♚HIDDEN SECRET♚

9.1K 267 6
                                    

Author's Note:
Itong part na ito ay Panahon pa ni Zeus...

Ang Olympus Palace ay tirahan ng mga diyos at diyosa, isa na dito si Zeus, Minerva, Mars,Mercury, Vulcanus at iba pa... Si Zeus naman ay isa sa pinakamakapangyarihan sa lahat at si Minerva ang pangalawa, ngunit nang nabuhay si Apollo, siya ang pumangalawa, at siMinerva ay pangatlo..

Nagkaroon ng digmaan laban sa Old Hell at New Hell, ang mga Old Hell ay nanaig sa kasamaan at ang New Hell ay sa kabutihan, nag away ang dalawang panig,kinampihan ng mga diyos at diyosa ang mga New Hell, kaya natalo ang Old Hell, ngunit hindi pa dito nagtatapos, nang matapos ang laban, nawala naman si Apollo, nang mawala siya lahat ng taga Land of Olympus at Olympus Palace ay nalungkot, ang alam nila ang mga taga Old Hell ang kumuha kaya nang mawala siya, nawala na rin si Zeus kaya nang mawala siya si Minerva ang pumalit sa kanya..

Lahat ng kawal sa Olympus Palace ay pumunta sa ibang dimensyon upang hanapin si Apollo at si Zeus, samatala ang Old Hell rin ay nagsisimula na sa pagahahanap kay Apollo, kailangan nilang patayin si Apollo hangga't hindi pa tuluyan nagigising ang tunay na kapangyarihan, hanggang ngayon hindi pa rin nila alam ang alternatibong paraan upang magising ang tunay na kapangyarihan ni Apollo, kaya habang maaga pa gustong hanapin ng Old Hell si Apollo dahil para sa kanila, balakid siya sa mga plano nila....

Someone's POV

"Wag mo siyang saktan, ang aking mahal.."

Sabi ni Zeus sa akin, alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya

"Pasensya na kung ngayon ko lang nalaman na sya pala si Apollo" sabi ko

"Ayos lang iyo, sa ngayon bantayan mo siya, sigurado ako na hinahanap na siya.." sabi ni Zeus

"Sige, akong bahala sa kanya" tugon ko

"Salamat.." tugon niya, at siya ay tuluyan ng nawala sa salamin..

Hayyyy, malay ko ba na siya si Apollo, sorry Erris, nahusgahan kita masyado...

--------------------------------------

Notes:

Ang Olympus Palace ay palasyo, habang ang Land of Olympus ay lugar kung saan naninirahan ang spell caster, elemental user, mga immortal, diyos at diyosa, at New Hell, basta kahit anong immortal basta nanaig sa kabutihan..

Ang New Hell at Old Hell ay mortal na magkaaway ngunit, kumampi ang mga diyos at diyosa sa New Hell kaya lalong nagalit ang Old Hell...

Si Minerva o Athena ang kasalukuyan na namumuno ngayon sa Land of Olympus...

--------------------------------------

Sa kabilang dako..

Someone's POV

"Dapat silang patayin hanggang maaga pa, dapat hanapin niyo na sila sa mundo ng mga mortal" sabi ni hari

"Pasensya na po hanggang ngayon hindi pa rin namin sila nahahanap" sabi ng isang kawal

"MGA INUTIL, ANO GuSTO NIYONG PALABASIN, MAHIHINA KAYO, HINDI NIYO KAYA" sigaw ng hari

" hindi po sa ganun, sige hahanapin na po namin sila"sabay na sabi ni mga kawal

"BILISAN NIYO, KUNG AYAW NIYONG MAMATAY" galit na sabi ni hari

Umalis na ang mga kawal...ang palasyo ng Old Hell ay punong puno ng kasamaan, ginawang alipin ang ibang New Hell na nahuli nila nung hiling digmaan, lahat ng elemental user na nakuha galing sa mundo ng mortal ay ginawang masasama...kaya unti unti na silang lumalakas, hanggang sa mapantayan ang kalakasan ng mga diyos at diyosa...

---------------------------------------

New Hell...

Nagkaroon ng meeting ang mga Council ng New Hell, dahil sa nalaman na balita na lumalakas na ang Old Hell...

"Gusto ko lahat kayo ay pumunta sa mundo ng mortal upang hanapin ang iba pang elemental user, at papalakasin natin sila" sabi ni Minerva

"Opo mahal na reyna" sabay sabi ng
mga Council

"Salamat sa inyo, hanapin niyo rin si Belle, at tanungin kung nahanap niya si Zeus at si Apollo" sabi ni Minerva

"Opo" councils

--------------------------------

Pangalan ng mga Council

Cyril Gerlock(kapatid ni Belle)

George Bezarius

Allen Schrutt

Kimmy Harlet(anak ni Mrs. Harlet)

Alyana Chui
---------------------------------------------
Abangan sila sa ibang Chapter..

Thanks nga pala sa lahat ng nagbabasa, please paki vote kung nagustuhan..

Alamin niyo na rin ang dalawang SOMEONE, and i also need more characters kaya galing sa inyo mga readers ang magiging characters sa kwento na ito, kaya comment na...

Minerva at the picture...

Thank you...

The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon