Napalabas sila at saka sinundan ito.

"Ano'ng meron?"

"You're girl's back, dude. And she's trending right now."

Napatulala si Franco habang nakatingin sa TV screen. There, his girl is really back. Aki Jung is in town.

You have to think something to win her back, man.

Yeah. Do something sweet. Bawiin mo siya.

Right. He has to think of something.

Secret Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon