THIRD PERSON'S POV
Sa kaharian ng Old Hell, naninirahan ang namumuno, isa siyang magiting na hari, Na gusto pumatay upang masakop ang ang sagradong lupa, at ito ang Land of Olympus...
"Mahal na hari, may naghahanap po sa inyo.." sabi ng isang kawal sa kaharian, nagtaka ang hari, dahil unang beses lang may naghanap sa kanya..
"Sige, papuntahin siya dito" sabi ng hari, at tumango ang kawal...
May nakita ang hari sa harap ng pinto, babae naka uniporme, mahaba ang buhok, madilim na mga mata...
"Ikaw pala yan Margarette" sabi ni hari, lumuhod si Margarette sa harap ng hari, bilang paggalang nito..
"May balita ka ba tungkol sa dalawa" tanong hari
"Si Apollo, nakita ko na siya, nasa eskwelehan ko siya nag aaral, hindi ako magkakamali na siya iyun" sabi ni Margarette
"Mabuti naman, huwag mo muna siya pakielaman, eh, kay Zeus" tugon ng hari
"Wala pa po, pero nararamdaman ko ang presensiya niya"sabi ni Margarette
"yun lang ba?" Tanong ng hari
"Wala na po, paalam na sa inyo mahal na hari" tugon nito at lumuhod muli..
"Hahahahahahhahah, mahahanap ko na ang mahal mo Zeus..hahahahahhha..."sabi ng hari
Maglalakad na sana siya nang may humarang na babae sa daanan niya na naka kulay itim na kapa
"Mahal na hari, ang propesiya ay naglabas muli" sabi ng babae at ibinigay ang papel at naglaho ng parang bula..
Nang mabasa ag hari ang propesiya, siya ay nadismaya dahil sa nabasa niya..
Magbabalik siya,
Ang lalaking malakas sa lahat,
At ang babaeng malakas rin sa lahat,
Nag uunahan sa kapangyarihan ang dalawa at handang talunin ang kasamaan,
Kaya, mananaig ang kabutihan,
Maglalaho ang kasamaan...
SOMEONE'S POV
"HINDI!!!HINDI!!!!!HINDING-HINDI AKO MATATALO NANG DAHIL LANG SA DALAWANG YAN, AKO ANG MANANALO" sigaw ng hari at binato ang papel na may propesiya, binato lahat ng babasagin, kaya nagmadali lahat ng kawal papunta sa hari..
Nagulat sila ng makita ang hari na lumalabas ang masamang aura na ito, kaya lumabas sila....
BINABASA MO ANG
The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)
Fantasy[UNEDITED] Sorry po sa mga typos at maling spelling, mabilis lang po talaga ako mag type... Thank you po... ★★★★★★★★★★★★★★★★★★ Makikita kaya nila si Apollo Si Zeus, babalik pa kaya Ano mangyayari sa Land of Olympus matapos ang digmaan... Ano ang mag...