SAKIT

657 34 1
                                    

Maine's POV

"Salamat sa pagkain! Matutulog na ako!" Sabi ni Alden. "Alden, may dessert pa!" Sabi ni Yaya Lois. "Salamat, busog na talaga ako!" Sabi ni Alden. "Alden, may mga damit ako doon para pang-tulog. Pwede mong gamitin!" Sabi ni David. "Wag na, inaantok na talaga ako!" Sabi niya.

Hala, umiiwas siya. Dali akong kumain at sinabihan si yaya if pwede siya nalang ang maghuhugas ng kinainan ko. Uminom ako ng tubig.

"Ipis!" Biglang sumigaw si Yaya. I was shocked, syempre! At bigla kong nabitawan ang baso.

Ang sakit!! The pieces of the shattered  glass are scattering on the floor! Tumama yung iba sa paa ko. May nakikita nga akong dugo na lumalabas!

"Maine? Okay ka lang?" Pasigaw na tanong ni Kuya Edwin. "Sorry, nabigla kita!" Sabi ni Yaya. "Makakalakad ka pa ba?" Tanong ni David.

"Ang sakit!" Bulong ko sa sarili ko. Bihira lang ako sumigaw.

"Maine, kunin ko lang ang kit!" Sabi ni David at tumakbo siya sa kwarto niya.

Bigla akong na-out balance at natumba.

Alden's POV

Sa oras na nakita kong pabagsak na si Maine sa sahig, bilis akong tumakbo.

Buti, naabutan ko siya. Kinarga ko siya.

"David, ilalagay ko siya sa silid ng tatay niya." Sigaw ko para malaman niya. "Ok!" Sagot niya.

"Patulong naman mabuksan tong pintuan!" Sabi ko. Binukasan ni Kuya Edwin. Pumasok kami ni Maine at sinara niya.

Pinahiga ko siya sa kama ng tatay niya.

Maine's POV

Ang sakit! Buti niligtas ako ni Alden, if hindi, doble ang sakit!!

"Alden, salamat ah!" Sabi ko habang nagsusuffer sa sakit.

"Madali ka palang magulat!" Sabi niya.

"Patayin mo na ang ipis!" Sigaw ni Yaya Lois.

"Takot talaga yan sa ipis, palagi siyang sumisigaw!" Sabi ko.

Ang tagal naman makuha ni David ang kit para matanggal na ang sakit.

"Asan na ba yong gamot?" Sigaw ko. "Ang sakit na!" Dinagdagan ko.

"Shhh! Parating na!" Sabi ni Alden at lumabas siya sa pintuan. "David?" Sigaw niya. "Ito na!" Sagot ni David.

"Wala pa eh!" Sabi ko.

At sa wakas, dumating na si David. "Matagal na kasi natin hindi ito nagagamit kaya nasapinakailalim ito!" Sabi ni David. "Mamaya na kita papagalitan, gamutin mo na!" Sabi ko.

Ginawa niya na at medyo nawawala na ang sakit. Magaling talaga gumamot si David! Dati kasi siyang nars, pero, may personal matter raw na tumigil siya.

Alden's POV

"Maine, tapos na ang paggagamot!" Sabi ni Daniel pero parang nakatulog na ata.

"Tulog na ata, David!" Sabi ko.

"Nako, di pa siya naka-inom ng vitamins niya! Babawi nalang siya bukas!" Sabi ni David. "Anong vitamins yan? Ibibigay ko agad sa kanya paggising namin bukas." Sabi ko. "Sige, kunin ko muna." Sabi ni David.

Lumabas si David sa silid ni Maine.

"Hindi ka naman marunong pumatay eh!" Sigaw ni Yaya Lois.

Lumabas ako agad at sinabihan si Yaya na natutulog na si Maine. "Eh, siya kasi! Di pa niya napatay!" Sabi ni Yaya.

"Asan ba?" Tanong ko. "Ayun oh! Nagtatago sa kurtina!" Sigaw ni Yaya. "Wag ka ngang sumigaw!" Sabi ko.

Pinatay ko nalang ang ipis, kawawa man pero kailangan para matahimik na ang mga takot sa ipis diyan!

A/N:
No offense sa mga takot sa ipis!

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon