Chapter 23: "My Amnesia Boy": Ang pagiging Tao ni Gabriel
"If I could only pull you out of my memory and hug you for real..." - Emoterong Motto ni Gabriel para kay Lourdes. Lol.
********************************
Yakap ng mga ulap ang mga kumikinang na bituin sa kasagsagan ng gabi. Walang tao ang paligid ng isang kalsadang babago sa lahat ng mga naganap sa buhay ng kawawang anghel. Isang ulilang poste ang nagsisilbing ilaw ng lugar.
Tangay ng hangin ang isang kakaibang misteryo na dumadampi sa isang hubad na binata na nakasubsob sa semento. Tanging isang manipis na diyaryo lamang ang saktong nadikit at nagtatakip sa kanyang kaselanan. Nakasalampak siya sa gilid ng kalsada; walang malay at halos nang humalik sa espalto ng kalsada.
Madilim ang lugar at tila sa kanya lamang naka-tuon ang ilaw ng poste. Sinasakop ng isang bilog na spotlight ang kabuuan ng kanyang walang saplot at maskuladong katawan na nakahandusay sa kalsada. Akala mo'y isang aktor sa entablado na tanging siya lang ang focus ng ilaw.
Mula sa katahimikan ng paligid ay pumailanlang ang matinis na ngiyaw ng isang pusa. Palapit sa hubad na binatang nakahandusay sa kalye. Dinilaan nito ang kanyang pisngi na akala mo'y sinasabing "Gumising ka na! Ano bang nangyari sa'yo?".
Nanginig ang kanyang hintuturo at unti-unting dumilat ang kanyang mga mata at swabeng kuminang ang kanyang asul na balintataw sa tama ng liwanag. Marahan siyang tumayo at inakay ang pusa habang hawak ng isang kamay ang kanyang ulo at inuunawa kung anong nangyayari.
"Nasaan ako?"
Sambit ng binata habang inililibot ang paningin sa paligid. Marahang niyang inilapag ang pusa na ayaw pa ring bumitiw sa mga bisig niya. Napagtanto na lamang niya ang kanyang kahubaran ng mahulog ang diyaryong tumatakip sa kung anomang meron sa pagitan ng kanyang mga hita. Agad niya itong tinakpan at madaling nagtago sa likod ng isang malaking bariles ng basura. Lumilinga-linga at natatakot na baka may dumaraang taong makakita sa kanya.
Agad siyang umalis sa lugar at napadpad sa isang bahay na may mga nakasampay na damit. Hindi niya man gusto ang gagawin pero wala na siyang nagawa kundi abutin ang sando at salawal na agad nakakuha ng kanyang atensyon. Pilit siyang sumingit sa kawayang bakod at buong pwersang inaabot ang mga nakabiting saplot. Bawat kilos niya ay sinisigurado niyang walang halong ingay at kagat labing hinablot ang pakay niyang damit.
Nagmamadali niyang isinuot isa-isa ang mga baro ngunit hindi pa man natatapos isuot ang damit ay isang boses ang gumulat sa kanya.
"Magnanakaw! Mga kapitbahay! May magnanakawwww!"
Halos magkandarapa ang isang matabang babae sa pagbaba ng hagdan habang hinahabol ang binata na saktong papalabas na ng kanilang bakod. Masusundan na niya sana ito ngunit kumalawit ang kanyang suot na palda sa isang nakausling pako sa bakod nila. Yumugyog ang mga taba nito sa katawan at humalik sa damuhan ang mga bilbil nito sa sobrang pagkataranta. Sapat na ito para makatakas ang binata.
"Aray! Damuhong magnanakaw 'to! May araw ka rin sa'kin!"
Nakatikom ang kamao ng matabang babae na patungo sa tinakbuhan ng binata at nanggagalaiti sa pagsigaw ng hustisya. Halata sa kanyang tono na hindi lang isang beses may nagtangkang sumingkit ng mga sinampay nila.
"Mabuti't natakasan ko yung lakas maka-balyenang amazona na 'yon. (hingal) Teka nga, na'san ba 'ko? Anong ginagawa ko dito? .... Sino ako?"
Humihingal ang binata habang nakasandal sa likod ng isang tricycle. Hawak ang kanyang ulo na parang hirap na hirap sa pag-alala ng mga naganap. Tinitigan niya ang kanyang mga kamay at sinilip ang mukha sa side mirror ng tricycle. Nang nagtagpo ang paningin niya at ng kanyang repleksyon ay nanlaki ang kanyang mga mata. manghang-mangha siyang nasisilayan ang kaamuhan ng kanyang mukha na parang ngayon lang niya ito nakita. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at hindi pa rin naititikom ang bibig sa labis na panggigilalas sa nakikita. Hindi niya alam kung dahil ba sa angkin niyang karisma oh dahil bakas sa kanyang repleksyon ang katotohanang gaya ng ibang ordinaryong tao ay nakalatag na rin ngayon sa kanyang paningin; Ang pagiging Tao. Ang pagiging tao ni Gabriel.
"Saklolooo! Tulong! Snatcher! Tulungan niyo ko!"
Natigil ang kanyang pagmumuni-muni ng marinig ang sigaw ng isang matandang babae sa 'di kalayuan. Agad siyang tumungo sa kinaroroonan ng babae upang sumaklolo. Saktong nakasalubong niya ang mandarambong na tangay-tangay ang bag ng matanda. Pinatid niya ito at buong lakas na hinambalos ng kanyang bisig. Humalik sa lupa ang snatcher. Agad niyang kinuha ang bag ng babae at ibinalik sa matanda. Agad namang bumangon ang snatcher at takot na takot na tumakbo palayo.
"Ay, hulog ka ng langit, iho! Maraming salamat!" Sabi ng matanda.
"Wala pong anuman, nay." Pakumbabang tugon ng binata.
"Ay, gabi na, pauwi ka na rin ba, iho? Pakisabi sa mga magulang mo na isang bayani ang anak nila para sa isang matandang tulad ko." Humagalpak ng tawa ang matandang babae at hindi pa man din nakakasagot ang binata ay sinundan agad ng babae ang kanyang tanong.
"Eh, sa'n ka ba umuuwi, iho? Malapit lang din ba kayo dito?" paguusisa ng babae.
"Hindi ko nga po alam. Hindi ko po talaga alam.." Gulong-gulo ang reaksyon ng binata at bakas sa kilos nito ang pagkalito.
"Naligaw ka ba? Iho? Huy! Wala kang uuwian? Naku! Delikado dito! Hala sige, sumama ka muna sa'kin. Sa amin ka muna bilang dalawa lang naman kami ng anak kong si Lourdes.."
"Lourdes..."
"L-O-U-R-D-E-S"
Nanlaki ang mga mata niya at parang isang sirang plaka na paulit-ulit na umiikot sa pandinig niya ang pangalang binanggit ng matandang babae. Kung kanina'y nalilito siya, ngayon ay hindi na niya alam kung anong mararamdaman. Iniisip niyang pinaglalaruan lang siya ng tadhana dahil parang kilalang kilala niya ang babae at tumatagos sa memorya niya ang pangalang binanggit nitong anak daw niya.
Parang may mga dagang tumatakbo sa utak niya na pilit hinuhukay ang nawawala niyang ala-ala pero hindi pa man siya natatapos sa kanyang pagmo-moment eh hinaltak na siya ang matandang babae at hinila papunta sa bahay nila.
Sa bahay nila Lourdes...
******************************
Author's Note: "My Amnesia Boy", pantapat sa "My Amnesia Girl" para lakas maka-Lhoydie movie. Lol. Pasensya na sa delayed updates. Nilalamon po ako ng mga trabahong pang-opisina pero pramis, mauupdate ko na ulit 'to hanggang sa maitaguyod natin ang storya ng pagiging tao ni Gabriel.
Next chapter: Chapter 24 "Pagiging Tao 101"
Salamat po sa mga sumusuporta! *Angel Hugs!* :)
Update is already posted on the next chapter (06/20/2016)
![](https://img.wattpad.com/cover/63126843-288-k304143.jpg)
BINABASA MO ANG
How to Marry A Guardian Angel?
RomancePerpekto na sana ang misyon niya bilang isang Anghel Dela Guardia, pero nangyari ang 'di inaasahan - Umibig siya sa babaeng dapat sana'y itatawid niya sa kabilang buhay. Sa isang simpleng pananalita, kwento ito ng isang Bawal na Pagibig. Pero huwag...