Chapter 13: Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling..

186 31 28
                                    

Abala ang lahat sa kanya-kanya nilang paglibot sa beach. Mataas ang sikat ng araw at buong linaw nilang tanaw kung gaano kaputi at kalinis ang bawat panig ng dagat. Puro ang tinatapakan nilang buhangin na tadtad ng mga maliliit na talangka (Hermitt Crab) at makukulay na kabibe. sa gawing dulo ng hotel nila ay tanaw ang isang malaking tipak ng burol na binabalutan ng mayayabong na puno at nagbibigay ng kakaiba nitong dating na tila sa travel post cards lang makikita dahil sa taglay nitong ganda.


Mula sa 'di kalayuan, nakalatag na ang tent ng buong klase, nagtutulong-tulong sa paghahain ng bitbit nilang pagkain at halos nang magkabungguan ang mga estyudyante sa pagka-aligaga.


Mula sa kanyang kinauupuang Beach Bench, napalingon ang naka-trunks na si Leo sa isang magandang dalagang natanaw niyang naglalakad sa gawing pampang. Naka-sun glasses ito habang halos nang kuminang ang puti't kinis ng balat sa suot nitong spaghetti strap at short-shorts. Pigil hininga si Leo dahil hindi siya magkakamaling si Lourdes ang natatanaw.


Sumusunod sa hangin ang buhok ni Loures na marahan niyang sinusuklay ng mga daliri habang tila manghang-mangha sa kagandahan ng lugar na nililibot niya.


"Ang ganda mo talaga.. bakit ba kasi hindi puwedeng maging 'tayo'? Bakit?"


Sabay na bulong nina Leo at Gabriel sa mga isip nila. Saktong magkahelera lang ang inuupaan ni Leo at lumililim ditong puno ng buko na kinauupuan din ni Gabriel. Pareho silang nakatitig sa dalaga sa 'di kalayuan at pareho rin nang isinisigaw sa puso't isipan..


Slow motion ulit ang iisang tanawin na magkaparehong inaasam-asam ng dalawang binata. Tila may tumutugtog sa background habang pilit inaabot ng dalawa ang laman ng kanilang pangarap..


Minamasdan kita ng hindi mo alam,

pinapangarap kong ikaw ay akin.

Mapupulang labi at matingkad mong ngiti,

umaabot hanggang sa langit.

Huwag ka lang tititig sa akin at baka matunaw ang puso kong sabik...


Huminto si Lourdes gitna ng buhanginan ng may natanaw na Hermitt Crab na nagtago bigla sa isang balat ng niyog. Hinawi niya ito, pinulot ang munting talangka, napangiting tumayo muli habang bitbit sa magkabilang kamay ang shell nito, sinisilip sa loob ang munting nagtatagong talangka. Aliw na aliw si Lourdes habang kay tamis ng mga ngiti na halos nang magpabaliw sa dalawang binatang palihim na nakatanaw sa kanya.

 Aliw na aliw si Lourdes habang kay tamis ng mga ngiti na halos nang magpabaliw sa dalawang binatang palihim na nakatanaw sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa iyong ngiti,

ako'y nahuhumaling,

at sa tuwing ikaw ay gagalaw,

ang mundo ko'y tumitigil.

Para lang sa'yo,

ang awit ng puso.

Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin.


Sabay pa sina Leo at Gabriel na nagpangalumbaba. Ninanamnam ang kilig na nararamdaman para sa dalagang wala pa ring muwang na pinapanuod nila. Bakas sa parehong mata nina Leo at Gabriel ang panghihinayang dahil nasa harap na nila ang taong mahal nila pero parang ang layo-layo nito at ang hirap-hirap makuha. Abot-kamay na nila ang kanilang pangarap pero parang langit at lupa pa rin ang kanilang pagitan.


"Makukuntento na lang ba ako sa pagmamahal sa'yo ng 'di mo alam? Nang 'di mo pinapansin? Nang 'di mo nararamdaman?"


Kapwa napabuntong hininga ang dalawang binata habang sabay na binabalot ng kalungkutan sa parehong laman ng kanilang isip.


Minamahal kita,

ng 'di mo alam.

Huwag ka sanang magagalit.

Tinamaan yata talaga ang aking puso,

na dati akala ko'y manhid.

Hindi pa rin makalapit,

unuunahan ng kaba sa aking dibdib.


Naputol ang pagmumuni-muni nina Leo ng biglang marinig ang boses ni sir Spermatozoa gamit ang mega phone at naghuhumiyaw ng..


"Okay class, I need you to gather in front of the hotel and we will start our Phycology seminar to begin our official field research lecture!"


Badtrip ang lahat dahil naunsyame ang pagliliwaliw nila sa beach at panira ng moment ang pagduduldol ni ng prof nila na pagaaral ang talagang sinadya nila sa beach at hindi pagsasaya. 



*****************************

Mawalang galang na po sa mga drawing kong lakas maka-Grade Two. :)



How to Marry A Guardian Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon