KNOW THE HOUSE PART 2

724 33 0
                                    

Alden's POV

"Hi, David!" Bati ko. "Alden! Welcome sa bahay ni Maine! Ako ang tagapangalaga dito!" Sabi niya.

"Yaya, gutom na ako!" Balik si David sa unang kausap niya, si Yaya Lois. "Tulog na si Maine!" Sabi ng driver. "Gising pa kaya ako!" Biglang dumating si Maine.

"Alden, feel yourself at home dito ah! Magluluto lang ako! Yaya, will you help me?" Tanong ni Maine kay Yaya Lois. "Opo!" Sabi ni Yaya.

Nagsimula ng nagluto si Maine.

"Alden, alam mo na ba pangalan ko?" Tanong ng driver. "Hindi po. Ang nakalagay na pangalan mo sa utak ko ay driver!" Sabi ko.

"Ako si Edwin!" Sabi niya. "Ah, kuya Edwin!" Sabi ko.

"Sige, alam mo na, ito ang kitchen, dito magluluto si Meng, syempre! Sa living room naman tayo!" Sabi niya.

"Sala ang tawag diyan, Alden!" Sabi ni Maine. "Kuya, Edwin! Itagalog mo! Deep tagalog yan si Alden!" Sabi ni Maine kay kuya Edwin. "Maine naman, nakakaintindi naman ako ng konting English eh!" Sabi ko. "Alam mo ba ang living room?" Tanong ni Maine, tumingin siya sakin. "Hindi! Konting English nga sabi eh!" Sabi ko. Tumawa kaming lahat.

"Tara na, Alden!" Sabi ni Kuya Edwin.

Mula nung nalaman ko ang pangalan ni Kuya Edwin, Kuya Edwin na ang tawag ko sa kanya!

"Ito ang sala! Dito kami naglalaro kapag hindi busy si Maine. Kaming apat lang kasi pupunta dito kasama ang unang assistant ni Maine. Si Jake naman, didiretso lang yan sa room, at kapag tapos na kaming magbonding, tulog na siya! Ganyan siya ka KJ!" Sabi niya.

"Kuya Edwin naman! Hindi KJ si Jake!" Sabi ni Maine. "Patay! Narinig niya ata uasapan natin!" Bulong ni Kuya Edwin sa akin. Tumawa kaming dalawa. "Kuya, ano ba ang KJ?" Tanong ko. "Kill Joy!" Sabi niya. "Ah, ok!" Sabi ko.

"Minsan, dito ako matutulog kapag gusto ko, pero ngayon, uuwi ako! May ihahatid kasi ako! Yung mga binili ko sa mall kanina, ihahatid ko!" Sabi niya. "Pero, dito ako kakain ng hapunan palagi!" Dagdag niya.

"Punta naman tayo sa room ni Maine! Doon una matutulog si Maine noong andito pa tatay niya! Ngayon, doon na matutulog sina Yaya at David!" Sabi ni Kuya Edwin. Pumunta kami sa isang silid at binuksan ni kuya ang ilaw.

"Ito, ang unang room ni Maine!" Sabi ni kuya Edwin.

Bumalik na kami sa sala.

"Sa labas, bukas ko na ipapakita kasi gabi na eh! Baka di mo makita ng maayos!" Sabi ni kuya Edwin.

"Alden! Nood tayo TV!" Sabi ni David. "Sige, iwan na kita kay David! May kukunin lang ako!" Sabi ni kuya Edwin.

Maine's POV

"Yaya, pakilagay ng beef! Ikaw na din bahala na mag-finish, pwede? May ibibigay lang ako kay Alden! 5 tayo kakain ngayon ah!" Sabi ko kay yaya. "Opo!" Sagot niya.

Pumunta ako sa room ni daddy at kinuha ang bag ko. Nandoon kasi nakalagay ang binili kong cellphone para kay Alden. Pero, nagbihis muna ako ng mga damit pangbahay. Tinawagan ko ang telephone na nasa sala. Tatlo yung telephone namin.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon