CHAPTER 21

143 7 2
                                    

Jellal's POV

Sumugod kami sa headquarters ng Nirvana. Di na kami nahirapan sa paglocate dahil natrack na ito ni Mira kanina gamit ang tracker na nasa sapatos ni Jerine.

"I can't believe this would happen. Akala ko hindi na ako muling makakahawak pa ng baril." Ani Lucy habang nilalaro sa kamay nya ang baril.

"Seriously, parang de ja vu lang." Dagdag naman ni Juvia.

Sinulyapan ko sina Natsu, Lyon, at Gray na busy sa pag-aassemble ng mga extrang baril.

Bumuntong hininga ako. Sana hindi pa kami huli. Sana magawa ko pang iligtas ang mag-ina ko.

***

Nirvana Headquarters...

Gaya ng napagplanuhan, una akong pumasok sa loob with Natsu as my backup. Yung iba ay assign sa pagclear ng dadaanan namin.

*Warning! Intruder detected*

Dammit!

Cronus's POV

Pasimple akong nanonood sa monitor dito sa control room. Mula dito, kitang-kita ko kung paano sila nakapasok. Nagdala pa talaga ng tauhan ang Mysterion Knight nayun.

*Warning! Intruder detected*

Tumunog ang alarm, hudyat para lumabas na ang mga tauhan ko.

"Ngayong gabi, mamatay si Jellal at ang pamilya nya." Bumalot sa buong silid ang aking matagumpay na halakhak.

Sa wakas. Ito na ang bunga ng halos tatlong taong ginugol ko para imbestigahan ang misteryosong si Mystogan. Si Mystogan na naging si Mysterion Knight. At si Mysterion Knight na walang iba kundi si Jellal Fernandes.

"Hustisya. Makakamit ko na ang hustisya."

Erza's POV

Nagising ako na masakit ang katawan. Ah lintek, nasaan ba ako?

"M-mommy..."

Agad akong nabuhayan ng dugo nung marinig ko ang boses ni Jerine. Tatayo na sana ko para lumapit sa selda na kinalalagyan nya nung bigla akong napatigil dahil sa mga kadenang nakagapos sakin.

"Gago ka Cronus!" Sigaw ko. Kitang-kita ko kung gaano kahirap para sa anak ko ang sitwasyon nya ngayon. For heaven's sake, bata lang sya. Hindi sya dapat nandito.

"Anak patawarin mo ako. Hindi kita nailigtas."

"Hindi ka dapat nags-sorry mommy. Masaya ako kasi sinubukan mo akong iligtas. Huwag kang mag-alala,dadating sina daddy para iligtas tayo."

Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang nakangising si Cronus. Yang ngising yan... Parang...

"Ilabas ang bata." Bigla nyang banggit at binuksan ng isa nyang tauhan ang selda ni Jerine.

"San nyo sya dadalhin? Cronus wag mong saktan ang anak ko!" Sigaw ko pero parang hindi nya man lang ako narinig. Nilagpasan nya lang ako at diretso ang tingin nya sa selda ng anak ko.

Marrying the AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon