CHAPTER 8 - LAST MEMORY

115 5 0
                                    


Michelle POV

"Bilisan na nga natin malalate pa tayo sa klase natin, dala niyo ba niyo ba mga instruments niyo?" Tanong ka sa kanila. Di ko na kasi poproblenahin yung akin.

"Oo dala namin bakit yung sayu di mo dala?" tanong sakin ni Errica tapos sabay ngiti ng nakakaloko.

"Gaga, nadadala ko ba yun dito? May piano naman don sa music hall," Kaya nga music hall diba, maraming instruments diba.

Nagmadali na kami, at baka masermonan nanaman kami, kinalimutan kasi ni Errica yung sidewinder flute niya sa bahay. Bumalik pa tuloy kami. Tsk.

Pag kapasok namin sa hall, andun na si Sir, patay... Sermon nanaman ang sa burin namin.

"Where have you been?" Naku ayan nanaman ang speech ni Sir. (>~<)

Magsasalita na Bali ako, ng bibgla kaming unahan ni sir.

"I don't need your explanation. Go to your sit, and be sure that your performance is... good." Mas nakakatakot si sir pag mahinahpn siyang mag salita.

Pumunta na kami sa upuan, laking gulat ko na lang ng makita ko si... ALVINCE?!? Anong ginagawa niya dito!?! Don't tell me na kaklase ko rin siya dito!?!

Tapos may biglang kumulbit sakin, sino pa nga ba? Edi yung kambal.

"Uy diba siya yung nakaaway mo?" - Errica

"Dito rin siya napasok? Grabe totoo ang kwento, mag soulmate talaga sila, (>v<)/" - Elisha.

"Tantanan niyo kong dalawa, sasapakin ko na kayo." Nakakairita naman tong Dalawang to dumadagdag pa sa kaguluhang nangyayari ngayun!

"For the third time, TRIPLE HARMONY!!!"

Natauhan Ako bigla, kaya agad agad akong Pumunta sa unahan, ganun din ang ginawa ng kambal.

Alam niyo ba kung bakit Triple harmony yung tawag samin, wala lang. Trip ni Sir... Ang perfect raw kasi ng harmony namin at tsuvaekek na explanation na hindi ko rin inintindi.

Nag simula nang tumugtog si Elisha, Canon kasi yung tutugtugin namin. pag ka tapos ni Elisha ako ang sumunod, ginawa kasi namin na isa isa muna tapos pag dating dun sa final chorus sabay sabay na kami.

Tiningan ko si Alvince, o ano nganga ka ngayun. Hohoho

Natapos na kaming tumgtog at tinawag niya si Alvince, well as I expected from boys, they play guitar.

Umupo na ko sa upuan namin at pinanood ko na lang siyang tumutog. Natauhan Ako bigla ng marinig ko yung River flows I you ni Yiruma, pede pala yun sa guitara.

Ang ganda rin pala nun sa guitara, heheh

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mata, agad agad ko naman tong pinunasan pero tuloy tuloy lang ang pag iyak.

Lumabas na lang ako sa music hall, masermonan na kung masermonan. Wala na kong paki, ayokong makita nila akong umiiyak. Namimiss ko lang naman si mama ei...

Siguro kung nandito siya ngayun, sasabihin niya sakin 'Ang galing naman ng anak ko, baka pag nag kataon mas gumaling ka pa sakin.'

Lalong tuloy umagos yung luha ko... Bakit kasi nangyari pa yon ei?!? Feeling ko tuloy Ako yung may kasalanan! Dapat di ko na lang siya pinilit mag punta don!!

Tapos yung music nung River Flows In You na yun...

Ang tanging alalaa ko sa kanya...

Mommy, pinapanood mo ba po bawat kilos namin?

Music lovers (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon