Chapter 18

135 10 1
                                    

Short chapter lang po to. ♥

*****

Jellal's POV

I'm on my way to the headquarters. Kani-kanina lang, nakatanggap ako ng tawag kay Zelarion. May importante daw syang sasabihin sakin kaya napasugod ako bigla. May ka-meeting pa sana ako mamaya kaso pina-cancel ko na. This information is more important.

Pagdating ko, agad akong pumasok sa private room ko. Magbibihis lang ako at magsusuot ng maskara. Hanggang ngayon, hindi parin kasi ako nakikipagkita kay Zelarion ng wala ang mga ito.

*meeting room*

"Zelarion." Mahinang banggit ko pagkabukas ko ng pinto. Agad namang tumayo si Zelarion at bahagyang nagbow sakin.

"Mysterion Knight, kanina lang nagpatawag ng pagpupulong si Cronus. Sinabi nya samin ang planong paglusob namin sa kampo nyo. Sa mismong kaarawan daw ng anak mo."

What.the.fuck.

Cronus's POV

I stared blankly at his tomb. Nalalapit na. Maisasagawa ko na ang matagal kong plano para makuha ang hustisya sa pagkamatay nya.

"Ipaparanas ko sa kanila ang ginawa nila sayo. Pinatay ka nila ng walang awa? Pwes, yun din ang gagawin ko."

Naikuyom ko ang kamao ko. Nagtatagis ang ngipin sa galit. Naiisip ko lang yung huling kalagayan ni kuya nung makita ko sya, gusto ko ng patayin ang gagong Jellal nayun. Oo, alam ko ang katauhan nya. Mystogan, Mysterion Knight, Jellal Fernandes. Hah! Akala nya di ko alam? Ginugol ko halos dalawang taon ng buhay ko para mag-imbestiga at gumawa ng plano. At bukas... Bukas na mangyayari ang lahat.

"Hindi ko alam kong ano ang atraso mo sa kanila't nagawa ka nilang paslangin. Pero pangako, ipaghihiganti kita kahit anong mangyari, kuya."

Jellal's POV

Nakagawa na kami ng plano. Siguro nga wala na akong magagawa kundi ang maghanda. Gag*ng Cronus nayun. Ano bang kasalanan ko at ganun nalang ang galit nya sakin?

"May balak ka bang ipaalam 'to kay Miss Erza, boss?" Tanong bigla ni Cana. Ah shit. May isa pa palang problema. Sasabihin ko ba kay Erza?

"Hindi na siguro. Gagawin ko tong mag-isa at hindi na dapat sya madamay."

Sana tama ang desisyon ko.

******

A/N: Yaaaaahhh! Almost there! Matatapos na talaga? T_T Seriously, ayokong matapos ang story nato. Sa lahat ng stories na ginawa ko, ito lang yung hindi ko mabitaw-bitawan. Masyadong akong napamahal sa characters! Pero ika nga, every story has its ending. Ngunit hindi naman ibig sabihin nun tapos na talaga diba? I mean natapos lang ito by means of the author's will, but the characters will continue to live on the reader's mind and heart. Right? Kaya sana wag nyo sila kalimutan okay? Wag nyo rin sana kalimutan pati author! Hahaha. Jokijoki lang po.

O sige na~ Byebye. See you on the next update! ♥♥

Marrying the AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon