♚IS HE LOVE ME OR NOT♚

4.8K 147 3
                                    

BELLE'S POV

Tumakbo si Erris pero pinigilan muna namin siya

"Kailangin natin kunin si Zach sa kanila"mangiyakngiyak na sabi ni Erris

"Pero hindi pa ito ang tamang oras, bukas tayo pupunta dun"paliwanag ni Tanda

"Pero malapit na ang Goddess Day"katwiran ni Erris

"Tama siya Erris, bukas na, kailangan mong mag pahinga sa ngayon"sabi ko sa kanya, tumango na lang siya..

FASTFORWARD

nandito kaming lahat sa kwarto ni Erris habang siya nakatitig sa bintana pero parang bigla siya napagitla

"May kailangan nga pala akong sabihin"sabi niya kaya napatingin si Tito, Tita, si Tanda at si SE

"Ang Pluto na nasa kaharian ngayon ay peke"sabi niya at nagulat si Tanda

"Paano mo nasabi yan Erris"tanong ni Tanda

"Kasama ko si Pluto sa loob ng rehas kanina, dapat kasama ko siyang tatakas, kaso sabi niya pagtumakas daw siya, baka malaman agad ng Old Hell at sumugod sila sa madaling panahon"sabi ni Erris

"Ibig sabihin, impostor ang Pluto na nasa kaharian ngayon"tanong ni Tanda at tumango si Erris, nagulat kami nung mabasa ang isang picture frame at tumalsik ang cabinet sa papunta sa pinto, ito kapangyarihan ni Tanda eh..isang titig lang nasisira ang gamit..

"BWISIT!!NALOKO TAYO NG PLUTO NA YAN!!"sigaw ni Tanda

"Kailangan na talaga malaman ng mga goddesses na nandito ka na Apollo, pero dapat wala si Pluto doon"sabi ni Tanda

"Bukas, pupunta tayo sa Olympus Palace para malaman nila, pero gagawa tayo ng kondisyon..dapat hindi sila magpahalata n alam na nila na nandito kana"sabi ni Tanda...

ERRIS' POV

"Paano magigising ang kapangyarihan ni Erris"tanong ni Allen kay Belle, kaya napatingin silang lahat sa akin

"Sabi ni Pluto, si Zeus lang daw ang makakagawa nun, pero hindi ko alam kung...m-mahal ako ni Zach"sabi ko, hindi ko alam kung mahal niya ako, kahit nasa kanya si Zeus, nasa puso niya parin ang kasagutan kung magigusing ang kapanyarihan ko o hindi...'IS HE LOVE OR NOT'

"Psh..mahal ka nun, hindi lang halata"sabi ni Belle

"baka mahal niya si Janna"sabi ko sabay tingin kay Janna

"h-hindi niya ako mahal, may sinabi siya sa akin tungkol sa babaeng mahal niya..sabi niya...masyado niya daw nahusgahan ang taong yun dahil sa itsura niya, pero nang makilala niya, may kabaitan pala ito"sabi ni Janna kaya napangiti ako..pero hindi na ba siya galit sa akin

"Hindi ka ba galit sa akin Janna"tanong ko sa kanya

"H-hindi, mas malapit kayo ni Zach eh"sabi niya, pero mali ang sagot niya

"ibig kong sabihin, hindi ka ba galit nung iniwan kita dati"tanong ko na ikinagulat niya, oo, natandaan ko na lahat ng nangyari sa buhay ko, binalik na ni Mama Julie ang mga ala ala ko kanina lang, kailangan ko daw ito...

"K-kinen?"sabi ni Janna na parang naiiyak, ngumiti na lang ako

"KINEN"sigaw niya at niyakap ako

"Hindi ako galit sayo Kinen, alam ko na ang dahilan kaya iniwan mo ako, nagso sorry ako bilang ikaw si Erris, sorry dahil nabuhos ko galit sayo..kamukha mo kasi si Kinen, kaya nagalit ako lalo nung Aphrodite ang pangalan mo, na miss kita Kinen"sabi niya habang umiiyak sa balikat ko, niyakap ko siya

"KJ!"sabi ko kaya nagulat siya, KJ tawag ko sa kanya dahil Katarina Janna ang pangalan niya..

"Kinen!"sabi niya at ngumiti...

NEXT DAY!

Nasa loob na kami ng Olympus Palace at nandun lahat ang goddesses, at wala ulit dito si Pluto

"Mahal na reyna"sabay sabay nilng sabi except me at nag bow sila kaya, magba bow sana ako ng pigilan ako ni Belle

"Wag, ikaw nga si Apollo eh, tignan mo si Shane"sabi niya, tinignan ko si Shane at hindi rin ito nag bow..

"Bakit hindi kayo nabigay galang sa reyna!"sabi ni isang kawal dito akmang kukunin kami ng pigilan sila ni Mrs. Harlet

"Pumunta po kami dito upang may sabihin na napaka importante, ngunit bago ang lahat, nandito po ba si Pluto"sabi ni Mrs. Harlet

"Wala siya dito Beatrice"sabi ni Minerva

"Nandito po ako upang ipaalam na nahanap na namin ang dalawang diyosa"sabi ni Belle at nagulat si Minerva at tumingin muna kay Shane bago sa akin

"Apollo?"mahinang sabi ni Minerva at lumapit sa akin

"APOLLO!!"sigaw niya at niyakap ako, niyakap ko siya

"Apollo, matagal ka na naming hinahanap"sabi niya at tumingin sa akin

"Diana"sabi ulit ni Minerva at lumapit kay Shane at niyakap, lumapit rin ang ibang goddesses at lumapit muna sa akin, pero hindi inaasahan ang makita ko si Mercury na nakangiti

"Mekuwi"sabi niya na ikinagulat ko perro ngumiti pa rin ako

"Kulang na lang ay si Zeus"singit ni Minerva na ikinatahimik ng lahat

"Alam mo ba kung nasaan siya Apollo"tanong ni Mars

"N-nahuli po siya ng Old Hell"sabi ko ng mahina pero sapat na para marinig nila

"Bukas na ang Goddess Day, Minerva, sigurado ako, gagamitin nila si Zeus upang talunin tayo"sabi ni Persephone

"Kaya nga hahanapin namin po siya mahal na reyna"sabi ni Mama

"Hindi, wag muna kayo kumilos, sa oras na kumilos tayo, maaring may magsabi sa kanila"sabi ni Minerva na ikinakunot noo namin

"Si Pluto, hindi siya ang totoong Pluto, ang kaharap nating Pluto ay isang impostor"sabi ni Minerva

"Alam ko"sabi ko kaya napatingin sila sa akin

"Nakita ko si Pluto kahapon nang makuha rin ako ng Old Hell, dapat kasama ko siyang aalis kahapon kaso hindi siya pumayag"sabi ko

"Sabi ko na nga ba eh, hindi si Pluto yun"sabi ni Eros

*CLAP* *CLAP* *CLAP*

nagulat kami ng makita namin si Pluto na naglalakad papasok sa loob

"Magaling, nahulaan niyo, na hindi ako si Pluto"sabi niya at unti unti nagbago ang itsura niya hanggang naging siya si...

★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★

Sino kaya ang nakita nila matapos ang pag papalit anyo ni Pluto?





The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon