♚MY COUSIN??♚

4.8K 137 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Sige na nga..yan..nag update na ako para sa inyo..pero meron naman nag commment kahit isa lang siya...but im very sorry...mali po siya... the correct answer is.........

Basahin niyo siyempre....

ERRIS' POV

Naramdaman ko ang lamig ng aking hinihigaan ko, naramdaman ko rin ang lamit ng kadena sa aking pulsuhan, minulat ko ang mga mata ko, pagmulat ko..masyadong madilim ang paligid, pero may mga sulo na nakadikit sa mga pader...napaupo ako at nagulat ako na may lalaking nakaupo sa gilid at nakatingin sa akin...diba si ano toh...si..

"Apollo!"sabi niya at niyakap ako, si Pluto ito eh...pero diba nasa kaharian siya.

"P-pluto"sabi ko ng mahina

"Ako nga, pinsan mo ko Apollo pero, matagal na akong nakakulong dito eh"sabi niya na ikakunot ng noo ko, matagal eh sino yung nakikita kong Pluto nung party na ipinagdidiriwang ang birthday ko..

"Eh, s-sino po yung nasa kaharian, kamukha niyo po siya"tanong ko, di kaya impostor toh

"Hindi ako yun, simula nung nagkaroon ng digmaan, kinuha nila ako, may gumaya sa mukha ko na taga Old Hell"sabi niya, ibig sabihin kasama ko ang totoong Pluto

"Tsaka wag ka nga mag 'po', ang bata bata ko pa eh, alam mo naman hindi tumatanda ang mga diyos at diyosa"sabi nuya at tumawa sita ng bahagya

"Wait!sabi mo pinsan mo ko"tanong ko

"Oo nga, ako si Pluto, ano kaba halos lahat ng lalaki sa kaharian natin pinsan mo except kay Zeus"paliwanag niya, except kay Zeus, ibig sabihin ang nagsulat nung papel nung nahimatay ako ay si Zeus

"Kailangan na kitang itakas dito Apollo, sigurado ako na gagamitin ka ng Old Hell laban sa Olympus at sa New Hell, malapit na ang Goddess Day, sigurado akong susugod sila sa araw na yun kasama tayo"sabi niya sa akin

"Pero hindi pa tuluyan nagigising kapangyarihan ko"sabi ko, parang nagitla siya sa sinabi ko

"Ang totoo niyan Apollo, simula nung pinanganak ka, wala kaming mahanap na alternatibo para magising ang natutulog mong kapangyarihan diyan sa loob mo"sabi niya sa akin, pero may alam ako

"may alam ako"sabi ko at napatingin siya sa akin

"Paghalik sa akin ng isang lalake na tunay nagmamahal sa akin"sabi ko at napaawang ang bibig niya

"Ang Weiss Spell"sabi niya at nilagay ang usang kamay sa baba na parang nag iisip

"Ito ang uri ng isang ritwal sa isang diyos o diyosa, hinahalikan ang isang goddess sa labi nito, dapat ang hahalik ay isang lalake na tunay nagmamahal sayo, pero dapat hindi mo kamag anak o hindi kayo magkadugo, sa pamamagitan ng ritwal na ito tuluyan ng magigising ang kapangyarihan mo"paliwanag niya

"Sino ba ang hindi ko kamag anak"tanong ko at ngumiti naman siya

"Si Zeus!!!pero wala siya dito"sabi niya na may halong kalungkutan

"Bakit ba siya nawala"tanong ko tumingin siya sa akin

"Simula nung mawala ka, nawala na rin siya..hindi namin alam kung saan siya napunta pero bago siya mawala...tinapos niya pa ang digmaan, nung nalaman niya na nawala ka, galit na galit siya sa amin kaya nga hinanap ka namin pati rin siya kaso walang nagparamdam"sabi niya, lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso

"Kaya kailangan mo makatakas dito, ikaw lang ang pag asa namin...pero nababalutan tayo ng itim na mahika kaya hindi natin magamit ang kapangyarihan natin"sabi niya, nakita ko ang sinseridad niya sa mga mata kaya naisip ko kailangan kong makatakas dito

The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon