CHAPTER 20

153 8 2
                                    

Erza's POV

Nung bumalik ako sa table namin, wala na dun si Jerine.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba.

"Jellal!" Agad kong sambit nung makita ko sya. "Nakita mo ba si Jerine?"

"Ha? Akala ko kayong dalawa ang magkasama?"

The fvck!

"Sh*t. Nawawala si Jerine!"

Jerine's POV

Nagising ako na nasa isang madilim na silid. Mayroon lamang kaunting liwanag na nagmumula sa maliit na bintana.

"Mommy! Daddy!"

I shouted. Nasaan ba ako?

Then bigla kong naalala yung nangyari kanina. My God! Nakidnap ako!

Sinubukan kong buksan yung pinto pero ayaw. Bumalik nalang ako dun sa may maliit na kama. Bukod dito sa kama at maliit na mesa, wala ng nandito.

"Yung teddy bear ko." Kinuha ko yung teddy bear sa lapag at kinandong ito. Ano nang gagawin ko?

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Napatigil naman ako nung may makapa akong bagay sa buhok ko. Yung hairclip na bigay ni Ice.

Kinalukat ko nalang yung clip. Nagulat naman ako nung may napindot ako. Hala! May ganito pala.

"Ano kaya to?"

Wala namang nangyari eh. Hay.

"Sana maligtas ako. Please iligtas nyo ako."

Ice's POV

Sh*t. Did I really blush in front of her? Tsk.

"Anak! Halika dito! Tulungan natin silang mahanap si Jerine." Natatarantang sabi ni mommy. Wait, did she just say hahanapin si Jerine? Why? Is she lost?

"Ha? Kasama ko sya kanina sa garden mom."

"Talaga? Hindi kayo sabay bumalik dito?"

Umiling ako. "Nauna po akong bumalik. Ano po bang nangyayari?"

"Nawawala sa Jerine. May dumukot sa kanya!"

Damn! Dapat pala di ko sya iniwan.

I ran fast pabalik dun sa garden. Baka sakaling makita ko sya pero wala sya dun.

*toot*

Napatingin ako sa relo ko nung tumunog ito.

"Ano kaya to?"

I-it's Jerine's voice.

You're right. The clip that I gave to her is a communication tool. Nakakonekta yun sa relo ko. Pinagawa ko ang mga ito para makapag-usap kami hangga't gusto namin. Hindi ko na pinaalam sa kanya kanina kasi gusto kong sya mismo ang makatuklas.

"Sana maligtas ako. Please iligtas nyo ako."

Kung ganun, totoo ngang dinukot sya.

Marrying the AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon