Alden's POV
Lagot ako! Promise, sa susunod, hindi na ako sisigaw!
"Alden! Sumagot ka!" Sigaw ni Maine.
Bumukas nanaman ang pinto at ngayon, si David ang nagpakita. "David, alalayan mo nga ako, masakit pa mga paa ko! Maliligo ako sa labas, dito kasi maliligo si Alden!" Sabi niya.
"Ako nalang sa labas! Masmalapit kasi kapag dito ka maliligo, mas hindi masakit kapag ganito lang kaliit ang lalakarin mo. Sige, maliligo na ako doon!" Sabi ko.
Lumabas na sana ako perk tinawag ako ni Maine. Lagot nanaman ako!
"Alden, bakit ba sa lahat nalang, gusto mong baliktarin?!" Sabi niya.
"Iniisip ko lang po kabutihan niyo." Sagot ko ng mahina. "Eh, bakit ngayon, hindi ka na sumisigaw?" Sigaw ni Maine. "Wala po kasing respeto kapag sumigaw ako sa boss ko." Sagot ko ng mahina pa din.
Lagot na talaga ako! Tingin ko, mawawalan na ako ng trabaho! Tulong naman oh!
"Continue what you're doing, I'll talk to you in private!" Sabi ni Maine.
Di ko masyadong naiintindihan yung sinabi niya pero umalis ako. Tinuro niya kasi ang labas, baka lalabas na ako. Ewan ko, basta lumabas nalang ako. Wala naman siyang reklamo sa ginagawa ko.
Naligo na ako sa banyo katabi ng kusina.
"Alden, anong gusto mong kainin?" Tanong ni Yaya habang naliligo ako.
"Kahit ano lang, basta masarap!" Sabi ko.
Pagkatapos kong maligo, tinakpan ko ang aking pambaba at pumunta sa silid kung nasaan ang mga gamit na bigay ni David.
Pagpasok ko, ang ginaw! Nakita ako ni David at hininaan niya ang aircon.
"Hindi pa ba siya tapos?" Tanong ko kay David na nasalabas ng pintuan. Naliligo si Maine sa loob.
Parang may mga bulong na nangyari sa loob. Ang ingay pala ni Maine maligo! Hindi yung maingay na nakakainis. Yung maingay na mahinahon.
Nagbihis ako ng pambaba muna. Biglang lumabas si Maine at nakita niyang nakahubad pa ako pangitaas.
Nagulat siya, syempre. "Bakit dito ka nagbibihis?!" Tanong niya. "Saan ba dapat?" Tanong ko. "Sa banyo!" Sabi niya.
Tinignan ko suot niya, parang sa banyo nga siya nagbihis! Pero, wala pa syang make up at ang buhok niya, hindi pa ready.
"Sorry po!" Sabi ko. Tapos bilis ako nagbihis ng pang-itaas. "David, magmamakeup na ako." Sabi ni Maine.
Maine's POV
Si David ang palaging kumukuha ng mga make up materials ko. Pati na rin ang mga accessories.
Marunong din si David magstyle ng buhok. Habang ginagawa niya ang buhok ko, nagmamake up lang ako.
"Maine, pwede ko bang laruin ang nilalaro mo kanina?" Tanong ni Alden sa akin.
Anong klaseng tanong yan?! Seryoso ba siya?! From fight, ganyan na siya ngayon?!
"Sure, bigay mo muna sa akin, bubukasan ko." Sabi ko. Binigay sa akin ni Alden ang iPad ko.
Binuksan ko ang Temple Run at isinet sa tutorial.
"Alden oh!" Inabot ko ang iPad ko kay Alden at tinuloy ko ang make up ko.
Pagkatapos kong magmake up, tinanong ko si David. "David, okay na ba make up ko?" Tanong ko. "Maine, dagdagan mo pa ng blush!" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}
FanfictionAn AlDub story. Kailangan ng pera si Alden para pang-opera sa nanay niyang nadamay sa car accident. Una, nahire siya bilang assistant sa isang karinderya ni Aling Allysa. Nung nalaman niyang kailangan na ng personal assistant si Maine, bigla siyang...