Perpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay.
Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...
Chap 4: Kung saan nagtatagpo ang Langit at ang Lupa
"Totoo ka nga! Sabi ko na hindi ito bunga lang ng imahinasyon ko. Lagi kong nakikita na naka-ayos ang kumot ko kahit na magulo akong matulog at alam kong ina-ayos mo 'yon para hindi ako malamigan tuwing gabi. Hindi ako makapaniwalang nahahawakan kita ngayon.."
Manghang-mangha si Lourdes habang hinahaplos ang leeg ng binatang kumukulong sa kanya ng maskulado nitong bisig. Malabo ang paligid dahil sa hamog mula sa tabing ilog na kinatatayuan nila. Umaawit ang mga ibon sa mayabong na punong kinanasasandigan nila pareho. Dumarapo ang mga makukulay na paruparo kung 'di man sa makintab na buhok ng dalaga ay sa mapuputing pakpak ng Anghel.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sabi ko sa sarili ko, hindi ako magmamahal ng lalaki dahil ayaw kong masaktan. Alam kong sasaktan lang nila ako gaya ng ginawa ng Tatay ko kay mama. Umiiwas ako sa mga lalaki dahil alam kong katawan ko lang ang gusto nila. Mga baboy silang lahat. Pero, ikaw.. iba ka sa kanila. Lagi kitang nakikita sa mga panaginip ko. "
"Alam kong ikaw 'yong nagi-iwan ng mga pulang mga talulot ng Rosas sa gilid ng bintana ko araw-araw. Ang bango-bango nila. Lagi ko silang nakikita sa tuwing gumigising ako, matapos kitang mapanaginipan, at ngayon narito ka, hawak ko at hawak ako...nakatitig sa labi mong kay sarap hali.."
Tumitingkayad na si Lourdes habang nakapikit na papabuka ang labi at patungo sa labi ng lalaking kanina pa nya kayakap. Parang tumigil ang ikot ng mundo habang silang dalawa lang ang gumagalaw. Hindi nya maikubli ang pagkasabik maramdaman ang lambot ng labi ni Gabriel at kung paanong ngayon ay mapapadama na nya ang pagmamahal sa lalaking laman ng kanyang mga panaginip. Pero...
"Hoy! Lourdesssss! 'Yong Alarm mo kanina pa tumutunog! Bumangon ka na nga'ng bata ka riyan! Mahuhuli ka na sa klase mo! Graduating ka ng ng College, Tanghali ka pa rin gumising! Louuurrddessss!"
Parang sinampal ng reyalidad ang pagbalikwas ni Lourdes sa kama bunga ng namamalahaw na hiyaw ng mama nya. Dalidali nyang hinawi ang nakabalot na kumot, sinunggaban ang kanina pa nagiingay na alarm clock at kunot noong napabulalas ng "Sh*T!" sa ere bunga ng pagkaunsyame ng halik nya mula sa panaginip (Lol) at sa pagkatanto na male-late na naman sya.
Unti-unting nahawi sa isip nya ang pangyayari sa tabing ilog kanina, habang nagpaparamdam na ang totong mundo, ngunit hinding-hindi mawawala sa isip nya ang init ng bisig ng binata, ang asul na mata nyang tumatagos sa kanyang pagkatao, ang makakapal nyang kilay na lalong nagpapaamo ng mukha nya at ang mga panaghoy nito na tila nagsasabing mamahalin nya sya higit sa habang buhay...
kahit tumawid pa ng kamatayan....
kahit Langit na ang humadlang...
**************************
Author's Note:
Saka na natin dugtungan bilang hindi ko nga sigurado kung akma 'to sa panlasa ng makakabasa. Palagay ko mapangahas 'to at patawad na Lord pero hindi naman natin malalaman kung ano ba talagang tama kung hindi natin papalawakin yung mararating ng imahinasyon natin.
Hindi ko alam kung maitataguyod ko 'to pero mula rito, itataguyod ko munang antok ko. Lol.
(Just let me know what you think. :)
**************************
March 27: Patawad na at ngayon ko lang ulit naitaguyod ang update nito. At least may dagdag na chapters na rin sa wakas. Lol. :)