♚OLYMPUS ACADEMY♚

7K 212 7
                                    

ERRIS' POV

Pakiramdam ko lumilindol, ewan ko ba parang may yumuyugyog sa akin, minulat ko ang mga mata,nakita ko si Belle, hawak ako sa balikat at niyuyugyog ako..

"Erris, bessy, gumising ka na diyan, wag mo kaming iwanan, please, wag ka muna mawa---" natigil ung sinabi niya nang pinalo ko siya sa braso ng malakas

"baliw, ano yang sinasabi mo na mawala, buhay pa ko noh, mahirap lang akong gisingin" sabi ko, tapos pinalo ako sa pisngi ni Belle ng dalawang beses

"Totoo ba toh, kanina pa kasi kita ginigising, kaso ayaw mo, tapos hindi ka pa humihinga" sabi niya, ako hindi humihinga

"Baliw,halika na nga kumain na tayo, male late tayo nito dahil sa drama" sabi ko, at tumayo sa kama, pagdating ko sa mini dining room may nakahain na sa lamesa, umupo na ako, tapos umupo na rin si Belle

Napatigil ako sa pagasubo, dahil nakita ko si Belle nakatitig sa akin, habag ngumunguya

" hindi ko talaga mabasa yang iniisip mo, unang beses ko lang toh naramdaman" sabi niya, at sumubo ulit ng pagkain, eh kaya nga hindi niya mabasa dahil kay Apollo eh..

Tapos na kaming kumain, nauna na akong maligo kay Belle, nagbihis na ako ng uniporme, nag suot ng medyas at sapatos, nag ayos ng buhok, humarap na ako sa salamin, lumitaw si Apollo, parehas kami ng suot, nag suot ng ako ng salamin, para maging nerd, pero ung kay Apollo, hindi siya nakasuot ng salamin, so sa pananamit lang kami parehas...

"Unang araw mo sa paaralan ngayon" sabi ni Apollo

"Oo...pero Apollo, ayos lang kaya yung itsura ko"tanong ko

"Oo naman, para hindi halata na ikaw si Apollo"sabi niya, at naglaho siya...lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Belle nakatayo sa labas..

"Halika na?"tanong nuya, at tumango, naglakad na kami patungo sa academy

SOMEONE'S POV

Nag aayos na akong uniporme, at humarap na sa salamin, habang inaayos ko ang necktie, nakita ko bigla si Zeus na nakatayo at nakangiti sa akin, naka uniporme na rin siya

"Malapit na ang Goddess Day"sabi niya at tumango ako, alam ko naman kung kailan na iyon, pero nag aalala ako sa kanya, siguro ayos lang sya...

"Alam ko, pero paano siya" tanong ko

"Nasa kanya si Apollo, tandaan mo iyon"sabi niya at naglaho sa salamin, nag ayos na rin ako, dahil hinihintay na ako ng kabarkada ko..pagbukas ko andito na sila

"Halika na" sabi ni Fred

"ok"yan ang tangi kong sagot at naglakad na kami

BELLE'S POV

Nararamdaman ko namay parang sumusunod sa amin, pinakiramdaman ko ang bawat galaw nila, napatigil ako nang maramdaman ko na madami sila..

"May problema ba Belle" tanong ni Erris, napatingin ako sa kanya, tumango na lang ako

"May sumusunod sa atin"sabi ko,

"Sino" tanong niya, nagulat ako nang biglang nag iba ang paligid ko, nasa gubat ako?, illusionist lang ang may kayang gawin ito, nagpalit ulit ang lugar, pero pagmulat ngmata ko, nasa harap ko ang reyna

"Mahal na reyna" dali dali akong lumuhod, at tinignan muli siya..

"Si Allen ang may gawa niyan, pintawag kita dito" sabi niya, sabi ko na nga ba eh, mga Councils ang gumawa nito, si Allen ay illusionist at earth element ang kapangyarihan niya, kasama rin ako sa Council, kaso ako ang pinadala sa mundo ng tao

"Ano po iyon"tanong ko

"Bakit ka nandito, nakita mona ba ang kapatid ko at si Apollo"kalmado niyang sabi

"Hindi pa po, pero kaya po ako nandito dahil may dinala akong elemental user" sabi ko at tumango siya

"Dito ka muna sa mundo natin"

"Bakit ho, hahanapin ko pa po sila diba"

"Nararamdaman ko ang presensya nilang dalawa dito" sabi niya

"Kahapon ko pa ito nararamdaman, nanaginip nga ako kahapon, isang babae na nakalutang sa taas at naglabas ng kapangyarihan, yun nga lng malabo ang mukha niya" dagdag ng reyna

"Sige po, masusunod po" pagkasabi ng ibaang paligud at nakita ko si Erris, kausap ang mga Council

"Ate" pagtingin ko sa likod, may tumatakbong dalaga, yun pala si Cyril lang ang kapatid ko

"Cyril, kamusta ka na" sabi ko at niyakap ko siya

"Okay lang ate, nakausap mo na ba ang reyna, dinala ka dun ni Allen" sabi niya at tumingin kay Allen, tumango na lang ako

"Okay, buo na ang mga Council" sigaw ni Alyana, isa siya sa mga Councils, telepathy at thunder ang kapangyarihan niya...

---------------------------------------

Okay, so pinutol ko muna, kasi may ginagawa ako sino kaya si SOMEONE, at si Fred, shocks...hanggang dito muna...

The Long Lost GODDESS: Apollo's Story(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon