Chapter 18: Medical Mission sa bundok Banahaw

105 18 20
                                    

Chapter 18: Medical Mission sa bundok Banahaw


Sabi nila, "Love is not Love until you give it away!" Kung magmamahal ka, kailangan mong ibigay yung "pagmamahal" mo, dahil kung ipagdadamot mo ito, hindi na 'yon maituturing na "pagmamahal". "Mapagparaya" nga raw ang "pag-ibig" at hindi lahat ng "pagmamahal" ay nasusuklian.


Minsan yung iba, ibinibigay yung puso nila ng walang hinihingi oh hinihintay na kapalit. "Unconditional" kung baga. Pero akma lang 'to para sa tao. Paano kung Anghel na ang pinag-uusapan? Kaya niya bang "magparaya"?

**************************


"Is everyone here? Are we now complete? Sige, manong driver. Deretso na po tayo sa Laguna at baka hinihintay na tayo ng mga pasyenteng nag-register sa medical mission natin! Pakibilisan at baka ma-late tayo!"


Ang makapangyarihang utos ni Ms. Catacutan, ang head nurse nila Lourdes. Puno na ang van nila para tumungo ng Mt. Banahaw, kung saan nakatakdang maghatid ng medical mission ang grupo nila.


"Ms. De Dios! Why have you not worn your cap (cap of valor ng nurses) yet? At bakit ka nakalugay? Can't you see everyone in my team are already in proper dress code? I'm giving you Five Minutes! 'Pag lumingon ulit ako sa inyo at may nakitang hindi naka-ayos ng uniporme, maiiwan kayo rito sa hospital!"


Pagsusungit ni Ms. Catacutan kina Lourdes. Nasa unahan ng van ang head nurse, katabi ang driver, at handa nang bumiyahe.


"Hindi pa rin talaga nagbabago 'tong si Ms. Minchin, strikto pa rin kahit sa labas na ng ospital. Akala ko pa naman magiging bakasyon 'tong biyahe natin sa Laguna."


Buntong hininga ni Lourdes habang itinatali ang buhok at inaayos ang name plate sa uniporme.


"Hayaan mo na si Ms. Minchin, Des. Ganyan talaga 'pag matandang dalaga, kulang sa pagmamahal. Kaya kung ako sa'yo, sagutin mo na 'ko, kung ayaw mong humantong sa pagiging Ms. Catacutan ang future mo. Saka mah...Aruy!"


Hindi pa man natatapos dumiskarte ng ligaw si Leo, na katabi sa upuan ni Lourdes, ay siniko na siya ng dalaga.


"Tantanan mo nga ako, Leo. Kung concern ka sa pagiging matandang dalaga ni Ms. Minchin, e di siya yung ligawan mo! Bigyan mo ng flowers, chocolate at ng makamandag mong 'I love you'. Ganun! Ingat ka lang kasi baka hindi umubra yung pagiging charming mo sa pagkahalimaw niya at ipakain sa'yo pati yung wrapper ng flowers mo!"


Sabay irap at lumingon na lang sa bintana kung saan tanaw na nila ang kabukiran ng NLEX. Habang napanguso na lang si Leo at nakatikim na naman ng katarayan ng dalaga.


Ilang sandali pa at dumating na sila sa Laguna. Hitik sa tao ang paligid. Mga pasyenteng umaasa lang sa libreng medical mission upang mabisita ng doktor at ma-check up. Pagod ang lahat sa sobrang dami ng taong kailangan nilang asikasuhin. Humulas na rin ang make-up ni Ms. Minchin na 'di rin nagkanda-ugaga sa pag-mando sa medical team niya. Bitbit niya ang pamaypay na ipinantuturo sa kung anong gusto niyang i-utos sa mga subordinate niyang nurses.


Gabi na rin natapos ang lahat ng pagpapagod nila sa medical mission. Lumabas sina Lourdes at Leo upang libutin ang kagandahan ng bundok Banahaw at upang masulit ang biyahe nila sa Laguna. Napahiwalay sila sa grupo ng mga nurses na isa-isa na ring nagsisimulang magliwaliw sa lugar, bilang tapos na ang trabaho nila.

How to Marry A Guardian Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon