CHAPTER 22

161 8 1
                                    

Erza's POV

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tulala lang ako habang nakatitig kay Jellal na nakahandusay sa harap ko. Walang tigil ang pag-agos ng dugo mula sa dibdib nya.

"Daddy... D-don't die please." Humagulgol ng iyak si Jerine habang nakayakap sa daddy nya.

"S-sa wakas... H-hustisya..."

Wala ako sa sariling lumingon kay Cronus na nakuha pang magsalita kahit naghihingalo na."K-kuya Z-zeref... Sana m-masaya ka na."

Napasinghap ako sa sinabi nya. Zeref...

"Ginawa mo to para maghiganti sa pagkamatay ni Zeref?" Tanong ko bigla.

Pilit na tumango si Cronus.
Nakaramdam bigla ako ng inis... Ng galit.

"Bakit? Hindi mo ba alam na masama syang tao? Alam mo bang sya ang pumatay sa pinsan ko? Ha? Alam mo ba? Ni minsan ba inisip kong maghiganti? Hindi. Kasi alam kong walang magagawang tama ang paghihiganti. Kahit anong gawin mo,hindi na nun maibabalik ang kung anong nawala na. Hindi na nun mababago ang nangyari!" Sigaw ko. Marahas kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko.

Natigilan ako nung bigla syang umiyak. "H-hindi... Hindi ko a-alam. A-akala ko ito ang tama."

Yumuko nalang ako at hinayaan ang luha ko na umagos. "Tapos na ang lahat. Nangyari na."

"S-siguro m-masaya na akong aalis k-kasi magaan na ang l-loob ko. P-patawarin mo sana ako. Patawarin n-nyo ako." Mahinang sambit ni Cronus. Bumagsak ang huling luha sa mata nya bago sya tuluyang nalagutan ng hininga.

Mas lalo akong napaiyak.

"H-hey... Don't c-cry."

Nag-angat ako ng tingin at tinitigan si Jellal. Pilit pa nitong pinupunasan ang luha ko. Mas lalong bumigat ang loob ko habang nakikita syang ganyan.

"H-hold on... Please."

Ngumiti sya at marahang hinawakan ang kamay ko. "T-tell me, b-bati na tayo?"

Gusto ko syang batukan dahil sa mga pinagsasabi nya. Bwiset to. Mamamatay na nga sya, yan parin ang iniisip nya.

"Umayos ka nga. Alam kong parating na sina Lucy. Dadalhin ka namin sa ho---"

"J-just tell m-me."

Oo, galit ako sa kanya. Pero kahit gaano kalaki ang galit ko, hindi ko parin maiwasan ang mag-alala.

"Y-yes."

Ngumiti Jellal at dahan-dahang pumikit. "T-thanks. I l-love----"

"Jellal!"

No... Please...

****

Epilogue na ang kasunod nito. Waaaahhh~ Tapos na talaga. T_T

Marrying the AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon