NEW JOB

1.7K 81 1
                                    

Alden's POV

Oo nga ano! May point si Maine! Yung iba ay hindi natutulungan! "Thank you ma'am!" Sabi ko. "Ay! Maine pala!" Tinanggap ko ang tulong niya.

Maine's POV

Ang saya palang may matulungan, ano?! Tinanggap niya ang pera na ibinigay ko. "Ano nga ang pangalan mo, kuya?" Nagtanong ako. "Alden po!" Sagot niya.

Ganda ng pangalan ah! Maputi pa at syempre yung papasa na boy sa akin ay may dimples! Eh, may dimples siya eh!

Biglang nagbuzz yung phone ko. "Ate Allysa, sasagutin ko lang po muna sa labas!" Tinuro ko yung phone ko habang nagpapaalam kay ate Allysa. "Sige, walang problema!" Sagot niya.

Lumabas ako para sagutin yung phone call. "Hello ma'am?" Sabi ni Aiden. Assistant ko. "Uy Aiden! Napatawag ka? May news ka na ba para sa bagong employees natin?!" Tanong ko na parang excited kasi parang may nahanap na siya!

"Ma'am, actually po, wala pong papasa sa hinahanap niyo!" Sabi niya. "What?!" I was shocked.

Ang tindi talaga ng mga tao ngayon! Pinahirapan ako! Umalis daw dahil may nakita na trabaho sa abroad, ito tuloy! Nahihirapan talaga akong maghanap ng kapalit nito!

"Sige, sige! Call me later if you have important news, OK?" Sabi ko. "Yes ma'am!" Sagot ni Aiden. "Sige!" Binaba ko na yung phone.

Pumasok ako ulit sa carinderya ni ate Allysa ng inis na inis.

"Maine, may problema ba?" Tanong ni Ate Allysa sa akin. "Hindi naman po gaano ka lalim. Kulang lang kasi yung employees namin!" Sabi ko sa kanya.

"Pwede bang mag-apply?" Tanong ni Alden. Narinig niya ata ang usapan namin!

Alden's POV

Para ito sa nanay ko! Company ito eh! Siguro, malaki yung kita ko dito!

"Alden, janitor, gusto mo?!" Sabi ni Ma'am Allysa. Kontrabida talaga ito oh! "Sige na po ma'am! Para po ito kay nanay!" Sabi ko.

Tumingin si Maine kay ma'am Allysa, "May point naman siya! Saka, hindi janitor yung trabaho! Ang trabaho ay ang assistant ko po!" Sabi ni Maine.

"Sige na nga! Unang araw mo nga dito, aalis ka na!" Sabi ni Ma'am Allysa. "Salamat po ma'am Allysa!" Sabi ko. "Thank you ate!" Sabi ni Maine.

"Kailan po ba ako magsisimula?!" Tanong ko kay Maine. "Pwede now!" Sabi niya.

"Talaga po?! Ang bait niyo talaga po! Pwedeng payakap?" Tanong ko.

"Alden! Mahiya ka naman! Ang yaman nito oh!" Sabi ni Ma'am Allysa.

"Sorry po." Sabi ko. "Ate, pwede naman eh!" Sabi ni Maine kay ma'am Allysa.

Nilapit ako ni Maine at niyakap. Ang bango niya! Siguro kapag assistant ako dapat maging mukhang mayaman ako! Dapat nga!


"Salamat po talaga!" Sabi ko. "Shall we go?" Sabi ni Maine. "Teka! Maine, di ka ba oorder?" Sabi ni Ma'am Allysa.

"Alden, anong gusto mo, libre kita!" Sabi ni Maine.

"Oh, ma'am Allysa, mula ngayon, di na po ako magtratrabaho sa inyo! Customer na po ako dito!" Sabi ko. Hahahaha! So parang masmalaki na yung posisyon ko kesa sa kanya! Bleh!

"Isa pong kanin saka gulay! Yun lang po akin!" Sabi ko.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon