ALDEN VS JAKE

648 30 0
                                    

Maine's POV

Sana okay lang si Jake! Please, keep him safe!

Tinawagan na ni Alden si Kuya Edwin. Tumakbo na kami sa labas ni Alden at naghintay sa van ko.

Sa wakas, dumating na si Kuya Edwin. Sumakay kami ni Alden sa van.

"Aaron's Hospital!" Sabi ko kay Kuya Edwin.

Alden's POV

"Paki bilisan lang po! Emergency eh!" Sabi ko.

Teka lang! Bakit sumobra agad ang care ko para kay Jake?! Kalaban ko nga siya kay Maine!

Alam niyo ba anong nangyari last month?! Ganito:

Maine and I were walking together at the park. Bigla nalang sumulpot si Jake. "Hi, everyone!" Bati ni Jake.

By the way, magkaibigan na pala kami ni Jake ng KONTI.

"Hi, Jake!" Sagot ni Maine. Tapos beso-beso sila. "Hi bro!" Sagot ko naman. Tapos bro-fist kami.

"Very good ka na body guard ah! Bantay na bantay mo si Maine!" Sabi ni Jake. "Ako pa! Alam ko naman gaano siya kaimportante sa iyo at saka mahal ko din siya kaya ayun, bantay na bantay siya!" Sabi ko. "Anong 'mahal'?" Sabay nilang tanong.

Nako! Lagot!

"Mahal! Best friend ko na kasi si Maine, kaya ayun, mahal ko siya bilang FRIEND!" Sagot ko.

Sa wakas! Lusot ako sa problemang iyon! Hay nako. Alden, control!

Biglang nagring ang cellphone ni Jake. "Kukunin ko lang ah!" Sabi niya.

"Hello?" Sagot ni Jake palayo sa amin. Tumigil kami ng paglalakad para maghintay sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin sa 'mahal'?" Tanong ni Maine. "Anong 'mahal'?" Tanong ko.

Nako, Maine! Wag mo ng ulitin please!

"Kanina, sabi mo, mahal mo ako." Sabi niya.

Tatapatin nalang kita Maine! Wala na akong magagawa kung hindi sasabihin ang totoo sa iyo!

"Ang totoo Maine, gusto ko sanang mag-apply." Sabi ko. "Ng ano? Assistant naman kita ah!" Sabi ni Maine. "Mag-apply nilang, boyfriend?" Sabi ko.

"Alden, payag ako!" Biglang dumating si Jake sa likuran namin. "Maglaban tayo! Syempre, may the best man win!" Sabi ni Jake. "Game ako!" Sabi ko naman.

"Woah! Woah! Woah! Stop! This fight is not going to happen! Si Jake lang naman ang nakapagpasaya sa akin eh!" Sabi ni Maine. "Maine, just give him a chance!" Sabi ni Jake. "Also, may hadlang din si Jake! May Angelique din siya!" Sabi ko.

"Sige na nga! May the best man win!" Pumayag na si Maine!

Jake! Good luck bro! Wag ka nalang magalala at mag-assume na sa iyo na talaga si Maine, or else, magagalit ang parents mo!

Yun! Ganoon ang nangyari! Kaya 50% happy ako na nasa car accident siya! At 50% sad naman din.

"We're here!" Sabi ni Kuya Edwin sa amin. Bumaba kami ni Maine at nagpark si Kuya Edwin.

Dumeretso si Maine sa counter at tinanong kung nasaan si Jake. Nasa operating room daw, sabi nila.

Nako! Baka malala yan! Pumunta kami sa operating room at naghintay doon sa mga upuan.

Nagkita kami ng mga magulang ni Jake.

"Ikaw, babae!" Sigaw ng mama ni Jake kay Maine. Sinampal din niya si Maine.

"What are you doing here?!" Sigaw ng Mommy ni Jake.

PWEDE BANG MAG-APPLY? {ALDUB}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon