Chapter 26: Ang pagtawid ng tao sa kabilang buhay: "Ang paghahatid.."

86 10 9
                                    

Chapter 26: Ang pagtawid ng tao sa kabilang buhay: "Ang paghahatid.."


"What we do in this realm, echoes in eternity" ---> Nakalimutan ko na kung saan ko nabasa 'to, (Sa walang pakundangang vandalism ata sa isa sa mga pader ng Edsa) pero yung kahulugan ng quote na 'to eh tagos sa kung anong mayroon sa kabilang buhay. Kung anong ginagawa natin sa mundong ito, ay tumatawid sa kung anong naghihintay sa'tin sa kabilang daigdig. Huhusgahan tayo sa mga ginawa natin noong nabubuhay pa tayo (Sabi nila, pero bilang agnostic ako, hindi ako masyadong bilib sa kung anong pamahiin mayroon tayo. Lol).


Naisip mo na ba kung anong mangyayari 'pag namatay ka? Sabi nila, pagpikit ng mga mata mo, sa dapit-hapon ng iyong buhay, makakakita ka ng isang madilim na lagusan, kung saan may kumukurap-kurap na liwanag sa dulo. Huwag mo raw susundan ang liwanag kung hindi ka pa handang tumawid sa kabilang buhay. Pero kung desidido ka na, sundan mo yung ilaw, sa dulo ng lagusan (tunnel) ay isang dambuhalang gate, kung saan makikita mo raw si San Pedro na may hawak na susi at aklat. Kung wala raw ang pangalan mo sa aklat, hindi ka niya pagbubuksan at tanging daan pababa sa dagat-dagatang apoy na lang ang naghihintay sa'yo.


Yung iba, may added twist sa kwento. Sabi nila, kung medyo alanganin ka pa raw sa destinasyon mo, maaring mapunta ka muna sa transient house, 'yon na nga ang "purgatoryo". Ang kanlungan ng mga ligaw na kaluluwa.


Yung iba namang bible scholars eh nagsasabi na pagkamatay natin, humihiwalay ang kaluluwa sa katawang lupa. Ang katawan ay mabubulok, babalik sa alabok kung saan ito ginawa, at ang kaluluwa ay babalik sa kamay ng Diyos, matutulog. Hanggang sa dumating ang araw na itinakda - Ang paghuhukom. Ayon daw sa Biblia, sabay-sabay huhusgahan ang Tao. Maaring sa pangalawang pagbabalik (Second Coming) ng Panginoon (gaya raw ng ipinangako niya), upang ganapin ang paggunaw sa mundo at paghuhukom sa mga tao, maaring may datnan siyang mga buhay na tao, dahil hindi naman lahat ay mamamatay. Sa sandaling iyon, bubuhayin na raw ang mga patay mula sa kanilang pagkakatulog, ilalabas ang "aklat ng buhay". Ang mga taong wala sa aklat ay mabubulid sa kumukulong asupre at ang mga pangalang nasa aklat ay magkakaroon ng walang hanggang buhay sa bagong mundo - sa paraiso.


At iyan mga kapatid ang buod ng mga propesiya ni apostol Daniel, mula sa mga talata ng Apocalypsis/ Revelations (Lol). At bago pa man tayo mag-tunog pastor, pupunta na 'ko sa punto ko, at iyon na nga ang "pagtatawid sa tao sa kabilang daigdig". Kung paano 'to nagaganap? Ganito kasi 'yon...


*****************************

"Angelo, dalian mo na riyan at male-late na tayo sa duty natin!"


Sigaw ni Lourdes habang palabas na ng pintuan, nakasuot ng puting-puti at malinis na uniporme ng nurse at patungo na sa nag-aantay na tricycle.


"Ayan na, pababa na. Sorry, Des, hindi ko kasi mahanap yung isang kapares ng sapatos na binili sa'kin ni mama mo."


Bitbit ang mga bag nila ni Lourdes ay dali-daling sumakay na ng tricycle ang dalawa. Napakiusapan kasi ni Lourdes ang admin ng ospital na ipasok si Angelo bilang isang janitor.


Bago man para sa kanya, nasanay na rin si Angelo sa mga bagay na mayroon sa mundo ng mga tao. Hindi pa rin malinaw sa kanya kung saan siya nagmula at kung anong nakaraan niya pero dahil sa pagiging malapit sa dalaga at sa kabutihang ipinakita sa kaniya nina aling Ason, unti-unti na niyang niyayakap ang pagiging tao.

How to Marry A Guardian Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon