CHAPTER 6 - ERRICA MEETS STEPHAN. STEPHANS MEETS ERRICA

167 6 0
                                    


 Errica POV

"Elisha naman ei, samahan mo lang ako bili na." Pag pupumilit ko sa kapatid ko, ayaw niya kasi akong samahan sa mall ei. Gusto kong mamili ng bagong damit, wala na kasi akong masuot. Pasukan na sa isang linggo.

"Samahan mo na kasi ako sige na, mamaya ka na matulog. Tanghali na kaya" Sabi ko habang tinuturo ang orasan.

"Mag pasama ka na lang kay Michelle, parehas lang naman kayong addict sa pag shoshopping." Pag kasabi niya nun ay nagtaklob na siya ng kumot. Parang siya di addict sa shopping. =__=+

"Di yun papayag, kaya nga ikaw na lang."

"Kung ayaw niya ayaw ko rin, don ka na nga!" Hayy nako bahala na nga siya dito kainis.

Palabas na ko ng pinto ng bigla siyang nag salita ''Oy uwian mo ko ng Blueberry cheese cake ah"

=____________=

Tingnan mo tong si Elisha, ayaw sumama tapos mag papabili ng Blueberry cheese cake. Loka loka talaga to.

"Bahala ka! Kumain ka na lang dito! Wala kang Blueberry cheese cake!" Sigaw ko sa kanya tapos lumabas na ako ng kwarto niya. Kahit kambal kami di kami natutulog sa iisang kwarto lang.

Nag byahe na lang ako, wala naman masama kung mag byahe, tsaka wala driver namin ngayon, pinauwi nina mommy sa probinsya niya, nagkaroon raw ng emergency.

Pag dating ko sa mall, ay agad agad akong dumiretso sa mga shops ng damit, Candies, Tomato at iba pa, mayaman ei walang magagawa hahah. Yabang ko masyado hihi, blessing tawag dito no.

*kru*kru*

(O - O)

Nagulat ako nung biglang tumunog yung tiyan ko, nagugutom na ko, makakain nga muna. San ba pedeng kumain? Sa Bonchon na lang.

Papunta na sana ako sa Bonchon ng mapansin ang isang shop ng instruments, hmm speaking of instruments. Ounga pala kailangan ko nga pala bumili ng violin, nasira na kasi yung isa ko, pano ba naman nasangi kasi ni Elisha at nahulog sa floor. Warak ang inabot.. Napaka clumsy kasi non! Mahal pa naman yung violin na yun! Galing pang Singapore yun.

Alam niyo ba sa scool naming St. Selestial, ay tinatawag kaming 'Triple harmoy' Si Michelle sa piano, ako sa violin at si Elisha sa Sidewander flute. Ang cool no ^__^ Pauso nung teacher namin. Pauso rin nung ka cornihan ng teacher namin.

Pumasok na ko sa loob para mag hanap ng bagong violin, at ayun nakakita na ko. Agad agad ko tong pinuntahan

"Excuse me, mag kano po itong Violin?" Tanong ko dun sa lalaki na nasa cashier. Helloo? 

Di niya ko sinagot, ano problema nito? Sinubukan ko siyang kulbitin pero di parin siya nasagot. Tulog ba?

"Kuya, yohoo. Magkano po itong violin?" Okay medyo naiinis na ko, Hahampasin ko na bali si kuya ng may marinig akong lagabag ng pintuan sa likod. Oooh may isang anghel ang lumabas, de joke lang, isang lalaki. (O o O) Pogi... Woah ang tankad niya at ang pogi niya, yung buhok niya kulay brown, nag pakulay siguro. Tapos, sakto lang yung sinkit ng mata niya, di mo masasabing Koryano, di mo rin masasabing pure Filipino, in other words, mukha siyang half. pumunta siya kay kuya at-

"Hey... MERONG CUSTOMER AND YOUR'E SLEEPING THERE ALL THE TIME!!!" Eek nagulat ako sa pag kakasigaw niya pati si kuya nagulat nahulog pa sa upuan.

"Ahh eh oonga sir sorry po, " Lalo akong nagulat ng biglang hilahin ni pogi si kuya.

"You're fired." Pag kasabi niya nun ay agad agad nag impaki si kuya at umalis, grabe nakakatakot pala tong si pogi

Aalis na sana ko pero bigla akong inakbayan ni kuya. Eeppp!! Pervert!

Music lovers (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon