Louise's POV
"Nasa'n na si Kristel?" Tanong ko.
At wait! Ba't mag kasama si Lay at Alex? Are they already dating?
"Oy! Louise~" bulalas ni Niel,"Ha? Ah... Sorry may iniisip lang. So? Ano bang order niyo?"
"Ahm? Sorry may inasikaso lang, so? Anong order?" Sulpot ni Kristel,
Andito nga pala si Raine, Niel, at Kristel,
"Ah? Bibili pa lang kami. Papabili ka ba?"
"Ha? Sige! Ahm? Macaroni, spaghetti lang akin," sabi ni Kristel at umupo na sa table namin,
"Ah? Ikaw Raine?"
"Sa akin? Ah? Pizza na lang akin!"
"Ikaw Niel?" Tanong ko,
"Samahan na lang kita." Ngiti niya,
Omy! Nakakaasar! Ba't ba palaging nag-iinit mukha ko kapag nangiti 'tong nilalang na 'to? >.<
"Oy! Bilisan niyo na! 30 minutes na mag-i-start na klase ko!" Reklamo ni Raine,
"Ah! Oo nga! Sabi ko nga eh!" Umirap na lang ako ng pabiro at pumila,
Habang nakapila kami, nakita ko si Lay kasama na naman si Alex, Kaso! Hindi sa table namin nakapwesto, sa ibang table.
"Ano sa iyo? Ineng?"
"Ah? Macaroni, spaghetti, at pizza po. At tsaka malabon po. Salamat!"
Binigay na sa akin yung in-order ko at ang inaantay ko na lang, ay si Niel.
Habang naglalakad kami ni Niel, tumitingin sa amin yung mga senior,Nagbubulungan pa sila -_-
"Pabayaan mo na sila, hindi kasi nila alam na close tayo."
"Close ba tayo?" Biglang lumabas sa bibig ko,
Ang tanga mo talaga! Bibig ko! Hindi ka nag-iisip! Wait-- diba? Walang utak ang bibig kaya lumabas na lang sa bibig ko 'yon?
"Oh! Ito na yung pagkain niyo!"
Sabay lapag ko sa lamesa yung tray.
Habang nakain kami, napaisip ako.
Hindi ba naiilang si Niel na siya lang yung lalaki?
"Guys! Una na ako! My class are starting!" Paalam ni Raine.
Kumaway na lang kami sa kaniya bilang sagot.
"Ako rin pala~ limang minuto na lang. Bye!"Kami na lang ni Niel ang natira,
Bigla akong nailang...
"Ah? Mamaya pang 8 ang first subject natin! Saan mo gusto tumambay?"
"Ah? Kahit saan~"
Tumango siya at tumayo. Tumayo na rin ako at sinundan ko siya.
Nang papalabas na kami ng canteen, nagkakita kami ni Lay, I mean nagkatinginan.
Tumingin siya sa kasama ko at gulat ang nakita ko sa mukha niya.
Naptingin si Niel sa likod namin. At nakita rin si Lay.
Gulat rin ang nakita sa mukha ni Niel.
Napatingin rin tuloy si Alex.
Omy! Nakita ako ng kuya ko!
"Hayaan mo na sila! Tara?" Sabi ko.
Kahit nakakailang sinabi ko pa rin 'yon.
"Sige!" Sabi niya at ngumiti siya,
Pupunta sana kami sa pond kaso diniretso ako ni Niel sa garden.
Dito pa naman sa garden, walang tao.
Bihira lang kasi 'to puntahan ng mga estudyante, kaya nga bihira lang din dito maglinis.
"Teka Niel, bakit ba dito ang napili mong lugar para pagtambayan natin?" Kunyaring 'di ko naiilang na tanong sa kaniya,
"Dahil dito, tahimik. Parang ikaw, tahimik mong tinatago ang nararamdaman mo sa akin. Parang pati sa mga kaibigan mo, hindi mo sina sabi....." Gulat ang reaksyon ko,
"Ba-bakit ko naman kasi sasabihin sa kanila kung wala naman talaga akong nararamdaman sa'yo?"
"Dahil nararamdaman kong may nararamdaman ka din sa'kin...." Sabi niya at biglang nag-init ang ulo ko,
"Pwede ba? Tigilan mo na nga ang kakatanong sa'kin kung may gusto ba ako sa'yo dahil ang sagot ko Wala at hindi na magbabago 'yon!" Sigaw ko at nag walk out na ako,
"Louise!!" Rinig kong tawag niya pero hindi ko na lang pinansin
Naiinis na ako e. Paulit-ulit na lang kasi siya sa ganung tanong. Naiirita na ako. Hindi niya na lang hintayin na umamin ako.
Sympre babae ako, nahihiyang umamin. Kasi ang lalaki talaga dapat gumawa ng moves.
Sa dinaming-dami...... Wait.... WHAT THE! Ano yung sinabi niyang 'yon? 'Dahil nararamdaman kong may nararamdaman ka DIN sa'kin'.
DIN!! Bakit meron nun? Ngayon lang pumasok sa utak ko. Slow ako e, sorry na. Nadala ng inis e.
"Louise!" Biglang may humawak sa shoulder ko.
Nanginig ang buong katawan ko at lumayo sa kaniya,
"Galit ka ba sa'kin?" Tanong ni Niel at hindi ako makasagot.
Mas lalo akong nailang,
"Bakit naman ako magagalit?" Sa wakas nakapag-salita ako. Akala ko hindi na 'to magbubuka,
"Sorry sa nagawa ko...." Sabi niya,
Biglang hinawakan ni Niel ang wrist ko.
Gusto ko sanang ilayo pero higpit e.
"Sabay na tayong pumuntang classroom kahit 'di pa time," sabi niya at ngumiti,
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang gentleman niya. Hindi talaga kamay ko ang hinawakan. Mas lalong nakaka-in love!!-××××-
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Fiksi RemajaLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...