Chap 3: Sa Alapaap na lang kita iibigin- Sa panaginip na lang kita mamahalin

615 87 133
                                    

Chap 3: Sa Alapaap na lang kita iibigin - Sa panaginip na lang kita mamahalin

*************************** 

Ang isang Anghel ay nabuo mula sa perpektong kapangyarihan ng Diyos. Wala siyang ibang misyon kung hindi ang maging mensahero ng ating Panginoon at maging tagapagligtas ng mga anak niyang Tao sa lupa.  

Pero mapaglaro ang tadhana. Walang bagay na imposible. Kung ang "cell" ng tao ay may kakayahang mag-"mutate" upang makabuo ng isang panibago at mas kakaibang "cells", ang mga "Anghel" ba ay bukas din sa posibilidad na mabago ng panahon - sa posibilidad na magkaroon ng emosyon at kakayahang makaramdam ng "pag-ibig"? 

*************************** 

"Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Dahil siguro 'yon ang misyon ko. "

Sambit ni Gabriel sa sarili habang nakaupo sa kama, katabi si Lourdes na mahimbing na natutulog. Nagkalat ang mga balahibo ng pakpak ng binatang Anghel sa ere. Parang mga puting niyebe na kumikinang at nahuhulog unti-unti sa silid. Nababalot ng romantikong liwanag ang paligid na tila isang panaginip.


"Pero bakit sa tuwing minamasdan ko yung mga mata mo, parang may iba akong nararamdaman? kahit nakapikit ka at naka-tungod ang labi na tila nanghahalina?"


Yumuko s'ya upang ilapit ang mukha sa dalaga. inii-ikot ang tingin sa kanyang mga mata pababa sa kanyang mga labi na halos na nyang mahagkan.


"Gusto kong hawiin iyang buhok na nakatakip sa iyong pisngi. Gusto kong igapos ka ng yakap kahit alam kong hindi puwede..."


Tumuwid na s'ya ng upo at saktong bumalikwas na rin ng higa ang dalaga na parang naririnig s'yang bumubulong sa tabi nito. Tumingala na lang si Gabriel. Ipinukaw ang mga mata sa bintana. Sa mga kumikislap na bituin. Parang may panghihinayang ang kanyang mga titig. Hinahanap kung nasaan ang Diyos at ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa kanyang isip.


"Bakit ganito. Anong ginawa kong kasalanan para pahirapan n'yo po ako ng ganito, Diyos ko? Kaya kong itaboy lahat ng masasamang loob. Nahahati ko'ng dagat. Napasusunod kong mga kulog. Naiwa-wasiwas kong mga kidlat. Ngunit ni 'di ko man lang mahawakan ang mukha nya? Ni hindi ko man lang maiparating sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ni hindi ko man lang mai-parinig sa kanya na may boses rin ang puso ko. Na nandito lang ako.."


Muli s'yang yumuko. Tumikom ang kanyang dalawang kamay na nakahimpil sa kanyang mga tuhod. Nag-ngangalit ang kanyang mga kamao. Tumindig s'yang may pagdadalamhati. Ang kaninang mga matang puspos ng pag-ibig sa dalaga, ngayon napalitan na ng panghihinayang.



***************************

Author's Note: 

I remember I've read a verse in the Bible where Angels got punished by God because they lived among humans and had them as wives (Gen 6:4). Kasalanan nga ata para sa Diyos yun. Pero dito pumapasok yung pagkalito ko sa kung anong mas tama? Yung nasa Biblia? Yung interpretasyon ng Tao sa Biblia? Oh yung interpretasyon ng Agham sa kung anong kayang mapatunayan nitong totoo? Pero siguro hindi ito 'yong tamang Venue para itanong ko 'to. Lol.

Balik na lang tayo sa nakakangilong kwentong pag-ibig nina Gabriel at Lourdes. Lol.


Revised: 08/23/2016

How to Marry A Guardian Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon