♚LAND OF OLYMPUS♚

7.7K 235 1
                                    

Nandito si Belle at si Zach, wait Zach, immortal ba siya, ay basta bahala na, pati si Mom and Dad nandito, kung nagtataka kayo kung nasaan kami nasa isang gubat kami ngayon kami aalis papunta sa Land of Olympus, kung saan daw nararapat ako, at kahapon paggising nagsanay agad ako kahit gabi na, para magamit ko daw ito, sabi ni Mom

Nabuksan na ang portal nag paalam n ako kay Mom and Dad, pupunta na lang daw sila kung malapit na ang digmaan, dahil sa ngayon daw delikado pa..

"Mom and Dad, ingat po kayo, alagaan niyo po ang sarili niyo" mangingiyak kong sabi at niyakap ko sila, si Belle nag paalam na din pati si Zach, papasok na kami sa portal ng may lumitaw na mga lalaking naka itim na kapa, sino sila...

"Anak, umalis na kayo" sabi ni Dad habang nilalabanan gamit ng lupa at bato ang mga kalaban

"Hindi kami aalis" sabay namin sabing tatlo, binutawan ni Belle ang mga gamit niya habang si Zach nakatayo pa din..

"Zach, alagaan mo si Erris sigurado ako na si Erris ang puntirya nila dahil naghahanap na din sila ng elemental user" sigaw niya, tumango si Zach, pero hundi ko hahayaan na masaktan sila...

Ginamit ko ang fire element at binato sa kanila pero napakalakas, sheettt, pero tumilapon ang iba, bente silang mga kalaban si Zach ginamit siguro ang air element, dahil napaangat niya lahat ng bagay sa paligid niya...

Tumakbo ako pero may narinig akong tumawag, si Apollo

"Erris, kaya napalakas ang tira mo dahil ako ang nag palakas nun, subukan mong ilabas ang fire dragon dahil padami na sila ng padami" sabi ni Apollo

"Paano ko gagawin" sabi ko sa isip ko

"Isipin mo Erris yun lang, paalam" sabi niya sa isip ko

Inisip ko ang fire dragon at naramdaman ko ang lakas ng enerhiya sa loob ng katawan na gustong lumabas, kaya hinayaan ko ito lumabas, at ako pumikit naramdaman ko ang init ng paligid, kaya pagdilat ko isang dragon ang tumambad sa akin na gawasa apoy at gumawa ng malakas na ungol at lumabas ang malaking bola na apoy at tinira sa mga lalaki, naglaho ito na parang bula, ang iba naman ay natakot na, dahil sa tira na ginawa ng dragon kalahati ng gubat ay nasusunog kaya pinapasok na kami dahil aalis na sila..

"Mga anak, umalis na kayo, mamaya may pumigil pa" sabi ni Mom at nawala sila pati na din Dad kaya pumasok na kami sa portal...

Ughhhhhhh, ang sakit ng ulo ko, nahilo ako dun sa portal na yun...

"Bessy, ok ka lang" tanong ni Belle, tumango na lang ako paano ba naman kasi nahihilo parin ako,para akong tanga dito na nakatunganga, dahil sa hilo....

"Nasaan tayo" tanong ko sa kanila, para kasing nakita ko na ito dati, ang danda nga eh, mala paraisong lugar, maraming bulalaka na may ibat ibang kulay, meron rin matataas na puno, mga damo at iba't ibang kulay ng insekto, basta ang ganda niya....

"Olympus Forest ito Erris, ang ganda noh, pero may lihim dito matapos ang labanan, dito namatay ang ibang kalahi namin, kaya nakakalungkot, itong lugar na ito ay humahati sa kalupaan ng New Hell at Old Hell, ang New Hell ay nasa Land of Olympus, at ang Old Hell ay nasa Land of Darkness..." paliwanag niya, yun yung sinabi ni Mom sa akin, may digmaan ngang naganap pero hindi kita na malulungkot sila...

"Sa Olympus Academy tayo dideretso, kailangan natun makausap ang ang Headmaster doon" sabi ni Belle,at nagpatuloy na kami sa paglalakad...

"Andito ka sa tunay mong bahay"sabi ni Apollo na ikagulat ko

"Ang ganda Apollo, pero may nangyari pala dito na digmaan"sabi ko sa isip ko pero parang katabi ko lang si Apollo

" hindi ko na naabutan ang digmaan na iyon dahil ibinigay ako ni Ina sa iyong Ina ngayon na nag aruga sa iyo" sabi niya, oo nga pala nung digmaan nawala siya

"Paalam na sa iyo, nakatitig sa iyo ang mga kaibigan mo, isa diyan ay kayang mag basahin ang iniisip, pero wag kang mag alala, sinarado ko ang iyong isip, hanggang sa muli" paalam ni Apollo

Nakita ko si Belle nakatitig sa akin na naka kunot ang noo, siguro nga binabasa niya isip ko..

"Bakut ganun, hindi ko mabasa ang isip mo" tanong ni Belle, natawa naman ako ano kaya sasabihin ko

"sarado eh, hahahahaahah" taw ko sa kanya, nagyon nasa harap kami na isang mataas ng gate, kulay ginto, bumukas ito mag isa, pumasok na si Belle at Zach kaya sumunod na ako..

Naglalakad na kami sa hallway, alam niyo ba ang mga nakikita ko, may nagpapalutang ng gamit, may dragon na gawa sa bato, may apoy na lumulutang hanggang sa sumabog ito, may isang tsunami na parating at biglang tumigil, ang gagaling nila, sobra, totoo pala yung mga magic at goddess, at isa ako dun, nakakatuwa, kailangan ko ng mag adjust dahil wala na akong sa mundo ng tao..nandito kami sa tapat ng pinto at may karatula na nakalagay ng headmaster... binuksan ni Belle ang pinto, at ang ganda ng loob, malawak ito, pero ang ikinagulat ko, bakit andito siya???

-------------------------------------------

Sino kaya ang nakita ni Erris, kalaban o kabati, hanapin sa susunod na kabanata...

GeniusGirl18

The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon