SHOP TOGETHER PART 7

727 36 1
                                    

Maine's POV

"Oo nga Alden, ang kulit mo naman ah!" Sabi ko kay Alden.

Alden's POV

Kawawa naman si Jean kapag iniwan namin ni Maine. Baka iiyak nanaman siya!

"Bye Jean! Pag nagkita tayo sunod, bayaran mo yung cotton candy mo ah!" Sabi ko sa kanya ng pabiro. Tumawa kami ni Jean pero si Maine ay galit habang nakatutok sa akin.

"Sorry na, nakikipaglaro lang!" Sabi ko.

Maine's POV

Ang dami namang mga offense ni Alden! Sige, dahil kailangan niya ng work, I'll give him a chance! 20 offenses, then he's fired! Sa ngayon mga 3 offenses pa iyong ginawa niya! 17 nalang Alden, patay ka talaga!

Ngumiti na ako sa face ni Alden. "Alden, tip ko lang sayo! Pwede bang wag ka nang make-alam sa mga tao, you're just adding disturbance, alright?" Sabi ko sa kanya.

Alden's POV

Kawawa eh! Hindi ka ba marunong tumulong sa kapwa?! Pero, sige na nga! "Sige na! Hindi na ako gagawa ulit ng kaiinisan mo, boss!" Sabi ko ng pabiro. "Maine nga eh! I don't want people to respect me that much! If ganyan yung tawag niyo sa akin, baka pati yung mga masmatanda pa sa akin, tatawagin nila ako ng 'boss' o 'ma'am'! Ayaw ko ng ganoon! Now, you know the reason! Where do you want to go?" Tanong ni Maine sa akin.

Sasagot na sana ako na gusto ko sa mga laro-laro, biglang tumunog ang telepono ni Maine.

"Hayaan mo na yan!" Sabi ni Maine. "Ano ka ba! Baka puntahan ka ng boyfriend mo dito!" Sabi ko sa kanya.

"Could we stop talking about my love life?!" Sabi ni Maine. "Hihinto ako kapag sasagutin mo yung tawag!" Sabi ko.

"Eto na! O!" Sabi ni Maine habang ipinakita sa akin na pinindot niya ang pagsagot sa tawag.

"Hello, Maine Mendoza speaking." Sagot ni Maine.

Bakit ba kailangan lang sabihin ang pangalan niya kapag may tumawag sa kanya? Paano kung hindi niya kilala tapos sinabi niya yung pangalan niya?! Di talaga siya marunong maging SECURE.

"So what?! She's not our priority?! We just helped her!" Sabi ni Maine habang galit sa phone.

"Anong nangyari?" Bulong ko sa ere habang nakatingin siya.

"Wait lang." Sagot niya sa parehong paraan na ginamit ko.

"Well, she's not our priority! If you guys can't find her parents or guardians, announce it again! I'm pretty sure you'll find the guardians! Or maybe they already left and she's just adopted!" Sabi ni Maine.

"Well, we don't care if she's crying, we have no relationship after all!" Sabi ni Maine tapos binaba niya ang phone. Galit pa din siya.

"Ano ang nangyari?" Tanong ko kay Maine.

"Si Jean, di pa nakita ang parents niya." Sabi ni Maine habang tinatago ang cellphone niya.

"Bakit ka nagalit?! Puntahan natin!" Sabi ko kay Maine. Kinuha ko ang kamay niya pero nanigas siya at pinilit niyang binitaw ang kamay ko.

"Alden, you promised na hindi mo na gawin ang mga bagay-bagay na hindi ko gusto!" Babala ni Maine sa akin.

KAINIS!

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon