Akvince POV
"Gag* ka ba talaga ah?! Ganyan ka na ba kabulag kay Jenny?!" Sigaw sakin ng kapatid ko, nasa hospital kami ngayon, sinaksak kasi ni Michelle si Jenny.
"Tantanan mo nga ko Calvin, wala kang dinudulot na maganda sa sitwasyon ko ngayon." Kung naiintindihan mo lang kung bakit ko toh ginagawa.
"Sabihin mo yan sa sarili mo! Alam mo naman na mahal ka pa rin ni Michelle diba?! Pero ikaw ano ginawa mo sa kanya, HAH?!!" Di ko siya pinansin, mahal ko siya, kaya ko toh ginagawa.
Sinisigawan ako paulit ulit hanggang sa di ko na napigilan sarili ko, at sinuntok ko siya.
"Alam mo?! Kung alam mo lang situation ko ngayon maiintindihan mo!" Pag kasabi ko nun nag lakad na ko palayo. Pumunta ako sa emergency room kasi nandun si Jenny.
Bakit ko nga ba ginagawa toh... Di mangyayari ang lahat ng toh...
Naiinis ako sa sarili ko, pero naiinis rin ako sa sarili ko kasi hinayaan kong mangyari toh!
"Ibabagsak ko yung compony nina Michelle pag di mo ko sinunod."
Sinuntok ko yung pader, di ko pinansin yung sakit na nararamdaman ko... F*ck this sh*t!
Michelle POV
Nakatulala lang ako sa pader habang nakahiga sa kama, nandito parin ako sa Condo ni Calvin. Di ako umalis, pinauwi ko yung kambal at si Stephan.
Si Calvin naman sinundan yung dalawa sa hospital. Yung babaeng yun, galing umarte, sarap sapakin! Pero yung sinabi sakin ni Alvince, napakasakit, ayaw tumigil ng kirot na nararamdaman ko ngayon...
Bumangon ako at pumunta sa kusina, di ko alam kung ano pumasok sa isipan ko at kumuha ng kutsilyo.
Wala na kong nararamdaman kundi sakit, lagi na lang... lagi na lang nawawala ang mga mahal ko sa buhay... si mommy... si Alvince...
Lahat na lang...
Tiningan ko yung kutsyilyo at nakita ko reflection ko. Grabe kahit sarili kong reflection di ko mamukaan sarili ko.
Suicide.
Biglang pumasok sa isipan ko yun at di ko alam ang nangyayari, nakatapat na yung kutsilyo ko sa dibdib ko.
Eto na ba talaga... ayoko na...
"MICHELLE!!!" Nagulat ako ng bigla may kumuha nung kutsilyo at may yumapos sakin. Nakilala ko sa amoy ng damit. Si Calvin ang higpit nung pag kakayapos niya sakin.
Hinawakan niya yung mukha ko.
"Michelle naman... alam mo bang montek na kong atakihin... bakit hawak mo yung kutsilyo... papakamatay ka? Dahil sa kanya? Pano naman ako... kala ko ba bibigyan mo na ko ng chance..." Pag kasabi niya nun dinikit niya yung forehead niya sa forehead ko.
"I'm sorry...*sniff*" Tanging nasabi ko sa kanya at di ko na napigilang umiyak. Walang tigil ang pag tulo ng luha ko, binaon ko yung mukha ko sa dibdib niya at umiyak ng umiyak.
"Ayoko na kasi... napapagod na ko sa mga nangyayari ngayon..." Mahina kong sabi sa kanya. Hinimas niya lang yung likod ko.
"Shhh... alam ko, pahinga ka lang saglit, kahit saglit lang..." Sabi niya sakin habang hinihimas niya parin yung likod ko.
"Okay." Tipid kong sagot. Di ko namalayan na nakatulog na ko.
Calvin POV
Nakatulog na rin siya sa wakas... Grabe... kinabahan ako... Isipin mo ba naman, pag pasok ko sa condo ko makikita ko siya nasa kusina, may hawak na kutsilyo. Napatakbo ako di oras, buti na lang naisipan kong umuwi galing hospital...
Ang dapat ko palang sinabi is... mag pahinga siya ng matagal, and I'll wait for her...
"Michelle.. Michelle... grabe, sana malimutan mo na yung kapatid ko... wala na siyang pinaramdam sayo kundi sakit..." Niyapos ko pa siya ng mahigpit. Di ko kayang nakikita siya ng ganito...
Binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko. Hiniga ko siya sa kama at ki-nover ko siya ng blanket, baka lamigin, bukas pa naman yung AC sa kwarto ko.
Umupo ako sa gilid ng kama, at tiningan ko yung mukha ni Michelle. Ang ganda niya talaga, di ko maiisip kung bakit iniwan ng kapatid ko tong isang anghel na toh.
Pangako, aalagaan kita. Dahan dahan kong hinimas yung mukha ni Michelle, pinunasan ko yung basa niyang pisngi.
"Michelle... wag mo ng gawin yun, pinakaba mo ko ng sobra..." Sabi ko sa kanya a hinalikan ko yung noo niya.
Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw, sh*t nagising ko ba siya?!
Di siya nagising, kundi kinamot niya lang yung ilong niya. sheeett ang kyut! Gusto ko siyang yapusin! Di pede! Calvin kontrolin mo sarili mo!
Hug lang naman diba? Kanina naman niyapos mo na siya kanina. Isa lang!
Dahan dahan ko siyang niyapos, walang malisya! gusto ko lang talaga siyang yakapin. Nakuha ng attention ko yung labi ni Michelle, ang ganda. Parang ang sarap hali- Calvin!! Sabing wag kang ganyan! Respetuhin mo si Michelle. Natutukso lang!
Aalis na sana ako pero bigla akong niyapos ni Michelle, ang mas kinagulat ko, umiiyak nanaman siya. Hayy...
Okay pano ko toh gagawin, nakaupo ako habang kayapos ko siya, at sumasakit na yung likod ko. Dahan dahan ko siyang inusod para makakahiga ako.
Nung makahiga ako kinumutan ko sarili ko kasi medyo nagiginaw na ko, di ko alam kung bakit.
"Michelle alam mo, bukas na Christmas, wag ka ng maging sad, nandito ako. Promise na promise ko na ako ang mag papaligaya sayo." Hinimas ko ulit yung mukha niya at naramdaman kong nakatulog na rin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/9602281-288-k912996.jpg)
BINABASA MO ANG
Music lovers (Rewriting)
Fiksi RemajaSi Michelle ay isang normal girl na mahilig sa music, payapa siyang namumuhay sa Greenland village until na makilala niya si Alvince J Rodriguez. He was like a monster when he get angry, pero may pag kahilig rin to sa music. Parang silang G-clef at...