Maine's POV
Alam kong hindi marunong si Alden sa mga ganyan! Obvious naman eh! Tumawa ako kasi binibiro ko siya! Tinitignan ko anong reaction niya. Nakakatawa yung reaction niya! Para siyang bata na walang alam anong nangyayari sa mundo!
"Uy? Ba't tumatawa ka?" Tanong ni Alden. "Wala! Practice lang tumawa!" Sabi ko.
Ayaw kong malaman niya ang totoo! Nakakahiya kaya! Mahiyain ako!
"Halika na nga! Ilabas mo lahat nandiyan sa plastic!" Sabi ko sa kanya.
Umupo siya sa bed, tumabi sa akin. Tinuruan ko na siya ng mga bagay-bagay tungkol sa cellphone.
Bumili din pala ako ng casing para sa cellphone!
- - AFTER TEACHING - -
"Alden, okay ka na?" Tanong ko para masure ko if naiintindihan ba talaga niya o wala. "Oo!" Sabi niya.
"Okay, isasave ko na number mo!" Sabi ko. "Contacts, tapos, my number, tapos, ayan!" Bulong niya sa sarili niya habang pini-press ang mga sinasabi niya sa sarili niya. Nakakatawa siyang mag-operate, ano?
"Ito number ko: 09*********!" Sabi niya. Na-save ko na. "Ito naman number ko, 09*********." Sabi ko. "I-save mo!" Sabi ko sa kanya.
"Maine, nga pala! Didiretso ako kay nanay sa ospital pagkagising ko, OK lang?" Tanong niya. "Oo naman! Di naman kita pwedeng awatin sa pagbisita mo sa nanay mo, diba?" Sabi ko.
Alden's POV
Pwede kong ipapakita kay nanay na may bagong cellphone na ako! Ano bang gagawin ko sa lumang cellphone ko?
"Maine, ano naman ba ang gagawin ko sa lumang cellphone ko?" Tanong ko. Baka may gusto siyang ipagawa sa akin bago ko ito itago.
"May mga ibang tao ka ba na tinetext mo gamit diyan?" Tanong niya. "Oo naman! Ano pa ba ang gamit ng isang cellphone kapag wala ka namang katext?" Sabi ko. "May point ka!" Sabi niya.
"Teka, sino ba mga ka-text mo?" Tanong niya. "Kailangan ko pa bang sabihin?" Tanong ko. Nahiya ako tuloy! "Girlfriend mo, no?" Tanong niya na nasa pambobola na tono. "Grabe ka! Single pa kaya ako!" Sabi ko sa kanya.
Mukha ba akong may girlfriend? High school lang nga tinapos ko, magkaka-girlfriend ba ang taong high-school lang yung natapos? Grabe siya!
"Eh, sino nga?" Tanong niya. "Crush mo?" Tanong niya. "Hindi ah!" Sagot ko agad.
"Bakit sa girlfriend, mahina sagot mo, tapos sa crush, bilis kang sumagot?" Tanong niya.
Lagot! Na-buking na ako!
"Sige na nga! May nagtext sa akin, sabi niya: Ethan, ano? Itutuloy pa ba natin ang pagmamahalan natin? Ayaw ko na eh!" Sabi ko, pero pinutol ni Maine ang sinabi ko. "Di naman pala ikaw yung ka-text eh! Sino ba talaga yang ka-text mo?" Tanong niya.
Kainis! Bigla siyang sumulpot! Wait lang, papunta na tayo sa ka-text ko!
"Tapos, sinagot ko: Hindi po ako si Ethan, nagkamali po kayo ng number, check niyo po ulit yung number! Tapos, nagreply siya agad: Sorry ah! Ano ba pangalan mo, ng malaman ko lang kanino ko na-send? At, yun! Doon na nagsimula ang lahat! Nagkita kami, pero, one time lang!" Sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/63770057-288-k984482.jpg)
BINABASA MO ANG
PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}
FanfictionAn AlDub story. Kailangan ng pera si Alden para pang-opera sa nanay niyang nadamay sa car accident. Una, nahire siya bilang assistant sa isang karinderya ni Aling Allysa. Nung nalaman niyang kailangan na ng personal assistant si Maine, bigla siyang...