SHOP TOGETHER PART 5

770 40 3
                                    

Sorry po sa late update! Bakasyon na kasi! Gusto kong matulog, maglaro, at hindi gagamit ng social media! Gusto ko kasi relaxing eh! XD! Pero, eto na! Sorry talaga, forgive me, please!

Alden's POV

"Cotton candy?" Tanong niya. "Ewan ko anong tawag diyan!" Sabi ko.

Tumawa siya sa pagsabi ko. Sa wakas! Di na siya umiiyak!

Maine's POV

Bayad na ang phone ni Alden. Paglabas ko, wala na siya. "Alden?" Sabi ko.

Pagtingin ko sa kanan ko, may bata siyang kinakausap. Sabay silang umalis at pinuntahan nila ang bilihan ng cotton candy. May pera si Alden?! Ang mahal kaya nyan! Saka, kaano-ano ba niya ang bata?!

Tumakbo ako parating sa kanya. "Alden, sino siya?" Tanong ko.

Alden's POV

Nga pala! Di ko natanong ang pangalan niya! "Nawawala ang Mommy niya!" Sabi ko. "Edi sabihin mo doon sa customer service!" Sabi niya.

"Umiiyak palagi eh!" Sabi ko.

Nilapitan ni Maine ang bata. "Hey, what's your name?" Tanong niya.

Pina-english pa niya! Marunong namang magtagalog ang bata ah! Saka, baka magnosebleed ito! Lagot siya sa nanay nito!

"I'm Jean!" Sagot ng bata.

Ako ata yung magnonosebleed! English pala yung dalawa!

"Where's your mom?" Tanong ni Maine. "Nawala siya!" Sabi ni Jean.

"Jean, you want to find your mom, right?" Tanong ni Maine. Tumango si Jean. "Bili muna tayo ng cotton candy, gaya ng sabi ni Kuya Alden, then let's report na nawawala ang Mommy mo, alright?" Sabi ni Maine. Tumango ulit si Jean.

Binigay ni Maine ang cellphone na binili niya sa akin. "Jean, which color?" Tanong ni Maine kay Jean. "Pink!" Sabi ni Jean.

Bakit ba halos lahat ng batang babae, gusto talaga ng pink?

"Sige wait with kuya Alden ah!" Sabi ni Maine habang tinuturo ako. Tumango nalang ako.

Maine's POV

May problema ata si Alden sa akin! Binigyan nanaman niya ako ng gastos! Hay nako! First offense na iyon! Kapag naka-abot ito hanggang sa fifth offense, he is fired! I swear! I mean it!

"Pink na cotton candy! Malaki!" Sabi ko sa nagtitinda.

"Ito po!" Sabi niya. Nagbayad ako sa kanya at binigyan niya ako ng sukli.

Binigay ko na sa bata ang cotton candy. "Thank you ate!" Sabi ni Jean. "You're welcome!" Sabi ko na nakangiti. 'Fake smile' to be specific!

"Tara, while your eating, sabihin natin na nawawala yung Mommy mo, ok?" Tanong ko sa kanya. Tumango nanaman siya.

Pumunta na kami sa customer service. "Excuse me, miss?" Tanong ko sa taong nandoon. "Yes ma'am, how may I help you?" Sagot niya. "The girl's mother is missing!" Sabi ko sa kanya. "May we ask her name?" Tanong niya. "Jean!" Sabi ko. "And, how did you find her?" Tanong niya.

Tinawag ko si Alden. "Alden, pano mo siya nakita?" Tanong ko sa kanya. "Umiyak siya sa banda doon!" Sabi ni Alden while pointing to a store.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Again, please forgive me for slow updates! I wish you'll still follow and support this book! Promise to update as soon as I'm available! :D Bye for now! ;)

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon