Epilogue

242 12 8
                                    

Erza's POV

It's been a year. Isang taon na ang lumipas simula nung nangyari ang insidenteng iyon. Pero parang kahapon lang nangyari kasi hanggang ngayon, sariwa pa sakin ang lahat.

Dahan-dahan akong umupo sa harap ng puntod habang si Jerine naman ay nagtitirik ng kandila. Tahimik kong binabasa ang mga letrang nakasulat sa lapida. Napapikit nalang ako. Miss ko na sya.

"Mauna na kaming umuwi Erza. May flight pa kami mamaya."

Tiningnan ko si Mira at marahan akong tumango. Ngayon kasi ang balik nila sa Paris matapos ang halos isang taong pananatili nila dito sa Pilipinas.

"Mag-ingat kayo. Mira, tumawag ka ha?" Ngumiti ako at binaling ang tingin sa katabi nyang si Lyon na karga-karga ang natutulog na si Marcus. "Alagaan mo si Mira, Lyon. Balik ulit kayo dito."

Lumapit sakin si Mira at yumakap. I tapped her shoulder at hinayaan na silang umalis.

"Kayo ba, Lucy, Natsu, Gray at Juvia. Di pa kayo uuwi?"
Tanong ko naman sa apat.

"Will you be okay? Hindi ka pa uuwi? Sabay ka na samin." Nag-aalinlangang tanong ni Lucy.

"I'm fine. Uuwi rin kami maya-maya. Mauna na kayo, I'm sure you're busy."

Tumango sila at nagpaalam na. Now, only me and Jerine are left.

"Mom?"

"Hmmm?" Tiningnan ko si Jerine.

"Di pa po tayo uuwi? Mukhang uulan kasi."

Tumingala ako. Yeah, mukhang uulan nga. I started to feel the tiny raindrops pouring on my skin.

"Mauna ka na sa loob ng kotse, Jerine. Susunod ako."

Jerine nodded and ran away.

I sighed. Kahit palakas nang palakas na ang ulan, di parin ako tumayo. Pumikit lang ako at dinama ang malamig na ulang dumadampi sa balat ko. Ilang minuto akong nakapikit habang dinadama ang ulan.

Eh? Tumila na?

Naririnig ko pa ang tunog ng malakas na pagbuhos ng ulan. Nakakapagtaka lang kasi di ko na nararamdaman ang mga patak ng ulan sa balat ko.

Binuksan ko ang mga mata ko. Unti-unti kong naaninag ang tao sa harap na may hawak na payong.

"You'll get sick. Tsss. Let's go home."

Parang may kung anong kumirot sa puso ko. His voice. Akala ko di ko na ito maririnig ulit.

"J-jellal..." Mahinang sambit ko.

Tuwing naiisip ko ang kalagayan nya nung nabaril sya ni Cronus, nanghihina ako. Natatakot ako na mangyari ulit yun. Natatakot akong mawala rin sya sakin tulad ng pagkawala ni Sting.

"Hush, baby. You're making me worried sick."

Ang mainit nyang yakap, nakakagaan ng pakiramdam. Parang ayoko na syang bitawan.

"Bakit ka umiiyak? Namimiss mo si Sting? Better not cry, love. Death anniversary nya ngayon, ayaw nyang malungkot ka."

Oo, namimiss ko si Sting. Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Umiiyak ako kasi akala ko iiwan ako ni Jellal nung araw nayun.

"A-akala ko di na kita makakasama."

I heard his soft chuckle.

"That will never happen, okay? Kahit makipaghilaan pa ako kay kamatayan, gagawin ko. Hindi kita iiwan. Hindi kailanman. Pangako."

Humigpit ang yakap nya.

"What happened to my amazona wife? Ba't naging iyakin?" Tumawa sya ng malakas. Bigla akong nakaramdam ng inis. Bwiset to!

*pakkk*

"Aww. Back to being an amazona again." At tumawa pa sya ng malakas.

Maya-maya pa'y biglang sumeryoso ang mukha nya. Tingnan mo to, bipolar talaga.

"Jellal..." Panimula ko. This may sound so fvcking corny but I don't care. I need to tell this to him.

"Hmm?"

Huminga ako ng malalim bago pinagpatuloy ang dapat kong sabihin.

"Ikaw ang nakapagpabago ng pananaw ko noon. Dati akala ko lahat ng lalaki, paglalaruan lang ang mga babae. Pero nung nakilala kita, nawala ang manhater side ko. Hindi ko akalain ang amazonang tulad ko, magkakaroon ng happy ending na ganito. I love you so much, Jellal."

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko.

"Sa lahat ng pinagdaanan natin, nagawa natin yung lagpasan ng magkasama. Ang makilala ka ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. I love you more than most, my amazona wife."

Then we ended it with a kiss. A kiss that will last till infinity.

♥♥♥THE END♥♥♥

Marrying the AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon