Lay's POV
~*~
Kasama ko si Alex ngayon. Nag lu-lunch kami kasabay ng paggawa ng drawing ng bahay. Assignment namin eh.
"So... kapatid mo pala si Louise....." sabi ko.
"Oo... kaibigan mo pala ang kapatid ko. Hindi ko man lang alam 'yon," sabi niya at napakamot sa batok.
"Ako nga din e. Sarili kong kaibigan na hindi ko man lang alam na may kuya pala. Paano ba naman kasi... hindi siya nag ku-kwento tungkol sa'yo," sabi ko.
"Bakit? Gusto mo bang lagi akong naku-kwento ng kapatid ko sa'yo?" sabi nitong baliw na 'to.
"Of course.... NOT!" sabi ko at sabay kaming nagtawanan.
Habang nag e-enjoy kami.... may nang istorbo. Seriously?! Stalker ba talaga 'to ni Alex?
"Alex... magkasama na naman kayo?!" sabi nung Nikki.
"Ano bang masama doon?" inis na tanong ni Alex
"Napagkakamalan kasing kayo kahit 'di naman!" sigaw nitong pangit.
"Bakit? Hindi ba?" Nagulat ako sa sinabi ni Alex at dumikit sa'kin. WHAT!!! Sh*t.
"A-alex.... 'di totoo 'yan..." - Nikki
"Anong 'di totoo? Can't you see? Kaya nga kami laging mag kasama dahil kami na nga... halika na nga... babe..."
Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Kami daw?! Babe daw?! What the f*ck! 'Di na ako aasa.
"Teka lang Alex! Bakit mo ba ginawa 'yon?" inis kong tanong.
"Pasensya na, Lay. Ginawa ko 'yon para lang tigilan na ako ni Nikki," sabi nito.
"Bakit? Ano ba 'yon? Ex mo ba?" tanong ko.
"Hindi ko ex..."
"Then who the h*ll is she?" Naiinis na ako e.
"Hindi ko alam dun! May gusto lang 'yon sa'kin at 'yon lang ang alam ko. Siguro iniisip niya, kami..."
"Ayoko kasi ng ginagamit ako!" sabi ko at nag walk out na.
Mababaw na kung mababaw. But this is my attitude. Ayoko ng ginagamit ako sa mga ganun.
Nakita ko sina Kristel. Nilapitan ko sila.
"Hi Lay!" bati ni Raine
"Bakit kayo lang? Na saan si Louise?" tanong ko.
"Ayun, kasama si Lealyn...." sabi ni Kristel.
"Sa'n nag punta?" tanong ko
"Ewan namin dun sa dalawang 'yon. Bigla na lang naghatakan at iniwan kami," sabi pa ni Kristel
Close na talaga sila ng kapatid ko. Kahit kakakilala lang nila nung isang araw.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Raine.
"Hahanapin ko si Louise at Lealyn..."
Habang nag la-lakad , nakasalubong ko si kuya.
"Kuya... alam mo ba kung na saan sina Lea?" tanong ko.
"Andon sa canteen, kasama si...... Louise," sabi ni kuya
"Six.... kunwari ka pang 'di mo kilala si Louise," sabi ko at tumawa. And after that, dumiretso na ako sa canteen
Nakita ko agad sila.
Tapos bigla na lang lumapot si Alex sa table nila Louise.
'Ayoko na. Aalis muna ako'.
Pero, bago ako tumalikod, narinig kong tinawag ako ni Louise.
"Lay!"
Titingin ba ako o tatalikod?!
"B-bakit?"
"Oh! Kuya! Puntahan mo na," sabi ni Louise.
Hala?! Goshie! Anong gagawin ko?
Nakakainis naman kasi 'tong lalaki na 'to! Ginamit pa ako para lang lumayo sa kanya yung Nikki na 'yon----
"Psst! Sorry na...."
Bigla kong naramdaman na na-cover yung katawan ko.
"Sorry ha? Promise! Kapag kumalat na tayo, paninindigan ko... 'wag ka lang lumayo sa akin..."
Nagulat ako doon sa last sentence niya.
'How can he say that?!'
Gusto ko siyang itulak at sagutin ng pabalang kaso ayaw gumalaw ng katawan ko.
"Please?" I heard his voice cracked.
"B-ba't mo ko pini-please?"
"Gusto kasi kitang kasama...." sabi niya at lalong humigpit ang yakap niya.
My heart beat fast. I was flattered.
Hindi na naman ako makagalaw.
"Oy! Bro! Bawal mag PDA." Biglang kalabit ni kuya.
"L-Lay?! Gulat na tanong ni kuya sa akin.
"Bro!" sabi ni Alex at humiwalay.
Nakatulala ako't nakatingin sa sahig. Ayaw pa tumigil ng puso ko sa ka-katibok ng mabilis.
Yung totoo? May sakit ba ako sa puso?!
"Lay... I will talk to you later sa bahay." Bumulong si kuya sa tenga ko ng seryoso at umalis na.
"Ang strict." Sabi na lang ni Alex
"Basta! Bati na tayo ha? Wifey?"
My heart beats fast AGAIN.
'What the h*ll ?!'
Bumilis na naman tibok ng puso ko.
Ayaw ko na! >O<
BINABASA MO ANG
Broken Love.
Teen FictionLima na mag kakaibigan na palaging NASASAKTAN, UMAASA, at palaging UMIIYAK. Ganun na lang ba ang palaging takbo ng buhay nila? Is that the whole process of their whole life? Pusong nasaktan, ngunit bumabangon. Paano kung makilala nila ang isang grup...