Pasensya na po sa mga words na hindi niyo maiintindihan! Di po major Tagalog speaker si author! Bisaya po si author! Kaya, kapag may word na hindi niyo maiintindihan, don't be afraid to comment tungkol sa word! Thank you!
Alden's POV
"Kuya! Nakakagulat ka naman! Bigla lang sumulpot!" Sabi ko. "Sir, kanina pa ako andito. Simula nung pumasok ka!" Sabi niya.
Ibig sabihin, nakita niya na muntik ko ng nahalikan si Maine?! Kainis to! Buti pa, tatanungin ko nalang siya.
Lumapit ako sa kanya at bumulong. "May nakita ka ba na ginawa ko kanina?" Tanong ko. "Wala naman sir, may nagtext sa cellphone ko! Sir, may nangyari bang masama? Ano po yun, isisikreto ko po, promise!" Sabi niya.
Hay salamat, wala siyang nakita. Salamat sa nagtext! Niligtas mo buhay ko!
"May nakakatawa kasi akong nagawa! Hindi ko matanggal ang kamay ko sa likuran ni Maine, kaya ayun, nandoon ako hanggang sa pumunta siya sa dulo ng kama niya." Palusot ko. "Ah, ganoon po ba, di naman nakakatawa yun eh!" Sabi niya.
Bawal ko nga kasi sabihin sayo ang nangyari talaga! Sorry driver ah!
"Bakit ka pala tumawag sa akin?" Tanong ko. "Sir, sasabihin ko po sayo ang mga nasaloob ng bahay ni Maine at pagkatapos ay uuwi ako!" Sabi niya. Tumango lang ako.
"So, halata naman na ito ang room ni Maine! Actually, room to ng daddy niya, di siya maka-move on eh! Yang hinihigaan niya, bed ng daddy niya. Ayaw niyang igalaw ang kama ng daddy niya kasi diyan niya last nakita ang daddy niya na nasa-bahay. Yung katabing kama, diyan matutulog ang lahat ng mga assistants niya. Takot kasi siyang mag-isa!" Sabi niya. "Pano kung may emergency sa pamilya ng assitant?" Tanong ko. "Si Jake po ang hihiga." Sabi niya. "So, diyan ako matutulog ngayon?!" Tanong ko. "Opo, bakit? Di niyo gusto?" Tanong niya. "Wala akong sinabing ganyan ah!" Sabi ko.
Ayaw ko lang kasi matulog sa isang kama na hinigaan ng isang kinaiinisan ko!
"Punta po tayo sa kitchen!" Sabi niya. Pina-una ko siya. Ano ba yung kitchen?!
"Ito po ang kitchen!" Sabi niya.
Ah! Kusina pala! Pwede bang itagalog niya?!
"Dito siya magluluto, minsan ay mag-oorder siya kapag nasa-bad mood siya. Minsan din, si yaya ang magluluto para sa kanya kapag busy siya!" Sabi niya. "Asan yaya niya?" Tanong ko. "Yaya!" Sigaw ng driver. "Uy, baka magising si Maine!" Sabi niya. "Hindi magigising si Maine kapag nasakama siya ng Tatay niya! Ang lambot kasi! Sigurado ako, mahimbing na tulog non!" Sabi niya. "Sir?" Tanong ng isang babae.
"Yaya, siya pala si Alden, bagong assistant ni Maine!" Sabi ng driver. "Alden, siya ang yaya ni Maine! Siya si Yaya Lois!" Sabi ng driver sa akin. "Magandang gabi po, Yaya Lois!" Sabi ko. "Magandang gabi naman po, sir!" Sabi ni yaya.
"Yaya, andyan na ba si Maine?" Tanong ng isang lalaki. "Alden! Siya pala ang tagabantay ng bahay kapag walang tao! Siya si David!" Sabi ng driver sa akin. "David, bagong assistant ni Maine, si Alden!" Pinakilala ako ng driver kay David.
BINABASA MO ANG
PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}
FanfictionAn AlDub story. Kailangan ng pera si Alden para pang-opera sa nanay niyang nadamay sa car accident. Una, nahire siya bilang assistant sa isang karinderya ni Aling Allysa. Nung nalaman niyang kailangan na ng personal assistant si Maine, bigla siyang...