Jellal's POV
It's been 3 days since I gave my instructions to them. Kaya ngayon, pinatawag ko ulit sila para hingan ng updates sa mga pinapagawa ko.
"Gajeel..."
"Sorry boss. Sinubukan ko pero ang hirap i-hack ng mga accounts nila." Mahinahong banggit nya. Kahit basic information nga wala sa underground site. Lintek yan.
"It's okay. How about you Elfman and Evergreen?"
"Well, Anonymous is Black Shadow's name in his account in the underground. He's a well known assassin." Panimula ni Evergreen.
I gasped. Assassin or a mafia reaper. Sila yung nagh-haunt ng mga mafias. Mostly, binabayaran sila para pumatay.
"Matinik ang taong yan. Base sa kanyang records, mahigit limampung mafia members and leaders na ang kanyang napatay. Kabilang na doon ang ilan sa mga nagtatago at mahirap mahigilap na sindikato." Dagdag pa ni Elfman.
I see. Black Shadow, huh? Hindi nga basta-basta ang taong yan. Masyado syang mapanganib.
"May alam ba kayo tungkol sa identity nya?"
Umiling si Evergreen. "Masyadong tago ang taong yan."
So there's nothing I can do to find that assassin and kill him
...or her. Mas mabuti pang mag-ingat nalang."Gajeel and Elfman, I have a request."
Ito lang ang naisip kong paraan sa ngayon."Ano iyon boss?"
"Kayo ang magbabantay ng pamilya ko sa tuwing nasa trabaho ako." Gustuhin ko mang ako mismo ang magbantay sa mag-ina ko, ayoko namang i-risk ang kompanya. Tsaka kung mababantayan sila, mas malalayo sila sa panganib.
"Sige boss."
"Okay then. Mamaya, pupunta tayo sa bahay."
Erza's POV
"Okay sige, Juvia. Salamat."
Ibinaba ko na ang telepono. Katatapos lang ng pag-uusap naming dalawa. Sinabihan ko kasi sila tungkol sa birthday party ni Jerine next week. Supposedly, uuwi na si Juvia sa probinsya sa susunod na araw. Pero ang sabi nya, ipopostpone nya para makadalo sya sa party ng anak ko."Mommy! Daddy's here. Tsaka may kasama syang mga lalaki."
Binuksan ko ang pinto upang silipin kung sino ang mga kasama ni Jellal. Dalawang lalaki. At kung hindi ako nagkakamali, members sila ng Serpent's haven.
"Hi love." Jellal gave me a kiss. Hindi ko parin inalis ang tingin sa mga kasama nya. Bakit nandito ang mga yan?
"Don't stare at them. I'm jealous." Bulong ni Jellal kaya napatingin ako sa kanya.
"What are they doing here?"
....
Jellal explained to me everything. Tungkol kay Anonymous o Black Shadow na isa palang assassin at sa plano nyang ito na bantayan kami ng tauhan nya para masiguro ang kaligtasan naming mag-ina. Well, sang-ayun naman ako sa desisyon nya. It's just that hindi ako komportable sa dalawang hunghang na'to.
BINABASA MO ANG
Marrying the Amazona
FanfictionWhen the Amazona Fell in Love: BOOK 2 (short sequel) ** Kindly read book 1 first, before this. Baka hindi nyo maintindihan kung di nyo pa nababasa ang 'When the amazon fell in love'. Thankiess :-* Book cover by: FlamieTiger31