SHOP TOGETHER PART 13

639 36 1
                                    

Note:
AlDub's McDo TVC, above!
Pwede niyo tignan, pwede wag na. Kayo na bahala!
ALDUB YOU!

Alden's POV

Itong boss ko talaga! Boss ng kompanya, minamaliit ng iba! Bakit ba ganito ang nga nangyari ngayon?! Ang mashigit pa, pinayagan niya lang ang sarili niya na sinasaktan siya.

"Maine, matuto ka namang lumaban!" Sabi ko kay Maine. Medyo, pinagalitan ko. Medyo lang ah! Baka sabihin niyo, wala akong respeto sa boss ko!

"Maine, I guess you also have to avoid Tita, as you can see, lahat sila, kakampi kay Angelique. Sorry, Maine, pwede alis muna, please! For me, Meng!" Sabi ng lalaki habang nag-aalala sa Tita niya.

"Alden, tara na! Laro nalang tayo!" Sabi ni Maine sa akin. "Maine, uwi ka nalang!" Sabi ko. Naawa ako sa kanya. :(

"Alden, ayaw kong masira ang mga gusto mo dahil lang sa akin." Sabi ni Maine. "Kaya nga, gusto ko na umuwi ka! Malulungkot ako kapag hindi ako sigurado na okay ka na sa bahay mo." Sabi ko kay Maine.

"Punta na tayo sa baba. Iwan na natin sila. Tawagan mo na driver mo, uuwi ka na! OK, boss?" Sabi ko sa kanya.

"Wag mo akong tawagin na boss, OK?" Sabi ni Maine sa akin. Na-iba ang boses niya ngayon. Parang pahina na ng pahina.

Lumabas na kami sa tindahan at bumaba na gamit ang umaandar na hagdan. Ayaw niya kasi sa isa na masgusto ko kesa nito!

"Pwedeng, hospital muna tayo?" Sabi ni Maine sa akin. "Tulog na si mama, Maine! Sigurado ako!" Sabi ko sa kanya para uuwi na talaga siya.

Pagdating namin sa pinakababa sa mall, bigla siyang nahilo at nahimatay. "Maine?! Maine? Gising ka, Maine!" Bulong ko sa kanya.

"TULONG!!!" Sigaw ko sa mall. Nakakahiya man, gagawin ko para sa kanya!

"Maine! Walang biruan dito! Maine, gising!" Bulong ko uli sa kanya.

"Sir?! Anong nangyari kay Maine?!" Tanong ng driver namin habang papunta siya sa amin. Maraming tao na ang nakapalibot sa amin.

"Bigla siyang nahimatay!" Sabi ko sa driver. "Tatawag po ako ng ambulansya!" Sabi ng driver namin.

Pagtawag niya, may dumating agad na galing sa ospital. Bilis ah!

Biglang ipinalabas nila ang spine board at pinasakay kami ng driver namin sa sasakyan nila.

Pero nagdesisyon ang driver na gagamitin nalang niya ang sasakyan niya.

Pumunta na kami sa ospital at inutusan kami ng doctor na sa labas muna kami maghihintay.

"Anong nangyari kay Meng?" Tanong ng isang lalaki. Paglingon ko parang nakita ko siya noon. Teka? SIYA NANAMAN?!

GULAT NA GULAT talaga ako kung bakit siya nandito?! Akala ko kalaban siya!

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya sa akin, parang galit sa akin.

"Aba dapat lang na nandito ako!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit?! Kaano-ano ka ba ng girlfriend ko?" Tanong niya sa akin.

"JAKE EJERCITO, hindi mo girlfriend ang pangit na babaeng iyan!" Sabi ng isang babae. Bigla siyang sumulpot!

"Kayo nanaman?! Alam niyo, basta may nangyari kay Maine, andito kayo palagi eh!" Sabi ko sa kanila.

"Sir, tinawagan ko po sila." Sabi ng driver namin.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon