Alden's POV
Wow! Pinapili pa niya ako gaano kalaki ang phone na gusto ko! "Syempre malaki! Yung masmalaki pa sa tao!" Sabi ko. "Yan gusto mo ah!" Sabi ni Maine. "Joke lang!" Sabi ko. Pumunta si Maine sa isang tindahan, daming mga iba't-ibang gadget! "Ate, may cellphone ba kayo na kasinglaki, o mas malaki pa nga ng tao?" Tanong ni Maine sa tindera. Tong batang to! Joke nga eh! Joke!
"Ma'am?" Tanong ng tindera. "Ang sabi ko, may..." Pinutol ko ang sinabi ni Maine at tinakpan ang bibig niya. "Wala po, dare lang po yun!" Sabi ko.
Lumabas na kami ni Maine sa tindahan na iyon. "See, ako pa ang napahiya dahil lang sa gusto mo, kaya, kung pwede lang, sa susunod, wag ka ng magbiro kapag job related, Alden?!" Sabi ni Maine.
Di pala ito madadala ng joke. Minsan din mainit ang ulo, minsan kalma, minsan mabait, minsan masungit.
"Go back to the store and choose what you want!" Sabi niya. "Pwede sa iba, nakakahiya kasi eh, lumabas tayo tapos papasok ulit?" Sabi ko. "Whatever, just choose! Marami pang stores doon oh!" Sabi ni Maine habang tinuturo ang mga stores na katabi ng pinuntahan namin kanina.
"Ah, sige! Pasok na tayo?" Sabi ko. "Tinatanong mo kung papasok tayo?!" Tanong niya. "Oo, di mo narinig?" Sagot ko.
Mga babae talaga ano, minsan, di na makarinig eh!
"Ay, Alden, wag muna tayong pumasok! Baka sale ang inaantay mo?! Eh, wala pang sale eh!" Sabi niya. "Huh?!" Tanong ko.
Ba't nawala siya sa topic? Ba't sale na ang pinaguusapan namin! Uy! Baliw ba siya?
"Tinatanong mo kung papasok tayo? Wag nalang kaya?! Buti pa, matulog tayo dito! Total, yun naman ang mga rason bakit may mall diba? Andito ang mall para di tayo makapasok at matulog nalang! Diba?" Sabi niya.
Ay! Grabe siya! Init ulo mo uy! Kung makapagsalita ka, parang nanay ka o yun tipon na ikaw ang nagrule sa world ko!
"Tss. Taray!" Sabi ko pabulong sa hangin. "Ano sabi mo?" Sabi ni Maine.
Hay nako! Di nga makarinig! Pangalawa na iyan ah!
"Sabi ko, huminahon ka na at bibili na tayo ng phone, k?" Sabi ko nalang.
Yung totoo, gusto mo?! Wag na! Masasaktan ka lang!
"Mauna ka na!" Sabi niya.
"Tanong lang, ba't ba ang init ng ulo mo? May kaaway kaba kanina sa pagtawag mo?" Tanong ko.
Umiyak siya agad.
"Uy! Mapahiya ka niyan! Baka sabihin nila na inaaway kita! Tinatanong lang naman kita eh!" Bulong ko sa kanya.
"Si Angelique kasi!" Sabi niya.
Angelique?! Wala naman siyang nabanggit na Angelique sa akin ah!
"Sino si Angelique?" Tanong ko.
"Hay nako!" Sabi niya. "Mahabang istorya pero lumalapit siya sa BF ko!" Sabi niya.
May...may....may BOYFRIEND.......na......siya?!
Nadurog puso ko. Kala ko single ka pa! Kala ko may chance na ako! Yun pala, pinaasa mo lang ako eh!
Totoong buhay ito ah! Di to drama!
Tinapon mo lang ako!
"Tara na nga!" Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya.
Ganyan ba talaga kasakit kapag may iba na ang mahal mo?
BINABASA MO ANG
PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}
FanfictionAn AlDub story. Kailangan ng pera si Alden para pang-opera sa nanay niyang nadamay sa car accident. Una, nahire siya bilang assistant sa isang karinderya ni Aling Allysa. Nung nalaman niyang kailangan na ng personal assistant si Maine, bigla siyang...