Erza's POV
It's been 2 days since we had an agreement with Zelarion. And according to Jellal, nagbibigay naman daw sya ng mga impormasyon pero so far, wala pa namang kinalaman sa balak nya sa pamilya ko.
*kriiingg*kriingg*
"Continue eating, princess. Sasagutin ko muna ang tawag." Sabi ko kay Jerine na kasalukuyang kumakain ng breakfast. Nagtungo ako sa mesa at sinagot ang telepono.
"Fernandes residence."
<Erza!>
O wait! Is this---
"Juvia?" Takhang tanong ko. Di ko alam kung kaboses lang ba o ano.
<Yaaahh! Miss na kita!>
Napangiti naman ako bigla. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng komunikasyon simula nung umalis sila. Naging abala narin kami sa kanya-kanyang naming buhay.
"Kumusta ka na?" Tanong ko.
<Okay naman. At sya nga pala, may good news ako.>
"Ano yun?"
<Nandito kami ngayon sa resort nina Lucy. Nagbabakasyon kasi kami ng pamilya ko.>
"Talaga? Kailan pa?"
<Kagabi lang. May gagawin ka ba ngayon? Pwede ba tayong magkita?>
"O sige ba. Saan?" Sabik narin kasi akong makita sya.
<Dito nalang siguro sa resort. Mamayang 11 am. Punta ka ha? Isama mo ang anak mo.>
"O sige pupunta ako."
Ibinaba ko na ang telepono at bumalik sa dining area. Nakita kong inuubos ni Jerine ang pagkain nya.
"Mommy, I'm done!" Masayang banggit nya. I patted her head.
"Good girl. Mamaya, aalis tayo. We'll meet Tita Juvia later."
"Okay!"
****
Tinext ko si Jellal na aalis kami ni Jerine. Nasa office pa kasi sya ngayon so hindi nya kami mahahatid. Good thing, alam ko kung saan inilagay ang susi ng isa pa naming kotse. Ako nalang ang magd-drive.
Habang nagd-drive, panay ang tingin ko sa side mirror. Baka kasi may sumusunod samin, or what. Ewan ko, napaparanoid na naman siguro ako lalo pa't kaming dalawa lang ni Jerine at wala pa ngayon si Jellal.
"Mommy can I take a nap?"
"Sure baby."
I adjusted the seat para maayos na makahiga si Jerine. After that, nagfocus ulit ako sa pagd-drive. Napatingin ulit ako sa side mirror and a saw a black van behind us. I looked at it more closely at inihanda ko ang sarili ko.
Binilisan ko ng bahagya ang takbo ng sasakyan. At the same time, kinuha ko ang baril sa loob ng bag ko. Since these past few days, I used to bring my gun wherever I go.
Lumiko ako sa East Street. Nung lumingon ulit ako, huminto yung van sa may restaurant. Tiningnan ko kung sino ang lumabas at napanatag ako nung makitang isang matandang business man ang lumabas at pumasok sa loob ng restaurant. I heaved a deep sigh. Akala ko nasa panganib na kami. Mali lang pala ang kutob ko.
I carefully returned the gun inside my bag and focused on driving again.
*****
"Jerine, wake up. Nandito na tayo." Marahan kong ginising si Jerine. Nung nagising na sya, bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob ng resort.
"Uhm excuse me. Si Lucy?" Tanong ko dun sa babae na dumaan, waitress yata.
"Ah! Nandun na sa cottage. Come with me, ma'am."
Hinatid ako nung waitress dun sa sinasabi nyang cottage. Nakita ko kaagad si Nashi na naglalaro mag-isa.
"Nashi!" Tawag ni Jerine sa kanya. Lumapit ito kay Nashi at masayang naglaro ang dalawa.
Lumabas si Lucy at kinawayan ako."Hi Lucy! Si Juvia?"
"Nasa loob. Halika!"
Pumasok kami sa cottage at bumungad sa amin ang mahabang mesa na may maraming nakahandang pagkain. Tapos si Juvia na nag-aayos ng mga ito.
"Erza!!" Agad nyang sambit sabay yakap sa akin.
"Hey, easy lang. By the way, nasan si Gray?" Tanong ko habang umuupo sa silya katapat nung inuupuan ni Lucy.
"Pinapasyal sa beach si Ice."
"Ice?" Pag-uulit ko sa sinabi nya.
"Uh..Uhm, anak namin." Nahihiyang banggit nya.
"Talaga? Ilang taon na sya?"
"3 years old."
"Masaya ako para sayo. Sa ano, kain na tayo?" Sabi ko. Tumawa naman sila at tinawag na ang mga bata para kumain. Si Gray, umalis dahil may aasikasuhin daw. Kaya ang narito ngayon, kaming tatlo nina Juvia at Lucy kasama ang dalawang bubwit. Si Ice kasi, nagpaiwan sa labas para maglaro.
Napansin ko namang biglang huminto sa pagkain si Lucy.
"Kumpleto sana tayo ngayon kung andito si---""Mira." Dugtong naming dalawa ni Juvia. Kulang nga kami dahil wala si Mirajane. Impossible naman kasi na makakaattend sya, eh nasa Paris sya ngayon.
"May bumanggit ba ng pangalan ko?"
Napalingon naman kaming tatlo sa pintuan para tingnan para sino ang nagsalita. At nakita namin si-------
"Mirajane!" Sabay naming sabi sabay lapit sa kanya. Si Mirajane nga! Paanong nakapunta sya rito? I mean, kailan sya umuwi?
"Nakakainis to! Bakit ngayon ka lang nagpakita samin, ha?"
Usisa ni Lucy."Busy kasi masyado. At saka, sorry na. Malayo kaya ang Paris dito."
Nagtawanan nalang kaming tatlo at nagsimulang kumain ulit, but this time kumpleto na ang barkada.
****
A/N: @DontmessUPKZ ito na yung request mo na reunion nila with their kids. ^_^PS: I want to inform you guys na hindi muna ako makakaupdate for this week and the first week of March kasi malapit na ang Final exams namin. Please do understand, dear. As soon as matapos na LAHAT ng kalbaryo ko, (xD) mag-uupdate naman po ako agad. Salamuch!
BINABASA MO ANG
Marrying the Amazona
FanfictionWhen the Amazona Fell in Love: BOOK 2 (short sequel) ** Kindly read book 1 first, before this. Baka hindi nyo maintindihan kung di nyo pa nababasa ang 'When the amazon fell in love'. Thankiess :-* Book cover by: FlamieTiger31