Chapter 16: Ang 'Meet and Greet' ng Sanggol na si Lourdes at ang Anghel na si Gabriel
Mula sa mala-paraisong lugar na kanina'y nakikita ni Gabriel sa kanyang isipan ay iminulat niyang kanyang maamong mga mata at napabalikwas sa pagkagulat. Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na dagling nahuhulog mula sa kalawakan. Tila bulalakaw (meteor) na hinahatak pababa ng Earth. Mula sa pagtagos sa atmosphere ng daigdig ay yumakap siya sa mga ulap at tumagos papasok sa loob ng Ospital. Napapikit siya ng mapagtantong pumapaloob na siya sa mga kisame at haligi ng Delivery Room.
Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang isang bungis-ngis na batang pinupunasan ng mga kumadrona (midwives). Parang nangungusap sa kanya ang ngiti ng sanggol at tila nakikita ang presensya niya sa loob ng ospital.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtagpo ang mga mata nila ni Lourdes. Napatikom ang bibig niya at unti-unting kumurba sa pagngiti ng makitang nakatitig sa kanya ang cute na cute na batang si Lourdes at mula sa pag-unga at iyak kanina ay napalitan na ngayon ng hagikgik habang nakatitig sa manghang-manghang anghel.
"Ano bang tinitingnan mo doon, anak? Halika na kay mama. Oh, dede na iha. Ang cute ng anak ko. Manang-mana sa mama niya!"
Hinila na ng mama niya si Lourdes at pinadede.
"PPPEEEEEEEEWWWWWWHHTT!"
Nahawi ang lahat ng pagpapantasya ni Gabriel at nabalik sa realidad ng marinig ang nakakangilong pagpreno ng kinasasakyang bus. Bumalik siya sa kasalukuyang tagpo kung saan kausap niya ang kerubing si "kero-Keropi" habang nasa bubong ng bus na sinasakyan ng klase nila Lourdes.
"Oh, naalala mo na bang misyon mo? Hindi dapat mahulog ang loob mo kay Lourdes, dahil sa huli, ikaw ang maghahatid sa kanya sa kabilang buhay. Paano ka magiging tulay sa pagtawid niya sa kanyang huling araw kung syosyotain mo yung dalaga! Ngayon lang ako nakakita ng liver-lover-boy na Anghel ah!"
Pangangantiyaw ni kero-keropi kay Gabriel habang binabatukan siya ng maliliit na pakpak nito.
"Hindi ko na alam, ker. Dapat hindi na lang tayo binigyan ng emosyn ni big bro, ng puso. Sana parang robot na i-prinogram na lang niya tayo sa kung anong misyon natin na wala nang pakiramdam, na wala ng kakayahang umibig, na wala ng posibilidad ng ganitong problema. Hindi ko na alam, ker. Hindi ko na alam."
Napatakip ng mukha si Gabriel hanggang makapangalumbaba. Habang bumababa na sa bus sila Lourdes, Leo at mga kaklase nila. Nakabalik na ng Campus ang bus at pauwi na sila sa kani-kanilang mga bahay. Habang si Gabriel ay gulong-gulo pa rin sa itinatakbo ng buhay niya kasama si Lourdes.
Lumingon si Lourdes sa bubong ng Bus, sa kalagitnaan ng gabi, tanaw ang maliwanag ng buwan at makikislap na bituin sa ibabaw ng bus. Tila may hinahanap sa kadiliman ng paligid.
"Alam kong nandiyan ka lang. Salamat sa pagligtas mo sa'min..sa'kin. Sana makita kitang muli, ng hindi na lang sa panaginip, makita kitang nasa harap ko, kagaya kanina, sa ilalalim ng realidad ng araw. Sana.."
Binubulong ng dalaga sa sarili. Napayuko siya, kasabay ni Gabriel at kapwa sabay na napasambit ng..
"Sana"
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomancePerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...