CHAPTER 15

174 13 2
                                    

Erza's POV

There are three more days left before Jerine's day. At dahil malapit nayun, pinafinalize ko na ang party nya.

I am on my way to Jellal's office. Kakausapin ko lang sya kung pwede akong makipagkita kay Maddie (yung event organizer) bukas. Itetext ko sana si Jellal kaso naisipan ko na dalhan sya ng lunch so dun ko narin sasabihin.

"Good morning Madame." Bati sakin nung isang empleyado. Tumango lang ako at dumiretso na sa elevator.

***

Nasa tapat na ako ng mismong opisina ni Jellal. Bitbit ko ngayon yung tupperware na naglalaman nung niluto kong adobo at sinigang para kay Jellal.

Kakatok na sana ako nung napansin kong hindi nakalock ang pinto. Usually nagl-lock naman ng pinto itong si Jellal. Pwera nalang kung may ibang taong nasa loob. Di bale, papasok nalang ako.

"Uhm Jellal nagdala pala ako n-----"

*plassshhh*

Nabitawan ko yung tupperware dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Kina Jellal at Maddie na naghahalikan.

"Shit! No. Erza, it's not what you th----" Tinulak ni Jellal si Maddie palayo. But it's too late, nakita ko na ang lahat.

"N-nakaistorbo yata a-ako. E-excuse me."

Tumakbo na ako palabas. Bwiset. Ang lalandi. Manloloko.

"Wait Erza!"

Pumasok ako sa elevator at dali-daling pumindot ng kahit anong numero. Kahit saan basta makaalis lang ako dito.

Napasandal nalang ako nung napansin kong may tumulong luha sa pisngi ko. Bakit? Bakit ang sakit?

Jellal's POV

It's already 10 in the morning at katatapos lang ng meeting ko with a new investor. I sat comfortable on my swivel chair while facing my laptop.

*knock*knock*

"Come in." Mahinang tugon ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Laurie, my secretary.

"Sir, may gusto pong kumausap sa inyo. Maddie Villamar daw po?"

"Ah, yes. Let her in."

Si Maddie ang nirecommend na event organizer ng kaibigan ko. Sabi nya magaling daw kaya sinubukan kong ihire. Mukha naman kasing makakasundo rin sya ni Erza.

"Good day, Mr. Fernandes." Umupo si Maddie sa recliner na kaharap ko at malapad na ngumiti sakin.

"So what brought you here, Ms. Villamar? Do you want to meet my wife? May kulang pa ba sa preparation?"

"Actually, hindi yun ang pinunta ko. I just..." Lumapit sya sakin at hinigit ang necktie ko. "...want to see you ."

I was taken aback by her statement. My reflexes even told me to get my gun. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, baka nabunot ko na ng tuluyan.

"What the hell do you mean?" Kunot-noong tanong ko. Tumayo ako para lumayo sa kanya.

"Don't you get it? I like you."

She what?

"Pathetic. I'm happily married and I do love my wife and daughter very much."

Marrying the AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon