Michelle POV
Di ako kumikibo, pinipilit akong pakainin ni Calvin, pero nawalan nanaman ako ng gana kasi nakita ko si Alvince. Ang sakit, di ko alam ang gagawin ko, para na akong mamatay sa sakit na naramdaman ko.
"Michelle, please, kumain ka kahit konti. Sige ka hihimatayin ka nanaman." Pabiro niya sakin, alam ko naman na pinapangiti niya ko kahit papaano. Pero, everytime na nakikita ko si Alvince, nasasaktan ako.
"Sorry Calvin, kailangan mo kong makitang ganito, kakahiya..." Mahina kong sabi sa kanya.
"No no, its okay." Sabi niya tapos pi-nat niya yung ulo ko, ngumit naman ako sa kanya.
Nagulat ako ng bigla siyang napatalon sa upuan niya at nag sasabi siya ng yes ng maraming beses.
"Kakagulat ka naman, bakit ka biglang tumalon?"
"Napangiti na kita ei! Ang hirap mo kasing pangitiin!" Sabi niya sakin habang natawa siya sakin.
"Eto na yung first move ko para mapasaya kita." Sabi niya sakin, tumawa ako ng konti.
"First move mo ah, akala ko ba bibigyan mo ko ng time."
"Ounga, di naman ako nag mamadali, kaya nga first move ei." Sabi niya tapos ngumiti siya sakin, napatawa na lang ako.
*Ring ring!*
Narinig kong tumunog yung cellphone ni Calvin.
"Saglit lang ah." Pag kasabi niya nun ay sinagot niya toh. "Hello? Oh Manager ikaw pala yan."
Nagulat na lang kami ng biglang sumigaw yung 'manager niya'
("Hoy!!! Wala ka na bang balak bumalik! Ang tagal na ng bakasyon na binigay ko sayo!!! Pumunta ka dito ngayon kundi ako mismo kakaladkad sayo papunta dito!!")
*Doot doot doot doot*
Pinipilit kong di tumawa, yung mukha kasi ni Calvin priceless, may halong di siya makapaniwala at may halong nasaktan yung tenga niya, sino ba naman ang di mabingi dun, buti na lng nilayo agad ni Calvin yung cellphone niya sa tenga niya.
"Grabe naman si manager... mabibingi ako sa kanya ei..." Sabi niya, tapos nakita niya kong nag pipigil ng tawa.
"Sige tawa lang." Sabi niya tapos nag pout siya.Ang cute niya, hahahaha.
"San mo ba siyang manager?" Tanong ko sa kanya.
"Manager ko siya sa lahat, sa modelling, pagiging artista ko." wow, montek ko nang malimutan na artist si Calvin.
"Ounga pala, artista ka nga pala, I almost forgot about that," Sabi ko sa kanya. "Wait kung artista ka, edi dapat may mga shows ka na?"
"Well, na hold yung una kong show, kasi na-aksidente si manager, so ngayon tutuloy na, narinig mo naman diba pinapabalik na ko."
Isipin mo yun, si Calvin, artista na, model pa. Samantalang si Alvinc- Wait! Why am I talking about him!? I'm so done with him!
Am I...?
"Michelle, wanna come with me? Sabi ni Manger mag sho-shooting raw ako sa ice skating sa MOA."
Ice skating? hmmm.
"Umm okay lang. Pero mag papaalam pa ko kina daddy. Tsaka di ko pa sinasabi na nandito ako sa condo mo."
"Ah don't worry, sinabi ko na sa kanila, nung hinimatay ka kasi, yung kambal ang una kong sinabihan, sabi ko rin sa kanila na sabihin na sa family mo. Well nasabi rin nila kay Alvince..." Sabi niya, kaya pala nalaman ni Alvince na nandito ako.
BINABASA MO ANG
Music lovers (Rewriting)
Novela JuvenilSi Michelle ay isang normal girl na mahilig sa music, payapa siyang namumuhay sa Greenland village until na makilala niya si Alvince J Rodriguez. He was like a monster when he get angry, pero may pag kahilig rin to sa music. Parang silang G-clef at...