BELLE'S POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa Cafeteria, gutom ako kaya wala kayong magagawa...hinahanap ko ngayon si Zach dahil nga sa hindi pa tapos ang misyon, at yun ay hanapin si Apollo, sa kanya na lang siguro ako hihingi ng tulong...
Tamang tama na nandito si Zach sa Cafeteria, kaya pumunta agad ako sa table niya...
"Zach?"sabi ko at tumingala naman siya
"Zaxh, can i have a favor"tanong ko at tumingin pa rin siya sa akin
"I need your help"sabi ko at tumungo siya at uminom ng tubig at tymingala ulit
"Ano yun"tanong niya
"Kase...may misyon ako, sabi kasi ni Minerva dapat lalaki kasi kung babae, baka dumaldal lang ako, yung ibang councils may misyon rin, eh ikaw na lang yung pag asa, yung Nico hindi ko ka close, yung Fred parang hindi masyado mapagkakatiwalaan, pero ikaw lang kasi ang close sa lahat ng lalake eh"paliwanag ko, kumakain pa rin siya
"Yung misyon ko ay ang hanapin si Apollo"panimula ko pero kumakain pa rin siya
"Uhm, hindi naman mahirap nandito lang daw kasi siya, naramdaman daw ni Minerva ang presensya ni Apollo kaya papayag ka ba"habol kong paliwanag, pero kumakain pa rin siya, putangina ano ba toh, nakikinig ba siya, salita ako ng salita tapos siya kakain..
"Hoy lalake, nakikinig ka ba"sabi ko habang kinalampag ang lamesa kung saan siya kumakain
"Kumakain ako ehhh...oo na papayag na ako"sabi niya at kumain ulit, parang kuminang ang mata ko nung pumayag siya
"Weh"sabi ko habang tumingin sa kanya, kumakain pa rin siya kaya niyugyog ko ang kamay niya
"Oo nga, kulet"sabi niya at kumain ulet
"Thank you talaga, thank you"sigaw ko habang pumapalakpak, bigla kong nakita si Erris na tumatakbo papunta sa dorm kaya napatitig rin si Zach
"bakit tumatakbo yun"tanong ko, tinignan ko si Zach nakatitig rin siya at kumain ulit
"Sige Zach, bukas na lang, thank you rin" sabi ko, nawala ang gutom ko nung pumayag siya at ngayon susundan ko si Erris, hahahahah..ako na ang stalker..
Nandito na ako sa loob ng dorm at nakita ko si Erris na parang hinihingal, sino ba naman ang hindi hihingalin kung tumatakbo ka diba
"Erris, may problema ba"tanong ko kaya nagulat siya, hindi niya siguro naramdaman ang presensya ko nung pagpasok
"Ahh, wala naman"sabi niya
"Eh bakit parang hinihingal ka"tanong ko at parang nag iisip siya ng isasagot niya
"Uhmm, nakipag racing ako sa pagong na nakita ko sa garden"sagot niya, tangina, niloloko niya ba ako, pagong?! kahit nga maglakad siya, siya pa rin ang una, pero tumango na lang ako para hindi siya mag mukhang baliw
"Ang bilis nga nung pagong eh, ngayon ako nakakita nun, ah sige Belle, pahinga na ko"sabi niya at pumasok sa kwarto niya, naiwan akong naka nganga, tangina kahit naman sa ibang dumensyon, wala kang makikita na ganun klase na pagong...
ERRIS' POV
Hingal na hingal akong pumasok sa kwarto, ewan ko kung bakit sa dinami dami kong idadahilan, eh yung nakipag racibg sa pagong, yun ang pumasok sa isip ko...alangan naman na sabihin kobg nagkita kami ni Mercury tapos nagsalita ako ng Mekuwi tapos tumakbo, diba walang kamuwang muwang ang dahilan ko, baka nga mamaya maghinala na sila sa akin eh
MINERVA'S POV
Ngayon, nakikipagusap ako kay Mr. Krema sa loob ng palasyo tungkol sa estudyante niya na nakakuha ng Goddesses Weapon
"Sinu- sino ang nakakuha"tanong ko sa kanya
"ito po yung mga files"nag abot siya ng tatlong folder at dun ko nakuta ang tatlong estudyante na nakakuha
Aphrodite Erriselle Cruz
18 years old
Elementalist
Fire Elementalist
Healer (not confirmed)Born on July 24, 19**
Zacharias Christian Sebastian De Guzman
18 years old
Elementalist
Air Elementalist
TeleportationNovember 11, 19**
Shanley Betina Raven
17 years old
Elementalist
Water Elementalist
Sound ManipulatorAugust 23. 19**
Author's Note: lahat po nang birtday nila ay hindi makatotohanan, hindi rin po ako naglalagay ng specific na year sa mga birthday nila...mahirap na baka mamaya magkamali pa ako...
Back to the story
Ito ang mga filea ng mga estudyante na nakakuha ng Goddess Weapon, ung isa sa kanila ay nakalaban ko kahapon, itong isa ay galing sa angkan ng mga Raven, itong isa naman lalake, parang kakaiba siya sa lahat
"Itong Cruz na ba toh ay yung babaeng nakalaban ko kahapon"paninigurado kong tanong
"Opo mahal na reyna"sagot naman niya
"Itong babae na ito ay galing sa angkan ng mga Raven"tanong ko muli
"Opo, anak po siya ni Madelyn Raven at David Raven, kaso namatay na po sila ayon sa kanilang anak, nag iisang anak lamang si Shanley Betina Raven"sagot niya
halos lahat sila ay parang kilala kong lahat dati pa...may pagkakatulad rin sila sa amin katulad sa mga kaarawan..katulad ni Cruz, ka birthday niya si Apollo, si De Guzman, kaparehas naman ni Zeus at si Raven ay kaparehas naman ni Diana
"Sige, maaari ka nang maka alis"sabi ko sa kanya at ibinigay ang tatlong folder, at tulyan na siyang umalis
Nakita ko naman si Mercury papasok ng palasyo, pero mukhang may iniisip, derederetso lang siya sa paglakad
"Mercury"mahinahon kong sabi pero hindi siya tumingin
"Mercury"pasigaw kong sabi at dun siya napatigil mismo sa harap ko
"Bakit na naman, baka mamaya batuhin mo nanaman ako ng kung ano"sabi niya pero seryoso ang mukha
"May problema ka ba"tanong ko sa kanya pero tumungo lang siya
"Napagod lang siguro ako"sabi niya
"At bakit"tanong ko ng mataray
"Paano ba naman kasi hindi ko natapos yung pagkain tapos tumakbo pa ako, tapos nakipagligsahan ako sa mga pagong na nakakalat kanina, syempre sa sobrang bagal nila.....talo ako, kaya pagod ako"sabi niya at tumawa, natandaan ko naglalaro sila palagi ni Apollo nung sanggol palang siya, naglalaro sila ng pagong syempre kasama ako, alam kong may problema si Mercury, dahil kapag may problema siya, sa pagong niya sinisisi...
☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆
okay, ang topic natin sa chapter na to ay 'PAGONG'..hahahahhaha...
BINABASA MO ANG
The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)
Fantasy[UNEDITED] Sorry po sa mga typos at maling spelling, mabilis lang po talaga ako mag type... Thank you po... ★★★★★★★★★★★★★★★★★★ Makikita kaya nila si Apollo Si Zeus, babalik pa kaya Ano mangyayari sa Land of Olympus matapos ang digmaan... Ano ang mag...