MAINE MEETS ALDEN'S MOM

1.2K 62 1
                                    

Alden's POV

"Gisingin nalang po natin siya!" Sabi ng driver. "Wag po!" Sabi ko.

Nako, napalakas ko ata at nagalaw ko pa siya. Buti, tulog na tulog talaga siya.

Maine's POV

Ano kaya ang gagawin ni Alden? Dapat kasing malaman ng assistant ko na gisingin agad ako kapag may news, kahit na anong oras!

"Sir, tulog na tulog eh!" Sabi ng driver.

Ayaw ko na!

Gumising nalang ako at nagpaliwanag kay Alden. "Alden, dapat mo akong gisingin. Kahit maliit na bagay iyan!" Sabi ko. "Baka naman maka distorbo ako sa tulog niyo po!" Sabi ni Alden.

Ang bait talaga ng lalakeng ito! "Let's go?" Tanong ko.

"Maine..." Sabi ni Alden habang tinuturo ang pintuan ng car ko. "Ah! Just pull it!" Sabi ko.

Ginawa niya tapos hindi bumukas. "Alden, nakalock oh!" Sabi ko sa kanya. "Sorry." Sabi ni Alden.

Sa wakas, nabuksan ang pintuan!

"Okay! Labas na!" Sabi ko kay Alden.

Alden's POV

Nakakahiya talaga kapag di ka marunong sa mga ganitong bagay! Kainis! Pwede bang di na tutuloy sa trabaho na ito?!

Lumabas ako at tumuloy agad sa hospital.

"Miss, si Mrs. Richards po!" Sabi ko sa babae. "Room 382 po!" Sabi niya. "Salamat!" Sabi ko.

"Tara, Maine!" Sabi ko kay Maine, pagtingin ko nandoon pa sa sasakyan si Maine!

"Nako!" Sabi ko.

Pinunta ko si Maine at nakita ko siyang may hinahanap. "Maine? Anong hinahanap mo?" Tanong ko. "Alden, nawawala yung phone ko." Sabi niya.

"Baka nasailalim lang ng upuan!" Sabi ko. Na-check ko na eh! Wala talaga!" Sabi niya.

"Ayun oh!" Nakita ko sa ilalim ng driver's seat. Eto talaga si Maine!

"Asan?" Tingin-tingin siya sa ilalim ng katabi ng driver's seat.

"Excuse me." Kinuha ko nalang ang phone niya.

"Salamat Alden!" Sabi niya.

"Tara na! Para ma-meet mo naman ang nanay ko!" Sabi ko.

Maine's POV

Pumunta na kami sa room ng mom ni Alden.

"Nay, andito na po ako!" Sabi ni Alden. Tahimik kong isinara ang pintuan.

"Kasama ko boss ko!" Sabi ni Alden na parang maiiyak na. Kawawa naman!

"Ma'am, magandang hapon po!" Bati ko ng parang tahimik lang. "Upo ka, Maine!" Pinaupo ako ni Alden. Umupo nalang din ako, tatanggi pa ba ako?

Alden's POV

Umupo si Maine sa likuran ko at umupo ako malapit kay nanay. Biglang nagring ang phone ni Maine. ANG LAKAS!!

"Sorry, Alden!" Sabi niya. "Okay lang po, sagutin niyo na!" Sabi ko nalang. Lumabas siya at sinagot ang tawag niya.

Paglabas niya, bigla namang nagising si nanay. "Nay!" Sabi ko. "Malapit ka ng maoperahan!" Sabi ko. "Alden, di na kailangan!" Sabi ni inay ng mahina na boses at umuubo pa.

"Nay naman!" Sabi ko. Mabubuhay pa si nanay! May pag-asa pa!!

"Sige bye!" Sabi ni Maine na papunta na sa room ko. "Sino siya?" Tanong ni nanay. "Boss ko po! Nagtratrabaho na po ako sa iba, personal assistant po ako ni Maine!" Sabi ko. "Maine?" Tanong ni nanay. "Po?" Sagot ni Maine. "Pwede ba kitang mahawakan?" Tanong ng nanay ko.

Lumapit si Maine sa nanay ko.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon