FIRST KISS

820 43 0
                                    

cimonemairelibunao, thank you sa mga votes! Sa wakas! May new fan nanaman ako sa book ko! I-u-update ko na! Eto na! Again, thank you talaga!

Alden's POV

"Ito na! Question lang ito! Answer honestly ah!" Sabi ni Angelique. "Ok, ano ba yan! Naghihintay na si Maine!" Sabi ko. "Do you like Maine?" Tanong niya.

Ano?! Bakit niya ba tinatanong iyan?! Ano ba ang isasagot ko?!

Natulala lang ako sa tinatanong niya. "Alden? Hello?!" Sabi ni Angelique. "Bakit mo ba natanong yan?" Tanong ko habang tumatawa ako. Plastik ko, ano?!

"Wala lang!" Sabi niya.

Angelique's POV

Parang sobrang concerned kasi siya kay Maine. Kaya, natanong ko iyon! Wag niyong sabihin kay Alden ang rason ah!

Alden's POV

"Oo, bilang kaibigan!" Sabi ko. "Tapos na ba tayo?!" Tanong ko. "Sige, thank you!" Sabi niya sa mahina niyang boses. "Oh, bakit malungkot ka?!" Tanong ko. "Wala na! Go na! Mapapagalitan ka sa babaeng yun, gusto mo?" Sabi niya.

"Bye!" Sabi ko. Tumakbo ako paalis.

Pumunta ako sa entrance at nakita ko ang driver namin. "Si Maine?" Tanong ko. "Nasa-loob na po!" Sabi niya.

Pumasok na ako sa sasakyan. Si Maine, tulog na pala! Lagot! Pinahintay ko siya dito!

Maine's POV

Bigla akong nagising ng narinig kong binukasan ang pintuan sa car at sinara. "Alden?" Tanong ko habang nakapikit pa din ang mga mata ko.

"Maine? Bakit?" Bulong niya sa akin.

Bigla akong nakatulog ulit.

Alden's POV

Biglang nakatulog si Maine sa balikat ko. "Driver, punta na tayo sa bahay niya! Tulog na siya!" Sabi ko sa driver. "Opo!" Sagot niya.

- - 15 MINUTES LATER - -

"Maine? Gising na! Andito na tayo sa bahay mo!" Sabi niya. "Ang aga-aga pa?! 10 minutes, pwede?" Sabi niya.

"Driver?! Anong gagawin ko dito?" Tanong ko. "Wala tayong choice kung hindi ikarga natin siya!" Sabi niya.

Ano?! Ikakarga si Maine.

"Hindi ba siya mabigat?" Tanong ko. "Grabe kayo sir! Nag-eensayo yan si Maine araw-araw kaya nga ang payat niya oh! Nag-da-diet pa nga yan!" Sabi ng driver. "Ganoon ba?" Sabi ko.

"Ikaw na nga mag-karga!" Sabi ko. "Sir, di po ako sanay! Si Jake palagi ang nagkakarga sa kanya! Tatawagan ko na po siya!" Sabi niya. "Wag! Ako nalang magkakarga sa kanya!" Sabi ko.

Ayaw ko na ng gulo! Hindi ba nag-iisip ang driver na ito na masgugulo kapag andito si Jake?! Isip-isip din naman driver oh, pag may time!

Kinarga ko na si Maine. Ang driver ang nagpakita ng daan patungo sa bahay niya. Tama siya, di nga siya masyadong mabigat!

Paglagay ko sa kanya sa kama niya, di ko matanggal ang kamay ko kasi nasa likuran niya at humiga siya sa likuran niya.

"Maine, exuse me, yung kamay ko!" Bulong ko sa kanya. "Tulog ka na!" Sabi niya. "Nako! Nananaginip ata siya!

Magkalapit ang mga mukha namin.

Hahalikan ko sana siya sa labi niya ng bigla siyang umiwas at umikot sa dulo ng kama, palayo sa akin.

"Sayang!" Bulong ko. "Sir?" Tanong ng isang boses.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon