CHAPTER 32 - TIME TO PREPARE!

41 1 0
                                    

https://www.youtube.com/watch?v=Cl5dFGGLQjc

Credit to this awesome artist Uwe Der GroBe for this amazing cover, go visit his youtube channel on the link up there!

Play the music while reading the story!


Michelle POV

Iniisip ko ngayon ano pedeng kantahin, yung asungot kong boyfriend-ei este fiance... ay di pala sabi ko nga pala sa kanya ligawan niya ulit ako at mag propose- ah!hdgjskgsglwygrh!! Ang gulo! basta yung asungot kong love life sinabi ba naman na ako mag isip ng kakantahin.

You know naman na maraming nangyari sa amin, sumulpot yung Jenny na yun, nag karoon ako ng trust issues dun sa mokong na yun. Kaya sabi ko sa kanya, balik 0 siya. May gana pang magalit yung lalakin yun, sapakin ko yun eh, anyway, kami parin naman, pero gusto ko nililigawan niya rin ako at the same time. Oy gulo no, sorry ganyan talaga ang mga babae, CHAROT!  

Well anyway. Let's talk about the song. Ano bang song ang pede kantahin, kailngan ba relate sa Christmas since malapait na ang Christmas??

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kaya... shalllll we take a break? Hahahahah. Nag decided ako na lumabas, seryosong sumasakit na ulo ko, kay Alvince at sa song na gusto niya.

Nag bihis ako at nag ayos, hindi yung make up! Marunong lang akong mag lagay ng mascara, pag katapos nun ay bumaba ako. Nakita ko si Maila at Marielle nag lalaro. Ng Barbie... ang kyutttttt.

"Oy lalabas lang ako, dito lang kayo."

"Opo." Tipid nilang sagot. Good. Lumabas na ko ng bahay at nag lakad lakad sa labas. 

Habang nag lalakad ako nakita ko si Stephan nag jo-jogging, sa kalagitnaan ng araw,

"Stephan!" Tawag ko sa kanya.

"Oh Michelle, ano ginagawa mo dito?" Tanong niya

"Nag papahangin, yang best friend mo pine-pressure ako! Bakit kasi ako ang kailangan mag isip ng kanta?" Reklamo ko sa kanya.

"Hahahaha chill lang, alam mo ba kung bakit ikaw pinili nun, kasi pinag kakatiwalaan ka nun na kaya mong pumili ng kanta ng kakatahin natin." Trust niya ko? Parang na touch ako sa sinabi niya na trust ako ni Alvince.

"Oh ano. Mag rereklamo ka pa?"

"Tse di na po. Sorry naman kung nag rereklamo ako." Sabi ko sa kanya, tumawa na lang siya.

"Sige na bumalik ka na sa pag jo-jogging mo."

"Sige, oh mamaya sa bahay ko, gusto ni Alvince pag usapan na raw natin yung kakantahin at kung pede practice na rin." Ah okay bakit walang sinasabi sakin si Alvince.

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko. Tiningan ko at si Alvince ang nag text. 

"Oh bet ko si Alvince yan." Sabi ni Stephan habang nakangiti. Tumango na lang ako, "Sige na babalik na ko sa bahay. Pag patuloy mo na yang pag jo-jogging mo." Pag kasabi ko sa kanya ay nag jogging na ulit siya at ako bumalik ako sa bahay.

Pag bukas ko ng pinto napatalon ako ng may narinig akong parang may nahulog sa piano kaya napatakbo naman ako at nakit ko sina Marielle at Maila nag tatawanan. Si Maila nasa sahig, nakalampusay at walang tigil ng tawa.

"Ano naman nangyayari?" Tanong ko sa kanila, "Si Maila umupo sa piano keys at nagulat kaya napatalon at nahulog." Sabi ni Marielle, hay nako, tong mga batang ito.

"Kunin niyo yung malaking pillow chair malapait sa piano, tutugtugan ko kayo." Sabi ko sa kanila... it's been a while actually, huminga ako ng malalim, di na kasi ako tumutugtog sa kanila since... nung pumanaw si mommy, kasi maiiyak ako for some reason.

Music lovers (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon