CHAPTER 12- MAY GUSTO AKO SA KANYA?!?

112 6 0
                                    


-< Michelle Anne POV>-

" ano kaya mang yayari sakin kung wala ka na?"

" ano kaya mang yayari sakin kung wala ka na?"

" ano kaya mang yayari sakin kung wala ka na?"

Ahhhhh!!! Tama na okay okay?!?! Grabe patulugin mo naman ako, dalawang araw mo na kong binabulabog!!! Oo dalawang araw na since yung birthday ni Marielle.

Peste bakit ba ko binubulabog nung lalaking yun, I mean yung words niya that day? Kabwiset.

Wala kaming pasok. de joke, may pasok talaga kami tinanghali na ko ng gising. Alam niyo na kung bakit.

"Ate?! Anong ginagawa mo dito diba dapat nasa school ka pa." Eto pa isang sakit sa ulo.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito, wag mong sabihin nag skiskip ka na ng klsae. Aba Highschool ka pa lang." Sabat ko sa kanya.

"Parang ikaw di nag skiskip ng klsae ate ah?" Tinamaan ako doon.

"Gaga, nalate lang ako ng gisng. Ngayon labas ng kwarto ko kundi babato ko sayo tong alarm clock." Agad agad namang sinara ang pinto. Gaga talaga, nadala siguro nung montek na siyang matamaan ng alarm clock.

Bumangon na ko ayokong absent ako buong arwa sa school. Kumain na kong ng tanghalian para di ako gutumin, medyo maaga pa 11 pa lang naman kaya umalis na ko ng bahay baka maabutan ko yung third class ko.

Papasok na ko ng gate ng may humigit sa likod ko at..

"Holdop to wag kang gagalaw," Ano ba naman bakit ngayon pa....

"Akina na lahat ng gamit mo.''

Bakit ngayon pa....

"Akin na pera mo at yang iba pa niyan."

KA PANG MANG IINIS?!??!!

Hinawakan ko sa kamay si Stephan at binalibag ko siya sa gitna ng kalsada. Oo si Stephan na mahilig mang trip!

"A-Aray.. Pano mo nalaman akong yon.."

"Una sa lahat kilala ko boses mo! Pangalawa ramdam kong ruler yung nakadikt sa likod ko! Pangatlo Badtrip ako!! Wag mo kong guluhin! Masagasaan ka sana jan!!!" Tapos pumasok na ko sa loob ng gate.

Kakabwiset yung lalaking yun!! Grrr sana di ko makit yung dalawang mokong na yon.

Pumasok na ko sa klase ko at thank God wala si Alvince. hahah swerte ko buong araw na to hahah.

Natapos yung third class ko naabutan ko rin naman, lunch break, pero di ako gutom kaya tumambay muna ako sa garden ng school.

Hayy napaka presko dito ang babango ng mga bulaklak may favorite spot ako dito. At yun yung malaking puno!!! Let's go!!

Agad agad akong pumunta pero laking gulat ko ng nndon rin siya. Anong ginagawa niya dito?

"Hoy mokong an-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil.. natutulog siya?

Lumapit ako ng kaonti sa kanya, mukha siyang anghel.. gwapo niya pag natutulog..

Pag natutulog lang.... (=__=)

*thump thump*

Teka ano to? bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit parang pakiramdam ko ang init ng mukha ko?

*thump thump*

Aish! Anong ba nangyayari sayo Michelle!? Tsaka bakit ganito nararamdaman ko? feeling ko kung gising tong lalaking to maririnig niya na rin to.

Teka wag mong sabihin na... may gusto ako sa lalaking to?

AHHHHHHHHHH!!!!!!! Hindi pede!!!!! Ayoko.

Palakad lakad ako at iniisip kung gusto ko tong taong to? Teka nga bakit ko ba to iniisip?! Hay nako.... Michelle anong nangyayari sayo.

Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"ang... ingay mo..''

*thump thump* *thump thump*

Lalong lumakas ang pag tibok ng puso ko nung marinig ko yung boses niya... ang ganda pala talaga ng boses niya.. The hell ano ba tng pinag sasabi ko!

"Ahhh ehh bumangon ka nga jan! Pwesto ko yang tinitulugan mo."

"Paki ko ba nangiistorbo ka lang ei." Pag kasabi niya non ay binitiwan niya kamay ko at natulog nanaman. Ay bastusan lang rin pala ah.

Tinulak ko siya ng konti para umusod doon sa kabila, para mahulog na rin hehe de joke lang, baka ako pa mag bayad ng gastusin nito sa hospital.

Nagulat na lang ako ng bigla niya kong hinila papunta sa kanya at..

(O/////////O) ---> mukha ko.

Nakapatong yung kamay ko sa chest niya then yung arm niya nakapulupot sa waist ko, in other words nayapos siya sakin.... What?! NAKAYAPOS??!!!

"Why the hell your pushing me huh?" Ang lapit ng mukhya niya sa mukha ko, nararamdaman ko yung hininga niya sa mukha ko. Amoy mint? ang bango..

"P-Pwesto ko nga kasi yun. Tsaka pede bang ilayo mo yang mukha mo. ang baho ng hininga mo!"

Kesa sa ilayo niya yung mukha niya sa mukha ko ay lalo pa siyang lumapit. Pilit ko namang ilayo yung mukha ko sa mukha niya.

"Oy a-anoba!!" Tinutulak ko palayo yung mukha niya kaso ang hirap, arang pader lang ang tinutulak ko ei.

Napakalapit na nung mukha ko sa kanya!!! 1 inch na ang ang pagitan namin. WAhhhhh!!! Mommy!!

Pinikit ko na lang yung mga mata ko at inintay kung anong mangyayari, tapos nakarinig na lang ako ng malakas na tawa. Huh?

"Hahahahhaha!!!! I should bought my camera!!! hahahha!" What the heck pinagtripan ako nito!?!?

"You should see your own face ahahhaah ouch my tummy hurts...." Grrrrr

Sa di ko napigilan ang inis ko ay hinampas ko sa kanya yung bag at mga files na dala ko.

"Bwiset ka!!! Sarap mong ibaon sa lupa!!!! Bwiset!!! ang lakas mo kong pag tripan!!! Grrrrr!!! I hate you!!!! I HATE YOU!!!!!!" Tapos binato ko sa kanya yung bag ko at tumakbo palayo sa kanya.

Bwiset na lalaki yun!!! Grrrrr! Makauwi na nga lang aabsent na lang ako sa susunod kong mga klase!!

Kinapa ko yung bulsa ko kung may pera ako. Pakshit. Nasa bag yung wallet ko, ang malas ko naman oh!!!! Hayyy nako mag lalakad na nga lang ako pauwi 20 minutes lang naman exercise pa.

Palabas na ko ng gate ng makasalubong ko sina Elisha Errica at Stephan. At ang mokong nag tago sa likod ni Errica. Hmph! dapat lang. Hmmm lagi na nasama to kay Errica.

"Michelle anong nangyari sayo? Para kang sinabunutan ng sampung bakla." Tanong sakin ni Elisha bakla talaga ang peg? pede naman sigurong may pinatay ako.

"Wala may pinatay lang ako." Hirit ko sabay ngiti ng nakakatakot.

Naramdaman ko naman na nagulat yung tatlo, lalo na si Stephan.

"Mga tulig. Syempre biro ko lang yon. Ge una na ko gusto ko munang umuwi"

Tiningan lang ako ng tatlo, at ako ay lumabas na ng school.

Someday mapapatay ko talaga yang lalaki na yan bwiset!

-------------------------------------------------------------------------------------------

SORRY PO SA MATAGAL NA UPDATE MEDYO NAGING BUSY PO KASI COMMENT LANG PO YUNG GUSTONG MAG COMMENT WAG PO KAYONG MAHIYA.

MyCuteSweetHeart.

Music lovers (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon