♚ARAW NG PAGGISING♚

6.5K 189 0
                                    

BELLE'S POV

Nagle lesson pa rin tong Prof namin about sa history ng mg Goddessess, nakinig ako at may nakuha akong impormasyon

"Ngayon sa kapanganakan o kaarawan naman ng mga diyos at diyosa, pinapanganak sila tuwing full moon, kadalasan pag katapos ng goddess day, sa oras naman ng paggising ng katawan ng isang diyos o diyosa, tuwing half moon, katulad na lamang kay Diana, magkaiba ang kapanganakan sa paggising ng katawan, ang kapanganakan ang araw na lumabas sa sinpupunan habang ang paggising ng katawan ay ang tuluyan o ganap na diyos o diyosa na"sabi ni Mr. Matthew, sabi ni Erris 3days after these, full moon daw yun, paano niya nalaman na full moon, hindi naman namin alam kung kailan siya nagising, napaka misteryoso ni Erris, parehas sila ng kaarawan ni Apollo,...

KRIIING!!!!

Hayyyy sa wakas, break na....

"Guys, halika na"aya ko sa kanila

"Pwede ba kaming sumama" tanong naman ni Zach at Fred

"Sure, pwedeng pwede"sagot ni Cy, nagulat kami sa sigaw si Erris

"SHAN SHAN, BAKIT ANDITO KA"takbo niya papunta dun sa Shanley

"Akala ko nakalimutan mo ako Erri ko"sabi naman niya kay Erris, ERRI ang cute ng tawag niya kay bessy ko

"Shan ito nga pala si Belle at Cyril, Belle at Cyril siya naman si Shanley, pwede na rin Shane ang tawag niyo sa kanya"sabi ni Erris, nakipag shakehands naman ako sa kanya, ang ganda niya, ay wait, tanungin ko kaya siya

"Shane, kailan birthday mo"tanong ko sa kanya

"Ah, ako, nung Aug. 23, ****, full moon nung araw na yun"what?! Saturday, un ang araw na nagising si Diana, da ef, imposible, baka nagkasadya lang..

"Ahhhh, ok"shet, hindi pwede maging kaparehas ni Erris si Apollo, matagal nang patay si Apollo, pero pwede rin, pero nasa Old Hell si Apollo at si Diana, imposible namakatakas sila,madaming bantay dun...

"Hey, tama na pag iisip ate, mamaya na yan tungkol sa birthday, so Shane, sabay ka na sa amin"Sabi ni Cy, mind reader nga pala toh

"Sure"sabi ni Shane

"Okay, gorabels na, imsure nandun na din sila"sabi ni Cy, wait sinong sila?

"Sinong sila"tanong ni Erris at Shane

"Ahhh, ang ibang Council, andun na sila Ate, nagkahiwalay lang kasi kami ng mga section, pero its alright"sabi ni Cy, ay oo nga pala, si Fafa Allen ko

Maglalakad na kami papuntang Cafeteria, nang mapansin namin si Erris hindi mapakali

"Hoy babae, may problema ka ba, hindi ka mapakali diyan"tanong ko sa kanya

ERRIS' POV

Hindiako mapakali, shit, ang kati kati ng dibdib ko ewan ko ba, hindi ko alam ang nangyayari, nahihilo na rin ako...

"Hoy babae, may problema ka ba, hindi ka mapakali diyan"tanong ni Belle, hanggang ngayon,kamot pa rin ako kamot sa dib dib ko

"Huy, Erris, okay ka lang"tanong naman ni Zach, lalong kumakati ang dibdib ko, parang gusto kong lihahin sa sobrang kati

"Erri, ayos ka lang, namumula na katawan mo"sabi naman ni Shan, habang kinakamot ko ang dibdib ko, nakita ang braso ko pulang pulang, hala lalong lumala ang hilo ko, ung mga braso at binti ko nangati na rin, ughhhh, napa upo ako sa sahig

"Kailangan natin siya dalin sa Clinic"sabi ni Cy, ang kati pa rin lalo na ang dibdib ko, ngayon lang to nangyari

"Zach, buhatin mo na siya, dalin na natin siya clinic"sabi ni Belle, binuhat na ako ni Zach, nung buhatin niya ako, parang tumibok ang puso, ang bilis, tapos ang pangangati ko kumokonti lang, pero ang dibdib at binti ko nangangati maliban sa braso ko ang hilo hindi rin malala masyado

Pero bago ang lahat, everything went black

CYRIL'S POV

Nadito na kami sa hallway, tumatakbo papunta sa Clinic, nawala na ng malay si Erris, pero nag alin langan kami ng umiilaw ang kwintas namin ni Belle, hindi lang doble ang ilaw nito, triple amg ilaw niya kumpara pag si Apollo ay malapit lang parang maliit na ilaw lang siya, pero ngayon iba na parang ilaw ng kotse, parang tatlo ang godess na malapit sa amin, kaya malakas ilaw niya

Malapit na kami sa Clinic nang humina ang ilaw ng kwintas namin,marami kaming nakasalubong na estudyante hindi namin alam kung sino sa kanila ang hinahanap ng kwintas namin

"Ms. Zenaida, we need your help, isa sa kaibigan namin nawala ng malay"sabi ko agad sa kanya

"Nasaan siya, ito bang babaeng ito"turo niya kay Erris na buhat pa rin ni Zach, tumango kaming lahat pumasok kami sa room, at hiniga ni Zach si Erris sa kama, kita namin kung gaano kapula ang balat niya

"Sige na, umalis muna kayo, ako na bahala dito, may klase pa kayo, sabihin niyo na lang sa next Prof niyo ay nandito siya para ma excuse"sabi ni Ms. Zenaida, tumango na lang kami at umalis....

ERRIS'S POV

Pagmulat ng mata ko, nasa mala paraiso akong lugar, naaninag ko ang babae na nakalutang sa itaas, umiilaw ang dibdib na may simbolo, parang pentagram, kulay orange, ang mga binti niya may mga marka at kulay pink umiilaw rin ito, pati rin ang braso niya may ganun, ang buhok niya kulay black, mahaba, at kulot, ang mgat mata niya kulay asul, may halo sa ulo, si pa ba ito, edi ai Apollo

"Apollo"sabi ko habang lumalapit sa kanya

"Kung nagtataka ka kung bakit nangangati ang iyong buong katawan, ang araw na ito ay ang paggising ng katawan ko, i mean nating dalawa, sa araw ng ating kaarawan lalabas na ang marka sa iyong dibdib, ngunit, hindi pa rin tuluyang magigising ang kapangyarihan natinng dalawa"paliwanag niya sa akin

"pwede na ba akong magising sa katotohanan"tanong ko, baka pinaglalamayan na naman nila ako

"Hindi maaari hanggat hindi tumutuntong ang half moon"sabi niya, edi maganda lilibot muna ako

Naglalakad ako ngayon sa bridge, may ilog dito eh, si Apollo kasunod ko

"Bakit mo sinabi kanina ang totoo mong kaarawan mo kanina"tanong ko sa kanya

"Para hindi sila kabahan, para maguluhan sila na buhay pa ba ako o hindi, at para magkaroon ng pag asa na may kaparehas pala ako"sabi niya, tama siya, karamihan kasi akala nila patay na si Apollo pero nandito pala siya sa loob ko, at iisa kami...

"Malapit na ang gabi, at makikita nila mamaya na iilaw na ang simbolo ko sa loob na palasyo na nagpapatunay na gumising na ako at buhay ako, habang dumadaan ang proseso dito ka muna, dahil maaari na makita nila ang paglabas ng simbolo, at malaman ito ng Old Hell

"Sige, masaya nga dito eh"sabi ko sa kanya

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

Hanggang dito na muna, hahaahaahah, ngayon lang ulit ako nag update sorry, miss ko na kayo

The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon