Erza's POV
Nasa bahay pa nina mama si Jerine. Sa isang hotel kasi gaganapin ang party. Kasalukuyan pa naming pinafollow-up yung lahat, at ayos na naman. At dahil sa susurpresahin nga namin si Jerine, mamaya na namin sya susunduin sa bahay pag ready na ang lahat.
*meanwhile; Scarlet's Residence*
"Mommy! Daddy! Bakit ganito ang pinasuot sakin ni Lola? San po tayo pupunta?"
Suot kasi ni Jerine yung pink dress na binili pa namin ni Jellal sa Italy. Sa pagkakatanda ko, nagkakahalaga pa yun ng mahigit sa kalahating milyon.
Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay nya. "You'll see later. Let's go?"
Habang nasa byahe kami pabalik ng hotel, tinext ko naman sina Juvia at Lucy. Sabi nila nasa venue na raw sila. Si Mira, on the way pa.
"We're here." Banggit ni Jellal. Lumabas na kami ng kotse at pumasok na sa loob.
"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY JERINE!"
Napangiti ako dahil andito nga lahat ng mga inimbita ko. Si Natsu at Gray pa yung nagpaputok ng party poppers.
"Waaahh~ Thank you!" Agad namang yumakap si Jerine saming dalawa ni Jellal.
Pagkatapos nun, kainan na. Nilapitan ko naman sina Lucy.
"Hindi ko nakita si Mira ah?"
"Darating din yu---"
"Erza! Sorry nalate ata kami."
Agad akong napalingon sa babaeng lumapit samin.
"Mira!"
Well atleast, kumpleto na kami.
****
Bigayan na ng regalo. At syempre lahat ng bisita nagbigay ng gift sa kanya. Yung gift namin ni Jellal? Secret na muna!
Matapos magbigay lahat ng regalo, isa-isa iyong binuksan ni Jerine. Yung kay Lucy, dress. Kay Juvia naman, girly accessories tapos kay Mira, sapatos. Nung binuksan na ni Jerine yung gift namin ni Jellal, napatalon pa sya sa tuwa. Agad nyang niyakap yung malaking bear na halos kalahati ang laki sa kanya.
"Thank you po sa inyong lahat!"
Sunod ay nagperform ang clowns at magician.
Nagitla naman ako nung biglang akong kalabitin ni Jerine.
"Mommy, ang sakit ng paa ko." Reklamo nya sabay turo sa paa nya na suot yung sandals. Hindi naman ganun ka taas yung heels pero hindi lang siguro sya sanay.
"Okay. I'll get slippe---"
"No need, mom. I can wear tita Mira's gift." Nakangiting saad nya sabay pakita nung sapatos na bigay ni Mira. Kulay pink at mukha pang pina-costumized.
"Let me help you with that."
Tumango-tango sya habang binibigay sakin yung sapatos para isuot ko sa kanya.
***
"Asan kaya si Jellal..." Mahinang banggit ko. Nagpalinga-linga ako pero di ko sya makita. Sa halip, nahagip ng mata ko si Cana. Wait, nandito sila?
BINABASA MO ANG
Marrying the Amazona
FanfictionWhen the Amazona Fell in Love: BOOK 2 (short sequel) ** Kindly read book 1 first, before this. Baka hindi nyo maintindihan kung di nyo pa nababasa ang 'When the amazon fell in love'. Thankiess :-* Book cover by: FlamieTiger31