NEW THINGS

1.5K 58 1
                                    

Maine's POV

Nakakatawa pala tong si Alden!

"Eh, sa inyo po, Maine?" Tanong ni Alden sa akin. "Sabaw lang po!" Sabi ko.

"Alden, tatawagin ko lang si Aiden!" Sabi ko at ibinigay ko ang 1000 peso bill sa kanya. Lumabas ako ng sandali.

Alden's POV

"Kanin ay 10 pesos, gulay ay 30 pesos..." Pinutol ko yung sinabi ni Ma'am Allysa. "Ang mahal ng gulay ah! Wala bang tawad iyan?" Sabi ko. "Uy! Tumahimik ka! May 1000 pesos ka nga eh! Anong mahal diyan! Ang sabaw naman ay libre!" Sabi niya.

"40 pesos lahat!" Sabi niya sa akin. "Bayad po!" Inabot ko yung 1000 pesos. "May masmaliit po ba kayong pera?" Tanong niya. "Nako! Huwag po ako yung tanungin niyo! Ang tanungin niyo po ay yung tumatawag sa labas!" Sabi ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon, dumating agad si Maine.

"May problema?" Tanong ni Maine. "Lower cash daw!" Sabi ko kay Maine. "Keep the change nalang po ate!" Sabi niya.

"Ang bait mo talaga Maine! Hulog ka talaga ng langit!" Sabi ni Ma'am Allysa.

"Ate, balot nalang, ngayon kasi siya magtratraining para sa first day niya! Plano ko na sa car nalang po siya kumain!" Sabi ni Maine. "Sige!" Sabi ni Ma'am Allysa.

"Maine, ako na ang magbitbit ng mga pagkain!" Sabi ko. "Salamat ah!" Sabi niya.

Habang naghihintay kami sa pagkain, nagtext yung best friend ko. "Bro! May bakante na trabaho dito!" Text niya. "Bro, wag na. Lumipat na ako sa company. Ngayon lang! Salamat nalang ah!" Sabi ko.

"Alden..." Tanong ni Maine. "Po?" Sabi ko. "Yan lang ba yung CP mo?" Tanong niya. Anong 'CP'? Ewan ko!

"Pasensya na po ma'am, ano po yung 'CP'?" Tanong ko. Nakakahiya palang magtanong ng ganoong klase na tanong! "Ah! Cellphone! Di na kasi uso yang ganyang cellphone ngayon!" Sabi ni Maine.

Maine's POV

Masasanay din siya sa akin! Bawal ang low-class na cellphone. "Maine, ito kasi bigay ng nanay ko noong birthday ko! Ito ang unang cellphone na natanggap ko kaya inalagaan ko ng mabuti! Hanggang ngayon, buhay pa, diba?!" Sabi ni Alden.

"Sige, pero gusto mo bang bilihin kita ng bago?" Tanong ko sa kanya.

"Ito na po ang pagkain!" Sabi ni ate. "Ang swerte mo naman, Alden! May bagong cellphone ka na!" Sabi ni ate Allysa. Nakikinig pala siya!

"Ate, main assistant ko kasi siya eh! Magpapatulong lang po ako sa second assistant ko tungkol dito! Sige ate, alis na po kami!" Sabi ko.

"Tara Alden!" Sabi ko kay Alden. "Bye po ma'am Allysa!" Sabi ni Alden.

Wow! In fairness! Magalang siya ah!

Pagpasok namin sa car, parang huminto siya. "Alden, what's wrong?" Tanong ko. "Di po ako sanay sa mga ganitong klaseng sasakyan!" Sabi ni Alden.

"Halika na nga! Mahaba pa kaya biyahe natin! Punta pa tayo ng probinsya!" Sabi ko. Ayaw pa din niya.

Nagmove ako para bigyan siya ng space. "Umupo ka lang!" Sabi ko.

"5, 4, 3, 2..." Sabi ko. Hindi umabot ang '1' umupo na siya sa tabi ko. Isinara ko yung pintuan.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon